This Heart Belongs To YOU - 55 (Her Plan)

661 28 11
                                    

Happy 8k views! Ang bilis! Ang saya! Haha naabutan niya na iyong isang story ko na naiwan ko sa ere dahil na rin sa naka-focus na ako rito! huhu patawad po!

💙 55

Faye's POV

Pangalawang linggo ko na rito sa school. Sa totoo lang naboboring na ako. Mas okay pa sa US. Magulo. Maraming pwedeng puntahan samantalang dito, wala. Namimiss ko na rin si Kuya Saki dahil walang nangungulit sa akin.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa canteen para puntahan si Blake dahil nagtext itong sabay daw kaming mag-lunch.

Ang sweet ng boyfriend ko.. Hihi

"Aww!" Daing ko nang may mabunggo ako. Pagtingala ko ay nakita ko ang nakangising mukha ni Eos kaya inirapan ko ito.

Last week niya pa akong kinukulit at inaasar. Kainis! Speaking of makulit, siya pala ang pumalit kay Kuya Saki.

"Ang pandak mo kasi.. Hindi tuloy kita nakita.." Nakngising sabi niya.

"Masaya ka na niyan?" Nakangiti at sarkastikong tanong ko saka ko ito inirapan.

"Oo naman. Pikon ka kasi eh." Tumatawang sabi niya. Nakitawa rin ako rito. Pekeng tawa.

Hinampas ko siya sa braso. "Tabi nga! Padaan!" Inis na sabi ko.

"Ayoko nga.. Kiss mo muna ako.." Nakangiting sabi nito saka siya yumuko at inilapit pa niya ang pisngi niya sa mukha ko. Napakunot noo naman ako ng sandaling iyon.

Itinulak ko ang mukha niya palayo. "No way!" Bulalas ko. Tumawa naman ito.

"Ang cute cute mo talaga.." Nakangiting sabi niya saka niya pinisil ang dalawang pisngi ko. "Chubby chubby cheeks!" Dagdag pa niya.

"Ano ba!" Singhal ko rito sabay tapik sa kamay niya.

"Kamukhang kamukha mo talaga si Amy.."

Nang sabihin niya iyon ay natigilan ako. Ang mga mata niyang kanina ay nakangiti ay napalitan ng lungkot.

Sino ba iyang Amy na iyan? Parang narinig ko na iyon ah? Hmmm.. Ah! Kay Chloe!

"Wait.. You know Amy?" Tanong ko. "Teka.. Iisang Amy lang ba ang tinutukoy natin?" Dagdag ko.

"Huh?" Nagtatakang reaksyon niya.

"Narinig ko na iyang pangalan na iyan kay Chloe.. About the Boobear stuff.." Sabi ko rito. May sasabihin pa sana siya pero biglang nag-ring ang phone ko. Agad ko namang sinagot iyon nang makitang si Blake ang tumatawag.

"Hello? Nasaan ka na?" Tanong niya nang masagot ko ang linya.

"Ah.. Papunta na diyan." Sagot ko.

"Okay. Anong gusto mong kainin? Oorder na ako."

"Kahit ano nalang."

"Okay. Bye." Sagot niya saka niya ibinaba ang linya.

Napanguso ako ng sandaling iyon. Ni minsan ay hindi man lang siya nag-a-I love you sa akin.

Bad boyfie! Tsk tsk..

Nang mailagay ko ang phone ko sa bulsa ko ay nilingon ko si Eos. Tulala ito sa kawalan na para bang may iniisip.

"Eos.." Pukaw ko. Nilingon naman ako nito. "Una na ako. Bye!" Paalam ko.

"Teka.." Pigil niya sa akin sabay hawak sa braso ko.

"Oh?"

"Anong ibig mong sabihin doon sa Boobear with Chloe and Amy?" Tanong nito. Sa pagkakataong iyon ay hindi mo mababakasan ang laging nagbibirong Eos kaya nagtaka naman ako.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora