This Heart Belongs To YOU - 19 (She's a Fuentabella-Cavalier)

796 63 10
                                    

💙 19

Blake's POV

Laking gulat ko talaga kanina ng makita si Chloe na nakikipaglaban sa apat na lalake kaya naman hindi ko agad nagawang kumilos ng madatnan siya doon kaninang nakikipagaway. Ngunit ng makita ko ang lalakeng nagbuhat ng trash can ay agad na kumilos ang katawan ko at tinadyakan iyon.

Nang makarating kami sa bahay nina Chloe ay inalalayan ko agad itong makababa. Hawak pa rin nito ang sikmura niya ng sandaling iyon. Malamang ay doon talaga siya napuruhan siguro kanina.

"Kaya mo ba? Buhatin ulit kita gusto mo?" tanong ko dito.

"Hindi na. Palagay mo sa akin, weak?" nakangising sabi nito kaya naman pinitik ko ang noo nito.

"Kayabangan mo!"

Inirapan naman ako nito saka kami nagtuloy na pumasok sa loob. Sinalubong kami ng kasambahay nila ng sandaling iyon. Kwento sa akin ni Chloe ay madalas na kasambahay niya ang kasama niya sa bahay dahil madalas na umalis si Kuya Rex dahil sa trabaho.

"Hala Miss Chloe! Ano pong nangyari sa inyo?! Nako po! Okay lang po ba kayo?" bulalas ng kasambahay nila.

"Opo manang Nadz. Don't worry po." nakangiting sabi ki Chloe dito.

"Nako! Ano ba yan!" naguguluhang sabi nung kasambahay na nagngangalan ngang Nadz. "Ser! Ser Rex!!" sigaw niya.

"Ate Nadz naman!" suway ni Chloe.

"Aynako! Natataranta ako!" si manang Nadz.

"Manang!!!" pukaw ni Chloe dito saka niya ito hinawakan sa mga balikat nito. "Breathe in.. Breathe out.." sabi dito ni Chloe habang sumasabay pa sa paghinga ni manang Nadz. "Manang, kaklase ko pala, si Ake. Ake, si manang Nadz, kasambahay na namin siya doon pa sa America." pakilala nito.

"Good evening po.", bati ko.

"Good evening din iho. Oh siya, pasok pasok. Doon na kayo sa sala at maghahanda ako ng meryenda. Nako! Ikaw na bata ka oo!" si manang Nadz.

Sinunod naman namin ito. Hinawakan ko ulit sa braso si Chloe para alalayan itong maglakad. Nang maka-upo kami sa sofa ay siya namang baba ni kuya Rex. Patakbo itong lumapit sa amin.

"Anong nangyare? Bakit nasigaw si Manang?" tanong niya saka nabaling ang atensyon nito kay Chloe. "What the hell happened to your face?! Sinong may gawa nito?!" kunot noong sabi ni kuya Rex saka niya hinawakan ang mukha ni Chloe.

"Wala to kuya Rex." si Chloe.

"Wala?! May pasa yang mukha mo, wala?!" sigaw ni kuya Rex. "Anong nangyari sa kanya Blake?" baling sa akin.

"Nakipag-bugbugan yan kuya. Kagalitan mo nga. Isipin mo, apat na lalake pa iyon!" sumbong ko.

"What?!!!" bulalas ni kuya Rex na mas lalong nagpabusangot sa mukha niya. "Hindi ko to pwedeng palampasin. Pupunta ako ng school mo."

"Ha? Kuya naman! Huwag na!" si Chloe.

"Ako? O tatawagan ko sina Ate Madz at kuya Gav?!" si kuya Rex.

"Ugh!! Fine!!" si Chloe. She rolled her eyes and sigh.

"Ikaw! Di mo man lang ba tinulungan tong babaeng to?" pukaw sa akin ni kuya Rex.

"Nahuli na ako ng dating Kuya. Sorry." sagot ko.

"Haaay. Chloe naman. Isang taon palang ang nakakalipas eh. Alagaan mo naman na muna ang sarili mo. Okay? Lagot talaga ako kina ate at kuya nito." si Kuya Rex.

"Don't worry Kuya Rex. Regular pa rin ako sa pag-inom kaya okay lang po. Magsasabi naman ako kapag may naramdaman akong kakaiba eh." si Chloe.

A year ago? What happened? Pag-inom ng ano?

This Heart Belongs to YOU (Completed) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن