This Heart Belongs To YOU - 48 (Wrong Turns)

647 34 13
                                    

Ate jhandyjha this chap is for you! Muah! Lovelots and thanks much! ❤️

💙 48

Blake's POV

"Blake.. Babalik na ang pinakamamahal mong si Chloe!" Rinig kong sabi ni Logan ngunit hindi ko ito pinansin. Mas nilakasan ko pa ang volume ng iPod ko para lang makaiwas dito.

Nang mag-iwas ako ng tingin at mapalingon sa pinto ay napako ang paningin ko doon. Gaya ko ay mukhang natigilan din si Chloe sa pagpasok nito. Hindi ko magawang mag-iwas ng tingin na para bang ayoko siyang mawala ngayon sa paningin ko.

I've missed her so much..

Binigyan ako ng simpleng ngiti ni Chloe saka ito bumaling papunta sa upuan niya. Nakita ko ang paglapit sa kanya ni Logan at ganoon din ni Aiden. Mukhang nagkakatuwaan pa ang mga ito dahil panay ang tawa ni Chloe ng sandaling iyon.

And again.. I'm lost.. That smile.. Her smile..

Hindi pa nakakaupo si Chloe ay siya ring dating nina Macey at Riley. Sinalubong nila ng yakap ito at halik sa pisngi. Napayuko ako ng sandaling iyon at napapikit. Nandoon nanaman ang hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko sa tuwing masisilayan si Chloe. Ang hirap ipaliwanag, masyadong magulo.

Masyadong komplikado.

Ilang sandali lang ay may naramdaman akong nagalis ng earphone ko kaya naman nakaramdam ako ng inis. Masamang tingin ang agad na ipinukol ko sa gumawa nun pero agad ko ring binawi.

"Hello.. Blake Jayce.." Nakangiting bati niya. "Ayiie.. Kamusta kayo ni Faye? Ikaw ha! Nabalitaan ko, magta-transfer na raw siya next week dito. Ases.. I'm happy for you two." Masayang sabi niya na nagpalumo sa akin.

She called me Blake Jayce?!

Nag-iwas ako ng tingin saka ako umiling. "Go away Chloe.." Madiin na sabi ko rito.

"Ay.. Ang aga aga. Kasungit! Fine.. Ingat.." Rinig kong sabi niya saka nga ito naglakad palayo.

Chloe..

Gusto ko siyang pigilan. Gusto ko siyang akapin. Gusto ko siyang hindi na pakawalan pa.

"Chloe!" Sigaw ng isang lalake na base sa boses ay kilala ko kaya napalingon ako roon. Si Eos. Nasa bukana ito ng pintuan.

Patakbong pumunta doon si Chloe saka niya ito nginitian.

"Bakit? Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha ko? Pumayag na nga akong magpahatid eh.." Rinig kong sabi ni Chloe.

"Para ka kasing bola na palaging nagmimintis." Nakangiting sabi ni Eos kay Chloe.

"Ha? Bola?" Si Chloe.

"Oo.. Ikaw yung tirang palagi kong nami-miss." Si Eos. Ngumiti naman si Chloe ng sandaling iyon saka siya bahagyang tumawa.

Someone! Stop them! Tch!

Napakunot noo ako ng sandaling iyon saka ako nag-iwas ng tingin at tumingin sa bintana.

"Guys.. Alagaan niyo itong si Chloe ha! Papakasalan ko pa 'to!" Rinig kong sigaw ni Eos sa klase na mas lalong nagpa-inis sa akin.

Napuno ng kantiyawan ang loob ng classroom na namin ng sandaling iyon.

"Ha? Akala ko ba boyfriend ni Prince Blake si Chloe?" Rinig kong tanong ng isang kaklase namin kaya naman hindi ko na napigilang tumayo at harapin sila.

"We broke up. Last two weeks. I guess, ganoon lang ako kadaling palitan." Nakangising sabi ko saka ako humarap kina Chloe. "Right Chloe?"

"Huh? Hindi ah. Ikaw pa rin ang nag-iisa sa puso ko Blake Jayce.. Ikaw talaga! Panay ka biro.." Nakangiting sabi niya dahilan para makaramdam nanaman ako ng munting kasiyahan. "Kaso guys, gaya ng sabi niya, break na nga kami. Sinubukan lang namin kung compatible kami pero mukhang hindi pala. At huwag kayong maniniwala dito kay Eos, lahat ata ng babae rito sa school sinabihan niya ng ganoon di ba?" Nakangiting dagdag niya.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang