Season 2 - 82 (Mini Movie)

475 24 10
                                    

Eos's POV

Araw ng Sabado. Nasa bahay kami ngayon nina Ayeka kasama sina Kai, Chloe at Air Moon. Bakit? Sabihin na nating, sa kasamaang palad magkaka-grupo kami, but on the bright side, I have Chloe beside me so it's fine but having Air Moon na mas malamig pa kay Blake? Pahirapang makisama. Lagi lang itong naka-headphone at uupo sa isang tabi.

Ang balita namin ay exchange student ito from New York. Sa sobrang angas niya, maski si Kai na palabiro ay laging natatahimik kapag tinititigan ni Air Moon.

And, what's with the name? Right?

Naka-dekwatro lang akong matamang nakatingin kina Chloe at Ayeka na ngayon ay nasa isang mini table at gumagawa ng script para sa acting class namin. Araw araw ay nagagawa kong mag-enjoy sa loob ng klase. Sa loob ng tatlong linggo ay marami na akong natututunan. Napansin ko ring nag-e-enjoy si Chloe kaya naman masaya ako para sa kanya. Gaya ko ay hindi pa rin nito alam ang kukuhanin niyang major course. Para nga kaming saling pusa lang sa mga klase na meron kami. May ilang klase kasi na hindi namin kaklase sina Ayeka, Kai at Air Moon.

"Hangin!" Tawag ni Chloe kay Air kaya napatakip ako ng bibig ko gamit ang hintuturong daliri ko at palihim na ngumiti. Palayaw iyon ni Chloe sa kanya.

Nakita ko namang nag-angat ng ulo si Air at nilingon si Chloe. Siya lang ang nakaka-sigaw kay Air sa buong grupo. Maski ako ay ayokong kausapin ito. Mahilig kasi siyang sumagot ng pabalang. Sarkastiko kumbaga. Kilala niyo si Vice Ganda? Ganoon siya kung mambara! Mas higit pa.

"Sana malunon mo na lang iyang dila mo para tuluyan kang hindi makapagsalita." Umirap si Chloe. "Halika rito, ikaw ang partner ko kaya kailangan ko ng idea mo sa scene," aniya. Walang reaksyon namang tumayo si Air saka siya umupo sa tabi ni Chloe.

I'm directing habang silang apat ay ang gaganap bilang mga bida. Nag-bunutan kami kaya naman kahit gustuhin kong ako ang maka-partner ni Chloe ay hindi pwede. Si Chloe ang bidang babae na may gusto sa bidang lalake na gaganapan ni Air. Si Ayeka naman ang ka-love triangle na may gusto kay Air habang si Kai naman ay may gusto kay Chloe. Bagay na bagay ni Air ang character nito sa mini movie na gagawin namin dahil aloof ang personality ng character na gagampanan niya.

Bawat tanong ni Chloe kay Air ay tatango o hindi naman kaya ay iiling lang ito. Nakakatawa lang dahil napagtiya-tiyagaan siya ni Chloe.

"Masyado kang nakatitig kay Chloe Eos. May past ba kayo?" Si Ayeka. Hindi ko man lang namalayang katabi ko na pala ito.

"Kami?" I scoffed. "Never nagkaroon ng kami," makahulugang sabi ko kay Ayeka na ako, si Chloe at ang iba pa naming ka-close ang nakaka-alam.

"You sound bitter," aniya kaya napalingon ako sa kanya.

"I do? Wala akong magagawa kung ganito ako," komento ko saka ako sumandal sa upuan kasabay ng pagtaas ko ng dalawang kamay ko sa ere at uminat. Matapos nun ay pinag-krus ko ang dalawa kamay sa dibdib ko.

"Wanna make a bet?" aniya dahilan para muli akong mapalingon sa kanya.

"A bet? For what?"

"Kapag tayo ang may pinaka-mataas na grade sa mini movie na 'to, pagbibigyan mo akong maging girlfriend mo at sisigiraduhin kong hindi mo na mararamdaman iyang nararamdaman mo ngayon," nakangiting sabi ni Ayeka.

Napangisi ako. "I've already tried that, and it didn't work." Oo, nasubukan ko na iyon with Faye, ngunit sa bandang huli ay hindi kami nag-click.

"Ibahin mo ako Eos. Trust me. It'll be interesting," pangungumbinsi niya.

Wala naman sigurong mawawala kapag sinubukan ko ulit hindi ba?

"Okay. Deal," kibit balikat na sabi ko.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Where stories live. Discover now