This Heart Belongs To YOU - 37 (Boracay 1)

665 42 9
                                    

💙 37

Chloe's POV

Isang linggo kaming walang pasok dahil may seminar ang lahat ng guro sa Drexel's HS sa main campus sa Manila. Ang bakasyon tuloy na isang linggo lang ng mga barkada ko ay naging dalawang linggo dahil nag-decide kaming pumunta ng Boracay.

Nagtaka ako kung bakit isang linggo ang seminar na iyon pero sa huli ang sabi sa akin nina Macey at Riley na ganoon daw talaga doon every year.

Nasa kalagitnaan kami ng byahe sa eroplano ng bigla akong yakapin ni Ake. Siya kasi ang katabi ko ng sandaling iyon.

"Ake.. Umayos ka. Ang sikip sikip na nga eh. Hindi ako komportable." Reklamo ko dito pero mas lalo niya pang isinubsob ang mukha niya sa leeg ko dahilan para mapa-buntong hininga nalang ako. Para na talaga kaming magkapatid. Mas close pa kami ngayon kesa kay Marvin na katabi ngayon ni Alexa at naghaharutan.

Bukod sa mga barkada kong kasama ngayon sa bakasyon na ito ay kasama rin namin ang parents namin at dumagdag pa ang family nina Tito Jarred at Tita Hana kasama ang kambal nila na sina Elsa at Ella, barkada ko rin ang mga ito. Gamit namin ang private plane nina Tito Rain kaya naman kahit mag-ingay kami ng sandaling iyon ay okay lang.

Sabi ko sa inyo eh, ang friends ko ay family friends din ng mga magulang ko. hihi

Habang inaayos ko si Ake na naka-pahinga ang ulo sa balikat ko ay nahagip ng mata ko si Eos na nakatingin sa amin. Kinawayan ko naman ito at tinguan. Sakto ring napatingin si Faye saka niya ako sinimangutan. Kanina kasi ay dapat si Eos ang katabi ko ngunit laking gulat ko ng higitin ako ni Ake at sinabing kami daw ang magtatabi. Masama ang aura nito ng oras na iyon kaya naman hindi na ako tumanggi at humingi nalang ng pasensya kay Eos at Faye. Sila tuloy ang magkatabi ng oras na iyon. Kapag nagsungit na kasi si Ake, wala ni isang makakalapit sa kanya, maski ako minsan kapag wala ito sa mood ay hindi niya pinapansin. Kapag ganitong masama ang ugali niya ay siguradong pagod ito at stress. Tsk!

Nang magbawi ako ng tingin sa gawi ni Eos ay lumingon ako sa labas ng bintana. Nasa window seat ako kaya naman hindi ko mapigilang mapangiti. Gustong gusto ko kasing nakikita ang ulap. Para bang ako mismo ang lumilipad kapag ganoong sakay ako ng eroplano.

"Anak.. Are you okay?" Pukaw sa akin ni Papa. Nasa harap lang kasi namin ito. Napalingon pa siya kay Ake na himbing na natutulog ng sandaling iyon sa balikat ko. "Pagod nanaman ba ang batang iyan?" Kunot noong tanong ni Papa.

"Don't worry Pa, okay lang po ako." Sagot ko dito saka ako lumingon kay Ake. "Siguro pa, Sunday kahapon kaya baka nababad nanaman siya sa trabaho niya sa company nila saka sa school. Idagdag pang nagpaalam yan na sasama sa atin kaya siguro nadoble ang trabaho."

"Ang bata bata pa, masyado ng maraming pino-problema. Tsk tsk. Oh siya, just tell me if you need anything okay?"

"Yes Pa. Si Mama po?"

"Tulog. Alam mo naman ang Mama mo. Antukin sa byahe." Natatawang sabi ni Papa kaya tumango tango nalang ako at ngumiti.

Nang wala na akong makausap ay naglagay ako ng earphones at sinubukan kong umidlip.

**********

Makalipas ng ilang oras ay dali dali akong bumaba ng eroplano ng makalapag ito sa airport.

"Anak! Ingat ka.." Suway sa akin ni Mama. Nilingon ko ito saka siya nginitian.

"Opo!" Sigaw ko saka ako nagtatakbo papunta sa may view ng beach. Tanaw mo kasi mula dito ang karagatan. Napangiti ako at napapikit. "Namiss ko to.." Bulong ko saka ako dumilat.

"Maven! C'mon! Inaantay na nila tayo!" Sigaw ni Marvin. Nilingon ko siya saka ako patakbong lumapit sa kanya. Tumalikod naman ito dahil alam niya ng gusto ko ng piggy back ride. Kilalang kilala niya na talaga ako.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang