This Heart Belongs To YOU - 64 (Jealousy)

575 29 7
                                    

💙 64

Chloe's POV

"Uy.. Babybear.." Tawag ko kay Ake. Magkatabi kami ngayon sa backstage at sinusuyo ito. Ewan ko kung bakit pero, parang kasalanan ko ata? Ah basta! Dapat maging okay kami ngayon.

Patuloy kong sinusundot sundot ang pisngi nito. Nakahalukipkip ito na parang bata habang kunot ang noo at matamang nakatingin sa kawalan.

"Bati na tayo Babybear.. Dali na.." Muling sabi ko.

PMS King talaga 'tong lalaking 'to! Okay naman siya kanina eh, tapos biglang nag-inarte. Tapos nilayasan ako. Tapos, tapos, tapos ganito na siya! Haynako! Daig pa babae mag-inarte!

"Ayaw mo talaga akong kausapin? Doon na muna ako kina Faye at Eos kung ganoon." Nakangusong sabi ko saka ako tumayo ngunit agad ding napaupo nang hilahin niya ang braso ko pabalik. Bumuntong hininga ito saka siya humarap sa akin.

"Gusto mo ba talaga si Eos?" Walang reaksyong tanong nito.

Napakunot noo ako. "Ha?"

"Huwag mo ng ipaulit! Nakakaasar ka naman oh!" Kunot noong himutok niya.

"Oo nga. Gusto ko si Eos." Sagot ko dahilan para muling lumungkot ang mukha niya at manahimik ito. "Oh? Bakit nanaman? Masama ba iyong nasabi ko?"

"Ang sabi mo gusto mo siya." Aniya.

"Oh?"

"Eh gusto mo nga siya tapos kinakausap mo pa si Ace kanina."

Okay.. Wala ng sense ang pinagsasabi niya.

"Ngayon?"

"Chloe naman!" Kunot noong sabi nito.

"Eh maano nga?!" Nagtatakang tanong ko.

"Eh ako?" Tanong niya.

Napakunot noo ako. "Anong ikaw?"

"Gusto mo ba ako?"

Unti unting sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ko. Nang sabihin niya iyon ay naalala ko si Marvin. Minsan na kaming nagdiskusyon na parang ganito pero tungkol naman iyon kay Saki na kapatid ni Faye. Tinanong ako ni Marvin kung mas gusto ko raw bang kapatid si Saki kaysa sa kanya. Sa huli, sinabi ni Marvin na nagseselos siya kay Saki dahil mas malapit daw ako kay Saki kesa sa kanya.

Napailing ako. I cupped his face in my hands, holding it in place.

"Nagseselos ka 'no?" Tukso ko sabay taas baba pa ng kilay ko.

"Anong nagseselos?!" Asik niya saka niya tinabig ang dalawang kamay ko.

"Achuchuchu.. Ikaw Babybear ha.." Nakangising tukso ko rito.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Tigilan mo ako Chloe! Hindi ako nagseselos."

"Eh bakit mo tinatanong kung gusto kita?"

"Dahil kung gusto mo sila, eh di sa kanila ka sumama at hindi sa akin. Sanay naman na akong mag-isa!"

Sumeryoso ang mukha nito. Bagay na pinangambahan ko.

Is he feeling lonely?

Hinawakan ko ang kamay niya saka ko pinagdikit ang mga palad namin, intertwining his fingers in mine. Mataman kong tinitigan ang walang rekasyong mukha ni Ake saka ako ngumiti rito.

"Remember our Endlessly? It will never, ever change Ake.." Masuyong sabi ko sa kanya.

Unti unti kong nakitaan ng kagalakan ang kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay ngumiti ito saka niya inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Bahagya naman akong napangiti saka ko ini-nose to nose ito.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora