This Heart Belongs To YOU - 29 (Crush)

701 43 2
                                    

💙 29

Chloe's POV

Wednesday. Busy ang lahat ng students sa Drexel's HS dahil sa gaganaping pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Biyernes.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng may makita akong lalake na nahulugan ng mga libro at papel. Dali dali akong naglakad papunta doon para tulungan ito. Masyado kasing marami iyon at hindi kaya ng pang-isahang tao. Nang matapos kami sa pagpupulot ay iniaayos nito ang napulot niya at ganoon din ako.

"Salamat." sabi nito habang hindi magkanda-ugaga na nagaayos.

"No worries. Saan ka? Samahan na kita. Mukhang hindi mo kasi kaya ang lahat ng to." natatawang sabi ko kaya naman nilingon niya ako saka siya ngumiti.

Naks! Ampogi!!

Natulala ako ng sandaling iyon. Ibang klase ang impact ng kagwapuhan nito sa akin. Swooning over feeling! But, okay.. Inhale.. Exhale Chloe..

"Ah, hindi na. Nakakahiya naman." nahihiyang sabi ng lalake.

"No, I insist." nakangiting sabi ko.

"Sigurado ka? Wala kang gagawin?" naiilang na tanong ng lalake.

"Oo naman. Tara na. Saan ba to?" tanong ko dito.

"Ahh.. Sa library.." sagot niya. Tumango naman ako at nagsimulang maglakad. Ilang sandali lang ay sumabay na ito sa akin.

Wala naman kasi talaga akong gagawin ng araw na iyon. Si Logan, Aiden, Riley at Macey ay may photoshoot ngayon. Si Blake naman ay member pala ng student council kaya busy siya ngayon.

Nang makarating kami ng library ay dumiretso kami sa pinakadulo nito. May pintuan doon at kaagad namang binuksan iyon ng lalake. Nang makapasok ako doon ay napanganga ako. May napakataas na bookshelves doon na ginagamitan ng sliding ladder.

"Wow!" bulalas ko.

"Salamat ulit ha. Amina yan." pukaw sa akin nung lalake kaya naman iniabot ko dito ang mga librong hawak ko. Nang maiabot ko iyon ay muling nabaling ang atensyon ko sa paligid. "You liked it?" pukaw sa akin ng lalake.

"Are you kidding me?! I love it! Ang galing! Ang ganda ganda dito. Ano to, secret bookworm room?" biro ko.

"Slight." nakangiting sabi nito. "By the way, I'm Eos. You are?" sabi nito saka niya iniabot ang kanyang kamay. Nagisip pa ako kung hindi ko tatangapin yun o tatanggapin. Sa huli ay tinanggap ko na rin.

"Chloe." nakangiting sabi ko.

"Chloe.. Nice meeting you." sabi nito saka ngumiti.

Ang gwapo niya talaga! Enebe!!

Tumango ako sa kanya saka ako simpleng ngumiti.

"Anong year ka na? Bakit ngayon lang kita nakita dito?" tanong nito.

Hindi ko mapigilang pagmasdan ang buo niyang katauhan. Kumpara sa mga nakakasama kong lalake ay malaki ang bulas niya dahil na siguro sa pangangatawan nito. Muscle kung muscle ang peg. Bakat na bakat ang matipunong braso nito sa kanyang uniform at talaga namang mapapansin mo iyon. Idagdag pang clean cut ito kaya naman super manly tignan.

Like a Prince Charming look.. Kulang nalang ay ang Prince Charming suit para waging wagi na!

"Transferee. 4rth year." sagot ko saka ko muling nilibot ang paningin ko.

"Hmmm.. Kaya pala. Star section?"

"Yeah."

"Gusto mo ng tea?" tanong nito kaya napalingon ako sa kanya.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora