Extra Chapter - Amy

520 28 0
                                    

Amy's POV (Tammy 14 years old)

Simula noong mag-away sina Eos at Blake, ni minsan ay hindi na nagpakita pa sa amin si Eos. Nakakalungkot dahil napalapit na rin ako sa kanya.

Ilang buwan na rin ba ang nakalipas? Ni hindi ko na nabilang. Napaka-bilis ng araw na nagdaan na parang kahapon lang ang nangyari.

Sana makahanap siya ng babaeng mamahalin siya ng siya lang.. Ako kasi hindi ko nagawa.. Sadyang kinalakihan ko na ang nasa tabi ni Blake at noong bigla itong hindi nagparamdam ay doon ko napagtanto kung gaano siya kahalaga sa akin.

Kung gaano ko siya kamahal..

"Boobear.. Anong ginagawa mo?" Tanong ko rito. Nasa sala kami ng bahay nila. Marami itong hawak na papel na hindi ko man lang magawang maintindihan kung ano ang mga iyon.

Hehe.. Medyo slow kasi ako.. Ayoko ng mga ganito.. Hihi machaket po sa bangs! Haha

"Nire-review ko lang iyong mga accounts na ginagamit sa kompanya--" nilingon niya ako. Nakita niya atang nakangiwi na ako at hindi naiintindihan ang sinasabi niya kaya bahagya itong tumawa. Napanguso naman ako. "-- basta work sa office Amy.." Nakangiting tuloy niya.

"Hmm.. Boobear bakit ba hindi mo akong tinatawag na Boobear?"

Oo nga. Ni minsan ay hindi niya ako tinawag ng kahit anong endearment..

Ibinaba ni Blake ang mga papel na hawak niya saka siya umayos ng upo at mataman akong tinitigan.

"Boobear ka ni Eos Amy.. Ayokong pati iyon ay kuhanin ko sa kanya. Okay na'ng ako ang Boobear mo." Seryosong sabi nito saka niya bahagyang ginulo ang buhok ko kaya napanguso ako. I hate it when he does that. Sa totoo lang ay ayoko talang may gumagalaw sa buhok ko.

"Not the hair Boobear.. Naman!" Reklamo ko saka ko tinabig ang kamay niya. Bahagya naman itong tumawa saka niya ibinalik ang paningin sa mga papel na kanina ay hawak niya. "Nakakapag-pahinga ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.

Paanong hindi ko iyon maitatanong? Eh, lagi nalang siyang nasa kompanya nila.. Tapos kung saan saan pang party siya dinadala ng Mom niya. Nako! Sa totoo lang ay hate ko ang Mom niya dahil sa kung ano anong pinapagawa kay Blake. Dapat nga ay gaya ko nag-e-enjoy muna ito eh dahil bata pa kami..

"Oo naman. Saka kapag ganitong kasama kita nare-relax na ako." Nakangiting sabi niya. Bahagya naman akong napayuko at napangiti. "Oh.. Kinikilig ka nanaman.." Tumawang sabi niya. Hinampas ko naman siya ng mahina sa braso dahil sa pang-aasar nito.

"Boobear naman eh.." Nakangusong sabi ko saka ako humalukipkip. Lumapit naman ito saka niya ako niyakap. Napangiti naman ako kaya naman niyakap ko na rin ito pabalik.

Nang maghiwalay kami ay nahagip ng mata ko ang Mom ni Blake. Nginitian ko ito ngunit pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Sanay naman na ako doon kaya binalewala ko nalang ito.

"Hi Tita!" Masayang bati ko ngunit agad siyang nagbawi ng tingin at bumaling kay Blake.

"Go get the black folder in my office room upstairs Blake. Now." Utos niya. Tumayo naman si Blake at sinunod nito ang Mom niya.

Nang makaalis si Blake ay nakaramdam ako ng kaba. Kitang kita ko kasing nakatingin sa akin ang Mom niya kahit pa hindi ako diretsong nakatingin dito.

"Pwede bang tigilan mo na ang anak ko Tammy?" Rinig kong sabi ni Tita kaya nilingon ko ito.

"Po?" Tanong ko.

"Stop seeing him already.. Ang bata bata mo pa, ang landi landi mo na!" Taas kilay niyang singhal sa akin.

"Hindi naman po.." Depensa ko.

"Tigilan mo ako. Kilala ko ang mga kagaya mong babae. Nakikipag-lapit ka lang kay Blake dahil alam mong mayaman kami!" Dugtong niya.

"Po?" Nagtatakang tanong ko.

Hala.. Hindi ko gets si Tita.. Nako! Baka mas lalong mainis siya sa akin..

Ngumisi si Tita. "Malandi na nga, bobo pa!" Naglakad siyang palayo pero agad rin itong bumalikwas muli ng tingin sa akin. "Tigilan mo na si Blake kung ayaw mong madamay ang maliit na business ng mga magulang mo!" Singhal niya saka ito tumalikod at tuluyang naglakad palayo.

Ha? Ano daw?

Napakamot ako ng ulo ng sandaling iyon. Hindi ko ma-gets ang Mom ni Blake. Ah basta! Ang alam ko sinungitan niya ako at tinawag na malandi at bobo na hindi naman totoo. Hindi nalang ako papa-apekto.

"Oh? Nasaan na si Mom?"

Napalingon ako sa likod ko at nakita doon si Blake na may dalang folder.

"Ewan. Umalis." Kibit balikat na sagot ko rito.

Araw ng Linggo. Kasama sina Mommy at Daddy ay sabay sabay kaming kumain ng agahan.

"Anak, kinausap kami ni Mrs. Drexel. Ano bang meron sa inyo ng anak niyang si Blake?" Tanong ni Mama.

"Si Blake po? Ah, boyfriends ko po." Nakangiting sabi ko rito. Nakita ko namang nagtinginan sina Mommy at Daddy saka sila bumuntong hininga.

"Anak, kinukuha na ni Mrs. Drexel ang lahat ng accounts natin pati na rin ang dealing partners natin ay--"

"Teka po Mommy, hindi po kita ma-gets." Naguguluhang away ko sa kanya.

"Anak, kapag hindi mo hiniwalayan iyong Blake, mawawala lahat ng pinaghirapan natin." Si Daddy.

"Po? Anong kinalaman namin ni Blake?" Bulalas ko.

"Anak, mayaman sila, at tayo, hindi naman tayo ganoon kayaman. Kapag pinagpatuloy mo pa ang relasyon mo doon sa Blake ay mas sisirain tayo ni Mrs. Drexel, damay lahat ng negosyo natin." Paliwanag ni Mommy na naintidihan ko naman.

"Please anak.. Hiwalayan mo na siya.. At isa pa, may fiancé ka na anak." Si Daddy.

"Pero Daddy, ayoko sa kanya. Saka si Blake ang gusto ko.."

"Anak.. Parang awa mo na.. Maawa ka naman sa amin ng Daddy mo." Mangiyak ngiyak na sabi ni Mommy kaya nakaramdam ako ng lungkot.

Hihiwalayan ko si Blake? Pero.. Pero..

Tumayo ako at hindi na tinapos ang pagkain ako. Tumakbo ako palabas ng bahay ay nagpahatid sa driver namin sa isang park. Sinubukan kong tawagan si Blake pero hindi ito sumasagot.

"Boobear.. Boobear anong gagawin ko?"

Hindi ko na napigilang umiyak ng sandaling iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat na desisyong gawin ko.

Ang hirap naman.. Nahihirapan ako! Mas mahirap pa 'to sa math equations!

Ilang araw ang nakalipas. Hindi ko na rin makontak si Blake kaya mas lalo akong naguluhan sa nangyayari. Hindi na rin ako makapunta sa bahay nila dahil hindi na ako pinapapasok doon ng katulong nila.

"Blake.. Kailangan kita.. Anong gagawin ko?" Malungkot na sabi ko.

"Anak.. Mag-impake ka. Pupunta tayo ng America." Pukaw ni Daddy. Nasa sala ako ngayon at nakahiga sa sofa.

"Po? Kailan po?" Tanong ko.

"Ngayong gabi." Sagot ni Daddy. Napabalikwas naman ako ng bangon ng sabihin niya iyon.

"Pero Daddy, hindi ko pa po nakakausap si Blake!" Bulalas ko. Nakita kong nagbago ang itsura ni Daddy na parang hindi ito mapakali at hindi makatingin sa akin.

May mali.. May nililihim si Daddy.

"Basta mag-impake ka na." Utos ni Daddy. Tumayo ako at akmang tatakbo pero laking gulat ko ng may dalawang lalake ang pumigil sa akin.

"Daddy!" Sigaw ko at pilit na nagpupumiglas.

"Sorry anak.." Malungkot na saad ni Daddy saka niya tinakpan ang bunganga ko ng puting panyo. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng hilo at tuluyang hinila ng antok. "Sorry Tammy anak.."

TO BE CONTINUED..

Ohh... Amy.. T^T

-- kyLiiemichy

This Heart Belongs to YOU (Completed) Onde histórias criam vida. Descubra agora