This Heart Belongs To YOU - 61.2 (Solved)

585 28 10
                                    

💙 61.2

Blake's POV

Nang makarating ako sa bahay nina Chloe ay nakita ko agad doon ang nakaparadang sasakyan ni Riley na kanina ay hiniram niya. Dali dali akong bumaba ng sasakyan matapos pumarada at agad na pumasok sa loob. Pagbukas ko ng pinto ay siya ring sarado ko noon.

"Chloe!" Sigaw ko ngunit wala akong narinig na sagot mula rito. Ilang ulit ko pa siyang tinawag ngunit bigo ako nang wala akong marinig na sagot mula sa kanya.

Patakbong lakad akong pumanhik sa itaas kung nasaan ang kwarto nito saka ko binuksan ang pintuan ng kwarto niya.

"Chloe.." Sambit ko nang makita siyang may hawak na maliit na kahon. Nakaupo ito sa sahig at mataman lang na nakatingin doon. Nang maisarado ko ang pintuan niya ay umupo ako sa harap nito.

"Blake.. Si Eos.." Tumingala ito. Walang reaksyon ang mukha niyang nakikita ko ngayon. "Boobear niya si Tammy?"

Tumango ako.

"Dalawa kayo?"

Umiling ako at hinawakan ang kamay niya.

"Chloe.. She's Eos Boobear but I'm her Boobear." Paliwanag ko.

"What?!" Kunot noong tanong ni Chloe.

"Si Amy, Boobear siya ni Eos pero hindi siya Boobear ni Amy. Ako ang Boobear ni Amy. Ako. Ako Chloe.."

Nanahimik lang si Chloe ng sandaling iyon habang nakatingin sa akin. Ilang sandali pa ay lumuhod ito at niyakap ako sa leeg na siyang ikinagulat ko.

"Thank God.. Oh my gosh.." Rinig kong bulong niya. Niyakap ko na rin ito at mas lalo pa siyang hinapit sa akin.

Para bang napakatagal kong hindi ito nayakap. Ang amoy niyang gustong gusto ko ay muli nanamang malapit sa akin. I feel so relaxed. I feel so happy.

When I'm with her, everything just seems so right..

Napapikit ako habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib nito. Ngayon ko lang na-realize kung gaano kong na-miss talaga ng sobra ang babaeng ito. Hindi ko mapigilang mapangiti ng dahil doon.

Nang humiwalay ito sa pagkakayakap ay tumingala ako. Sakto namang nakatingin na siya sa akin kaya nginitian ko siya. Kinuha ko ang kamay niya saka ko hinalikan ang palad niya at inilagay iyon sa pisngi ko.

"I never used endearments Chloe 'coz I hate it." Sambit ko saka ko hinaplos ang mukha niya. "Just this once, let me call you Babebear. Let me be your babe Chloe."

Unti unting sumilay ang ngiti sa mga labi ni Chloe.

"No. You're not a babe." She giggled. "You're my Babybear." Nakangiting sabi niya.

"I prefer Babebear Chloe.. You're my Babebear from now on." Nakangiting sabi ko rito saka ko siya muling niyakap.

"Okay.. I'll call you my Babybear then Ake.." Rinig kong sabi niya kaya naman mas lalo akong napangiti. "Kaso ang korni natin."

Nang sabihin niya iyon ay hindi ko napigilan ang tumawa. Akala ko pa man din ay kikiligin ito at mamumula ng husto pero hindi iyon ang nangyari.

Natural lang ang lahat. Maski ako ay ganoon din sa kanya.

That's why I can't lose her. Never. Whatever happens, staying her away from me will never be an option again.

"Babybear.. Alam mo ba kanina--" humiwalay ito sa pagkakayakap saka siya naupo sa harap ko, "--nung magkaroon ng posibilidad na si Eos ang Boobear ni Tammy, nalungkot ako. Na-realize ko lang na, ayaw pala kitang iwan. Bakit kaya?" Inosenteng sabi nito kaya naman napailing ako.

"Come here.." Tawag ko sa kanya sabay tapik sa pagitan ng mga binti ko. Lumapit naman siya at umupo doon patalikod. Mula sa kanyang likuran ay niyakap ko ito saka ko ipinatong ang baba ko sa balikat niya. "Just stay okay? No matter what happens, stay Chloe.. Endlessly?" Bulong ko sa tenga niya.

"Hmm.. Endlessly my Babybear.." Masiglang sabi nito dahilan para mas higpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya. Hinawakan niya naman ang dalawang braso ko saka iyong hinimas.

This feeling.. What is this? I feel so happy that it's so hard to describe it in words.

Chloe.. You're really something.. I'm so thankful to Amy that she gave you to me. Amy.. Thank you..

Ilang sandali pa kaming nanatili sa ganoong posisyon at tila nagpapakiramdaman ngunit walang tensyon na namamagitan sa amin. Bawat minutong lumilipas ay parang napakabilis hanggang sa hindi ko man lang namalayan ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.

Araw ng Lunes. Ginising ako ng kung kanino mang alarm clock iyon. Gagalaw na sana ako ngunit isang mabigat na kung ano ang nakapatong sa braso kong nangangalay na, ang pumigil sa akin. Unti unti kong idinilat ang mga mata ko at laking gulat ko nang makitang may katabi ako.

"Chloe?" Mahinang sambit ko.

Nakaunan ang ulo nito sa braso ko. Ang desisyon kong bumangon ay para bang naglaho. Inilapit ko ang katawan ko rito saka siya mas hinapit papalapit sa akin dahilan para isang dipa nalang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Napangiti ako. Dahan dahan kong ginawaran ng halik ang noo saka siya muling pinagmasdan.

"You look like an angel Babebear.." Bulong ko sa kanya. Unti unti naman itong gumalaw at ilang sandali pa ay yumakap ito sa akin. Hindi ko nanaman mapigilang mapangiti. "Hey sleepyhead.. Wake up.. Male-late na tayo sa school.." Sabi ko rito habang tinatapik ang pisngi niya.

Umungol ito saka siya parang robot na umupo habang nakapikit ang mga mata. Bahagya tuloy akong natawa at napaupo na rin. Pinagmasdan ko lang ang ginagawa nitong pag-i-stretch ng kamay niya sa ere, ang pag-ikot ng ulo niya mula sa kanan, pakaliwa. Ang malalim na pagbuntong hininga nito hanggang sa tumayo siya at tumalon talon.

Seriously?

Humagalpak ako sa tawa ng sandaling iyon. Sapo ang tiyan ko ay mataman pa rin akong nakatingin sa kanya. Pikit pa rin ang mga mata nito nang maglakad siya papunta sa mini fridge niyang nasa kwarto nito. Nang buksan niya iyon ay kumuha siya ng isang bote ng tubig at laking gulat ko ng tunggain niya iyon in just like a minute. Matapos niya doon ay itinapon niya ang bote sa maliit na trash can sa tabi ng fridge.

"Babebear??" Tawag ko rito.

"Ay Babebear!" Bulalas niya saka siya lumingon sa akin. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat na ipinagtaka ko naman. "Kanina ka pa diyan?!" Kunot noong tanong niya.

"Uhh.. Yeah?" Sagot ko saka ako tumayo.

"Huh? Dito ka natulog?" Tanong niyang muli dahilan para ako naman ang mangunot noo ng sandaling iyon.

"Stupid.." Umiiling na sabi ko.

"Uy! Di nga?" Pangungulit niya.

"Hindi. Pumasok lang ako dito para gisingin ka." Pagsisinungaling ko.

"Ahh.. Sige, shower na ako. Doon ka nalang mag-shower sa kwarto ni Marvin. May uniform siya doon galing sa school niyo. Magka-size lang naman ata kayo." Bilin nito.

"Grabe kang matulog.. Grabe ka ring magising.. Paano nalang kung ibang tao kasama mo? Ganyan ka ba talaga?" Kunot nong sabi ko.

"Ha?" Halatang naguguluhan siya sa mga nasambit ko.

Umiling ako at napabuntong hininga. "Wala. Meet me later. Sa labas na tayo mag-breakfast tutal maaga pa naman."

"Okay." Sagot niya kaya naman tumalikod na ako. "Ake!" Tawag niya nang simulan kong maglakad dahilan para bumalikwas ako ng lingon pabalik rito. Isang matamis na ngiti ang nakita ko sa mukha ni Chloe. "Good morning Babybear!" Nakangiting sabi niya.

Napangiti nalang din ako. "Good morning Babebear.." Sagot ko rito saka ako lumapit sa kanya at ginawaran siya ng halik sa noo. "Ang dami mong muta sa gilid ng mata mo Babebear." Nakangising sabi ko rito bago ako tuluyang tumalikod at naglakad palabas ng kwarto.

"Wala naman eh!!!" Rinig ko pang sigaw niya kaya natawa nalang ako.

This will be fun..

Napangiti nalang ako dahil sa naisip kong iyon.

TO BE CONTINUED..

Waaaah! Eto na! Muling ibalik! Waaaah! ❤️

-- kyLiiemichy

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora