Season 2 - 98 (Revelations again)

403 19 2
                                    

Chloe's POV

Gusto kong balikan si Ake. Gusto kong malaman kung bakit ganoon ang mga titig niya sa akin. Gusto kong malaman kung bakit parang ayaw niya akong umalis kanina.

Bakit Ake? Bakit?

"Miss Cavalier, umayos ka. Ichi-cheer mo pa ako mamaya," pukaw sa akin ni Air.

Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to! Panira ng moment!

Inirapan ko siya saka ako umiling. Natalo kasi ako sa laro namin kahapon kasama sina Eos, Ayeka at Kai. Tinuruan kaming mag-tong-its ni Kai pero sadyang hindi ko gets. Paano ba naman? Wala roon ang utak ko.

Napabuntong hininga ako saka napasandal sa bench na kinakaupuan ko. Maya-maya lang ay nagpa-flash back na ang mga ngiting meron si Ake dati. Iyong masasayang araw na kasama ko siya. Nung mahal pa namin ang isa't isa.

"Stop crying Chloe, please. Ang bilin sa akin ni Tita Madz ay pagsabihan ka tungkol diyan dahil makakasama raw sa kalagayan mo!" Asik sa akin ni Air saka niya pinunasan ang pisngi ko gamit ang likuran ng palad niya.

My parents knows that me and Ake broke up, pero hindi na nila ako tinanong kung anong dahilan. Bagay na ipinagpasalamat ko dahil hindi ko rin alam kung paanong sasabihin sa kanila na, hindi na ako mahal ni Ake. He left me. He broke my heart, and right now, I feel like dying. Kung hindi lang dahil sa parents ko at kay Air na laging nakasinghal sa akin at binabantayan ko, malamang nasa kwarto pa rin ako at nagiiiyak.

Masakit eh. Sobrang sakit pa rin eh. Kay Ake umikot ang mundo ko nitong nakaraang taon. Siya at ako. BC nga di ba? Endlessly nga di ba? But damn! What happened? What happened to us? Like really! Paanong bigla na lang ay hindi niya na ako mahal. Na kaya niya ng wala ako sa kanya. Na hindi na ako ang kaligayahan niya.

Ganoon na ba kababaw ang nararamdaman namin para sa isa't isa?

"Kapag hindi ka umayos ngayon, hahalikan kita." Bulong ni Air dahilan para agad akong umayos ng upo. Inirapan ko siya saka ako umiling. Nakita ko naman ang pagngisi niya kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"Malas niyo naman. First na laban, nursing department agad kalaban niyo," ani Kai. "Balita ko magagaling daw seniors nila," dagdag niya pa.

"Sus! Wala iyan sa Eos ko! Idagdag pang meron tayong mayabang na Air, eh di swak! Saka ikaw, magaling ka rin naman ah!" Ani Ayeka.

"Naman! Ako pa ba?" Nakangiting sabi ni Kai saka ito kumain ng isang handful of chocolates.

"Tatlong seniors lang ang natira. Yung iba ayaw daw ng basketball dahil baka ika-pangit ng mukha nila dahil nga pisikalan! Langya! Kala mo naman kagwapuhan ang mga peg!" Ani Ayeka kaya naman hindi namin napigilang tumawa.

"Mas gwapo naman kami di ba?" Tanong ni Eos sa nobya. Parang bigla namang hindi mapakali si Ayeka saka ito nahihiyang tumango kay Eos.

Matinde kang kiligin teh! Push mo 'yan! Haha!

"You're smiling," bulong sa akin ni Air. Nang lingunin ko siya ay hindi sinasadyang dumausdos ang ilong ko sa ilong niya kaya naman agad akong napaatras.

"Sorry, akala ko--"

"It's fine. Hindi 'yon labi kaya huwag kang mag-react ng ganyan," nakangising sabi niya saka siya umiling.

Para siyang si Ake. Magka-ugaling magka-ugali sila. Pati gestures.

Napayuko ako nang maisip ko na naman si Ake.

Air's POV

Nang magsimula ang laban between our department and nursing's department ay pinag-warm up nila kami. Nagpunta muna ako sa may locker room para kunin ang wrist band ko.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora