This Heart Belongs To YOU - 69 (A Not so Bad Day)

605 34 9
                                    

Chloe's POV

Nasa building ako ngayon nina Faye dahil balak ko itong yayain bukas sa bahay para mag-dinner. Actually, sina Mama ang nagsabi. Dapat sana ay mamayang gabi pero may dinner daw kami ni Ake with his Dad.

Habang naglalakad sa hallway ay hindi lingid sa kaalaman ko ang mga matang nakamasid sa akin. Bahagya akong nailang saka napangiwi.

"Ate Ate!" Tawag sa akin ng isang babae. Nilingon ko ito para kausapin. "Hi Ate. Ikaw si ate Chloe di ba? Iyong nag-piano po doon sa Masquetade Ball namin?" Tanong niya. Ngumiti naman ako at tumango. "Ang galing mo ate. Ang galing niyong dalawa ni Prince Blake."

"Ahh.. Salamat." Nakangiting sabi ko saka ako nagpaalam na dahil saglit lang ako roon kako at may dapat pa akong puntahan. Narinig ko pa ang bahagyang paghagikgik nila na parang tuwang tuwa na nakausap ako.

"Babybabe!" Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Mas binilisan ko naman ang paglalakad para makalapit dito.

"Babybabe.." Sambit ko saka ko niyakap si Faye. Nang mapaangat ako ng paningin ay nasa likuran pala nito si Eos. "Hi Eos." Nakangiting bati ko. Tinanguan lang ako nito saka siya nag-iwas tingin.

May problema ba kami? Pati na rin noong Masquerade Ball ay ganyan siya.. Hmm..

"Bakit ka napunta dito Babybabe?" Tanong ni Faye kaya naman muli ko siyang tinitigan.

"Pumunta ka daw sa dinner bukas sabi nina Mama at Papa. Miss ka na raw nila." Nakangiting sabi ko rito.

"Oh? Nandito sila? Sure sure!" Masayang bulalas niya.

"Good.."

"Iyon lang?" Tanong niya.

"Yeah.."

"Babybabe, tumawag ka nalang sana." Natatawang sabi niya.

"Bawal kang mamiss? Loko ka ah!" Nginusuan ko siya.

Sabay kaming napatingin sa kawalan nang biglang tumunog ang first bell. Nang bumaling akong muli kay Faye ay niyakap ko na 'to.

"I'll go now.. See you there.." Saka ko ito hinalikan sa pisngi.

"Oh Eos, sabay na kayo ni Chloe." Baling ni Faye kay Eos.

Nagbago namang bigla ang timpla nito na para bang hindi siya sang-ayon sa sinabi ni Faye.

"Yeah sure.. I'll pick you up later." Pilit ngiting sabi nito kay Faye. Nang lingunin ko si Faye ay gaya ko nagtataka rin siya sa kilos ni Eos.

"Okay.. Take care guys.." Paalam ni Faye habang kumakaway bago siya tuluyang pumasok sa loob ng klase niya.

Habang naglalakad kami ni Eos sa hallway pabalik sa building namin ay ramdam ko ang paglayo nito. Madalas ay mas pinauuna niya pa ako na talaga namang nakakapanibago. Hindi siya ganito. Never!

Kung dati ay kulang nalang magkapalit kami ng mukha dahil sa kadidikit niya ay hindi ganoon ngayon. Kung layuan niya ako ngayon ay para bang may nakakahawa akong sakit.

Huminto ako sa paglalakad saka ko siya hinarang. Kumunot naman ang noo nito na tila nainis sa ginawa ko.

"May problema ba tayo Eos?" Tanong ko rito. Mataman akong tinitigan ni Eos saka ito ngumisi.

"Ako wala Chloe, ikaw? May problema ka? Oh! Huwag mo ng sagutin. Wala akong balak alamin." Sabi nito at bakas sa tinig niya ang pagiging sarkastiko.

Nangunot ang noo ko sa sagot nito. "What the heck?! Anong nangyayari sa iyo? May ginawa ba ako para sagutin mo ako ng ganyan?!" Inis na sabi ko rito.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora