This Heart Belongs To YOU - 12 (His Routine)

909 71 19
                                    

💙 12

Blake's POV

Pagpasok ko ng bahay ay tahimik na doon. Mukhang wala atang sermon ang magaganap ng sandaling iyon. Pag-akyat ko ng kwarto ay agad kong binuksan ang pinto. Nasa kalagitnaan ako ng pagpasok ng may marinig akong mga yabag papalapit sa akin kaya humarap ako dito.

"Mom, good evening.." bati ko saka ako bahagyang yumuko.

"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?"

Muli ko nanamang narinig ang matinis at nakakaasar na malditang boses ng aking ina.

"Sa bahay ng kaibigan ko." sagot ko dito saka ako inilagay ang dalawa kong kamay sa magbilang bulsa ng pants ko.

"Aiden and Logan told me that you're not with them. Siguraduhin mong hindi isang mahirap na nilalang ang kasama mo ngayon Blake. Baka nakakalimutan mong may reputasyon tayong pinapangalagaan. Kapag may nakakita sa iyong media ay siguradong aalamin nila ang background ng kung sino mang kasama mo ngayong araw na ito. Huwag mo kaming bigyan ng kahihiyan gaya ng ginawa ng kuya mo. Ikaw nalang ang inaasahan namin. Hindi na kami pwede pang gumawa ng isang bata para tumayo bilang kapalit mo kapag nagloko ka rin." umirap ito. "I'm going."

"Good night Mom." sambit ko dito bago ako tuluyang pumasok ng kwarto.

Napahawak ako sa aking nose bridge saka ako malalim na bumuntong hininga. Bahagya ko pang ipinihit ang leeg ko para alisin ang nararamdaman kong tensyon doon. Matapos kong maghubad ay agad akong dumiretso para maligo. Nang matapos ako doon ay nagbasa muna ako ng libro at ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng antok.

Araw ng Linggo. Nasa opisina ako ngayon ng aming kompanya para makinig sa meeting ng aking ama. Sa murang edad noong nasa elementarya ako ay hindi ko pa alam ang mga sinasabi ng mga ito kaya naman wala akong nagawa kundi mag-self study. Matapos ang meeting ay agad akong pinauwi ni Dad para daw asikasuhin ang paper works sa school. Tumatayo kasi akong president ng student council ngunit hindi ako ang abalang gumagawa nun kapag school days. Tuwing Linggo ko lang iyon ginagawa saka ako uuwi para magpahinga.

Araw ng Lunes. Pagka-park ko ng kotse sa parking lot ay nakita ko ang sasakyan ni Chloe. Her top down Porsche. Nasa driver's seat pa rin ito at matamang nakatingin sa kawalan. Walang reaksyon ang mukha nito habang nakapatong ang dalawang kamay niya sa manubela. Bahagya niya pang nilalaro ang kanyang hinlalaki at iniikot ikot iyon. Nang makuntento ako sa pagtitig dito ay lumabas ako ng kotse. Walang ano ano ay lumapit ako dito saka ko kinatok ang bintana niya. Naka-tatlong katok na ako pero hindi pa rin ito natitinag. Ang pang-apat na katok ay ginawa ko sa windshield ng kanyang sasakyan. Mukhang nakuha ko naman ang pansin nito dahil agad siyang lumingon sa gawi ko at nagtanggal ng seat belt. Ilang sandali lang ay kinuha na niya ang gamit sa loob ng kanyang sasakyan at lumabas mula doon.

"Bakit?" bungad niya. "Good morning." nakangiting bati nito.

"Morning.. You okay?" tanong ko dito. Bakas sa mata nito na kulang ito sa tulog.

"Yeah. Medyo puyat lang. Hinatid ko sina Mama, Papa at Marvin kanina sa airport eh. I mean, sumama ako." sabi nito saka siya nagsimulang maglakad. Sinundan ko naman ito at sumabay sa kanya.

"Hmm. Okay ka lang nga?" muli kong tanong. Nilingon niya ako at nginitian.

"Oo naman. Mamimiss ko lang talaga sila." sagot nito saka siya muling lumingon sa dinadaanan.

Nang makarating kami sa klase ay wala pang tao doon. Gaya ng dating ginagawa nito ay umuupo siya sa kanyang desk saka siya maglalabas ng iPod at makikinig ng kanta mula doon. Yuyuko siya at hihintayin ang second bell saka ito mag-aayos.

Ilang sandali pa ay nagdatingan na ang mga studyante at saktong dumating din sina Aiden at Logan ng oras na iyon.

"Hoy! Nakamasid ka nanaman kay Miss Beautiful!" pukaw sa akin ni Logan. Madalas nila akong asarin dahil sa ginagawa kong pagtitig kay Chloe, pero para sa akin ay wala lang iyon. I like observing someone. Sa ngayon ay si Chloe ang pumukaw ng atensyon ko.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang