Season 2 - 84 (Eyes)

434 22 2
                                    

Chloe's POV

Laking pasasalamat ko na hindi naman malala ang sugat na natamo sa ulo ni Air. Nagpa-iwan na muna ako rito habang sina Kai at Ayeka ay umalis na. Kailangan na raw kasi nilang umuwi. Si Eos ay babalik daw maya maya, uuwi muna raw ito para sa mga gamit naming dala. Marami rin kasi iyon.

Nagpaiwan ako para hintaying gumising si Air. Hindi ko talaga akalaing magagawa niya akong iligtas kanina. Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin ito nagigising.

"Ugh," impit na ungol ni Air kaya agad akong lumapit dito.

"Air," tawag ko sa pangalan niya. Nilingon niya naman ako saka siya pumikit ulit.

"Water," aniya kaya naman agad kong kinuha ang bottled water sa may bed side table at binuksan iyon.

Itinaas ko ang uluhan ng kama niya para maka-inom ito. Matapos kong matulungan siya sa pag-inom ay ipinikit niya ulit ang kanyang mata.

"May masakit ba? Tatawag ako ng doctor. Saka nga pala, ibigay mo sa akin ang number ng parents mo para ma-inform ko sila. Hala Air, sorry talaga. Dahil sa akin. . . I'm so sorry," sinserong sabi ko sa kanya.

Unti-unti nitong idinilat ang kanyang mga mata saka siya lumingon sa akin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Anong oras na?" Tanong niya.

"10:30," sagot ko saka ako umupo sa kama, sa tabi niya.

"Why are you sitting here? Go sit there!" Asik niya sabay tingin sa upuan.

"Ang hina mo magsalita eh!" Asik ko rin sa kanya pero agad kong pilit na pinakalma ang sarili ko. "Ibigay mo na nga lang number ng parents mo,"

"They're not here," aniya.

"Yaya? Guardian? Anyone na pwedeng maka-alam na nandito ka."

"Don't mind that, just go home already," walang reaksyong sabi nito saka siya pumukit.

Ikaw! Ugh! Ako na nga nagmamalasakit! Saktan kitang lalo eh! Eish!

"Kahit sino Air, magbigay ka ng contacts!" Asik ko sa kanya.

"I'm living alone okay?!" Asik niya saka ito pumikit ulit.

Nang maramdaman kong mag-vibrate ang phone ko sa bulsa ko ay agad ko iyong kinuha.

Ake calling..

"Hello babybear?" Sagot ko sa kabilang linya saka ako tumayo mula sa pagkaka-upo sa kama ni Air at lumipat sa sofa na nadoon.

"How was your day?" Tanong ni Ake sa kabilang linya.

"Same as always, how 'bout yours?"

"Okay naman. Matutulog ka na ba? Na-istorbo ba kita? Masyado ka atang busy dahil mag-hapon kang hindi nagparamdam," ani Ake.

"Oo busy ako, sorry, hindi pa naman ako matutulog," sagot ko rito. Ayoko nang sabihin sa kanya kung anong nangyari ngayon. Sigurado kasing mag-aalala ito at baka bigla pang lumabas ng bahay.

"Okay babebear, magre-review na ako ulit. Puntahan na nalang kita bukas ng morning okay? I love you. I miss you so much Babebear,"

Napangiti ako sa sinabi ni Ake. Habang tumatagal ay mas lalo itong nagiging sweet kaya mas lalo ko siyang minamahal.

"Mas miss na kita," I giggled. "I'll wait for you tomorrow then. I love you more Babybear," sabi ko rito saka ako sumandal sa sofa.

"Endlessly?" Ani Ake.

"Endlessly," sagot ko saka ko siya narinig na bahagyang tumawa.

"Good night," aniya.

"Good night."

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora