This Heart Belongs To YOU - 41 (Boracay 5 - Living Playboy Monster)

705 41 13
                                    

💙 41

Eos's POV

"Alexa.. Dad.." Sambit ko.

Sina Alexa, Mom at Dad ang dumating. Umayos ako sa pagkakatayo saka inilapag si Chloe sa sahig mula sa pagkakabuhat sa kanya. Nginitian ko muna si Chloe bago ako humarap sa parents ko at sa kapatid ko.

"Iha.. Kanina ka pa namin hinahanap. Are you okay?" Tanong ni Mom kay Chloe.

"Ah.. Opo Tita Summer.." Nakangting sagot ni Chloe.

"Saan ka ba nagpunta iha? Buti nalang at kasama mo pala itong si Eos.." Pukaw ni Dad kay Chloe.

Bakit parang lahat sila nag-aalala kay Chloe?

"Sa dalampasigam lang po Tito Lexis.. Okay namang kasama itong si Eos kaya okay lang ako." Nakangiting sagot ni Chloe kay Dad.

"Close kayo kay Chloe Dad? Mom?" Pukaw ko sa mga magulang ko. Nilingon naman ako ng mga ito saka nginitian at tumango.

"Kuya, siya iyong kinu-kwento ko sa iyong napakagandang best friend ko! Duh!" Si Alexa.

"Hmm.." Tumatango tangong sabi ko saka ako lumingon kay Chloe. "Paano ba yan Chloe? Mukhang tadhana na ang naglalapit sa atin? Idagdag pang gwapo ako at maganda ka." Biro ko.

"Psh! Lex.. Mukhang si Marvin at siya dapat ang magkapatid.. Sila ang mayayabang eh.." Nakangising baling ni Chloe kay Alexa.

"Haha! Yaan mo na yan sissy babe.. Pero alam mo ba? Sabi niya noon sa iyo, di ka daw niya type." Si Alexa.

"Oy! Wala akong sinabing ganoon ah!" Singhal ko kay Alexa. Nagtawanan sina Dad at Mom.

"Oo nalang Kuya! Sige! Deny pa!" Inirapan ako ni Alexa saka niya hinila sa braso si Chloe. "Nako! Huwag kang papaligaw diyan kay Kuya sissy babe.. Playboy iyan! Kaya nga dinala siya dito sa Pinas ni Dad eh para daw matuto kaso, mukhang hindi pa tumitino.."

"Alex!" Suway ko. Inirapan lang ako nito saka sila tumawa ni Chloe. "Chloe.. Huwag kang maniniwala diyan sa kapatid ko."

"Sorry Eos.. Best friends kami ni Lex eh." Nakangising sabi ni Chloe sa akin kaya naman napailing nalang ako.

"Chloe!!!" Sabay sabay na bulalas ng mga barkada nila na nagsidatingan. Tumakbo ang mga ito papalapit kay Chloe saka siya niyakap.

"Ano ba iyan! Bakit hindi mo dinala ang phone mo? Lagot ka kay Tito Gav at Tita Madz." Si Aya.

"Saan ka ba kasi nag-suot?! Pinagalala mo kami!" Si Riley.

"Huwag ganun sis! Aatakihin kami sa puso dahil sa pagaalala sa iyo eh!" Si Macey.

"Babe! Ang bad mo!" Sabay na sabi ng kambal na sina Ella at Elsa.

"Pa-kiss ako Chloe! Pinagod mo ako sa kahahanap!" Si Art.

"Hep! Ako muna ki-kiss!" Si Saki.

"Gosh! You guys are so loud.. Relax.." Suway ni Chloe sa kanila dahil lahat sila ay nakahawak sa braso, kamay at balikat niya. Ang ilan pa ay niyugyog siya at hinila hila. "Breathe in.." Utos ni Chloe na sinunod naman nilang lahat. "Okay.. 1-2-3.. Breathe out.."

Bahagya akong natawa sa pinaggagagawa nila kay Chloe. Halatang lahat sila ay may care sa kanya ng sandaling iyon. Unti unting nawala ang ngiti ko nang biglang bumukas muli ang pinto at iniluwa doon si Blake na hindi maipinta ang mukha kasama sina Aiden, Logan at Faye. Nang magtama ang tingin namin ay seryoso ko itong tinitigan ngunit agad din siyang nagbawi saka lumapit kay Chloe.

"Saan ka galing? Alam mo bang lahat ng nandito ay pinag-alala mo?!" Kunot noong sabi ni Blake kay Chloe na nagpakunot sa noo ko.

"Ake.. Kasama ko naman si Eos kanina. Sorry.. Hindi ko alam na hinahanap niyo pala ako." Sinserong sabi ni Chloe.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant