This Heart Belongs To YOU - 49.1 (The Past 1)

548 31 6
                                    

💙 49.1

Chloe's POV (13 years old)

"Like I've told you.. I like Tyler first!" Irap sa akin ni Faye.

"Yeah yeah.. I get it.. But still, I think I have a crush on him." Nakangiting sabi ko saka ako lumingon sa gawi ni Tyler. He's so cute with his black suit and red necktie.

"Psh! Fine.. But don't do anything. Like making pa-cute to him Chloe. Dapat siya pa rin ang lalapit sa isa sa atin. Okay?" Pukaw sa akin ni Faye kaya nilingon ko ito at nginitian.

"Got it." Masayang sabi ko.

Nasa party kami ngayon. Birthday kasi ni Tito Lexis na papa ni Faye kaya invited kami.

Nang wala na akong makausap ng gabing iyon ay lumabas muna ako ng bahay para magpahangin. Nakakailang hakbang palang ako ng may maaninag akong dalawang tao sa likod ng naglalakihang bushes. Lumapit ako doon para makita kung sino iyon at laking gulat ko ng makita kong nag-kiss si Tyler at Faye.

Aww.. Gusto niya na si Faye? Ehh.. Naman eh!

Napanguso ako ng sandaling iyon. Tuluyan akong lumapit sa kanila pero hindi ko ata napansing may maliit na tipak doon ng bato dahilan para matapilok ako. Pagtingin ko ay, bato nga talaga. Tatayo na sana ako ngunit napasigaw ako ng makaramdam ako ng kirot sa paa ko dahilan para mapaupo ako ulit at umiyak nalang sa sobrang sakit nun.

"Chloe? What are you doing?"

Nang lingunin ko iyon ay nakita ko sina Tyler at Faye na nakatingin sa akin.

"Faye.." Muli ay umiyak ako. "Faye! My feet hurts!"

"Let me help you Chloe.." Si Tyler. Akmang hahawakan niya na ako pero iniharang ko ang kamay ko sa harap niya.

"No!" Singhal ko dito saka ako bumaling kay Faye. "Faye.. Help me.."

"Ikaw talaga Chloe.." Natatawang sabi ni Faye. Gamit ang height niya at liit ng katawan niya ay sinubukan niya akong itayo pero mukhang hindi niya ako kaya. Bukod sa mas matangkad ako, ay halata namang mas mabigat ako rito. "I can't-- ugh! You're heavy.." Daing niya habang pilit akong itinataas hawak ang braso ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ng isa pa naming kasama doon. Si Tyler. Kunot noo itong lumapit sa akin saka ako sinamaan ng tingin.

"Faye.. I got her.." Sabi nito saka niya tinapik ang ulo ni Faye at nginitian ito. Ngumiti naman si Faye saka ito bahagyang tumungo.

"Thanks Tyler." Nahihiyang sabi ni Faye. Napanguso tuloy ako saka ako humalukipkip.

"You!" Singhal sa akin ni Tyler nang ibaling nito ang paningin niya sa akin. "Stop being such a brat! I'll carry you! Believe me.. I don't wanna do this either, but Faye can't carry you. Huwag mo na siyang pahirapan. Spoiled brat!" Asik niya.

"What?!" Inis na bulalas ko ngunit hindi na ako sinagot nito. Yumuko siya at binuhat ako na para bang damsel in distress. Iyong bang parang bagong kasal. "Put me down! You jerk!" Singhal ko rito saka ako bumaling kay Faye. "Faye!! Help me! Binabawi ko ng may gusto ako sa lalaking 'to! Buwisit!"

"Ohh.. So you like me huh?" He smirked.

"Hindi na nga di ba?!" Pagtataray ko. Nagsimula na itong maglakad papunta sa loob ng sandaling iyon. Narinig ko naman ang pagtawa ni Faye kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis. "Faye naman!!" Inis na asik ko.

"Don't worry.. I like Faye. Hindi ikaw ang gusto ko. I hate spoiled brats like you." Bulong sa akin ni Tyler dahilan para mas lalo akong makaramdam ng inis. Kulang nalang sapakin ko ang lalaking may buhat sa akin ngayon.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin