Season 2 - 104

426 22 5
                                    

Blake's POV

"Doc! Ex pala kayo ni Chloe? Yung sikat na artista? Ayiiie! Sayang naman! Mas bagay kayo kung nagkataon! Bakit nga pala kayo hindi nag-artista Doc? If ever, fan niyo ako sigurado! Fan nga nila akong dalawa eh. Ang gwapo rin kasi ni Air! Ehhh!" Pumalakpak at mabilis na umiiling iling habang hawak ang pisngi na sabi ni Nurse Jackie.

"Are you done chitchatting and squealing Nurse Jackie? If not, just don't. Go away and attend to your respective patients," walang reaksyong sabi ko sa co-worker kong nurse. Umiling naman siya saka ngumuso at naglakad na nga palayo.

"Ang sungit talaga kapag nasa trabaho," pukaw sa akin ni Zac.

"Tch! Not my problem! Marami bang pasyente kagabi?" Tanong ko.

"Wala naman. But be sure na puntahan mo si Carly mamaya sa hotel niya. Kagabi pa yun naghihintay sa'yo," ani Zac.

"She's just faking her illness to do it with me," umiiling na sabi ko.

"But you do her anyway right?" Nakangising sabi ni Zac.

"She wants to, so it's fine. We're both using our bodies to release the heat. That's not bad," I shrugged.

"Yeah. At dahil diyan, umaasa siya na magagawa mo siyang mahalin. 'Di mo ako gayahin. Stick to one! Me and Janeen, forever!" Nakangiting saad ni Zac kasabay ng pagtaas baba ng kanyang mga kilay.

"Forever doesn't exist," tiim bagang na sabi ko sa kanya saka ako tumingin sa kawalan.

"It does. Nasa sa iyo lang kung papatunayan mo o hindi." Lumapit sa akin si Zac at tinapik ako nito sa balikat. "Masyado kang bitter dude, move on already. Dahil siya, mukhang naka-move on na," aniya saka ito naglakad palabas ng ward.

Napakunot ako ng noo at napahawak sa nose bridge ko. Matapos nun ay huminga ako ng malalim at iniayos ang reading glasses ko. Nang bumaling ako sa mga gamit ko ay iniayos ko na iyon para maka-uwi na.

Pagkasakay ko ng kotse ay agad na akong umalis ng hospital at dumiretsong umuwi. Nasa kalagitnaan ako ng trapik nang mapa-angat ako ng ulo, dahilan para makita ko ang napakalaking billboard.

"Chloe," sambit ko. Bumalik na naman tuloy ang alaala ko nitong nakarang limang taon.

Nakangiti akong hawak ang bagahe ko, lalo na ng salubungin ako nina Aiden at Logan sa airport.

"What's up dude?" Bati sa akin ni Aiden.

"Good, scratched that, better than before actually," nakangiting sabi ko sa kanila saka ko binuhat ang bag pack na nasa trolley ko. Si Aiden naman ay binitbit ang isa kong maleta at ganoon din si Logan sa isa.

"Langya! Nakarating lang ng US, inglisan na? No! Stop!" Natatawang sabi ni Logan kaya naman natawa na lang din ako.

Nang makasakay kami ng kotse ni Aiden ay sa likuran ako pumwesto at si Logan naman sa passenger's seat.

"Musta mga career niyo?" Tanong ko sa kanila habang hinanap sa bag ang iPod ni Chloe. Napangiti pa ako nang mahanap iyon. Ang kaisa-isang remembrance ko sa nag-iisang babaeng minahal ko na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon