Season 2 - 117

470 20 0
                                    

Chloe's POV

Alas-dose na nang makarating sa akina ng balitang kalaban daw ni Papa si Ake sa baskteball. Kaninang alas-nuwebe pa raw sila nagsimula pero ang mga lecheng sina Aiden at Logan ay ngayon lang ako tinawag!

Eish! May laban ba 'yon kay Papa? Or may laban ba si Papa kay Ake?! Ano ba 'yan! Mamaya magkasakita pa sila!

Pagdating ko sa basketball court si Mama na prenteng naka-upo lang sa beach chair doon. Nagmamadali akong naglakad papunta sa kanya saka siya tinabihan.

"Anong nangyayari diyan Ma? Ang tagal na nilang naglalaro sabi nina Aiden ah," agad na pukaw ko kay Mama. Nilingon naman ako ni Mama saka siya nagkibit balikat.

"Ginusto nila 'yan iha. Hayaan mo sila. Kilala mo naman ang Papa mo," ani Mama.

Nilingon ko sina Papa at Blake na pareho nang hingal na hingal. Nang tignan ko ang score ay tie naman sila.

"Mama, si Papa, mamaya ay kung anong mangyari sa kanya," ungot ko kay Mama.

Matanda na kasi si Papa. Juiceco naman! Bakit naman kasi pinatulan ni Ake!

Ang sabi sa'kin nina Logan at si Papa raw ang nagyaya kay Ake, pumayag naman 'tong si Ake.

Nang parehas na silang nakahiga sa lapag ay tatayo na sana ako para awatin sila pero pinigilan ako ni Mama.

"Stay and watch. Laban nila 'yan. Lalake sa lalake. Hayaan mo sila," seryosong saad ni Mama kaya naman naipilig ko ang ulo ko skaa ako umupong muli. Napabuntong hininga ako at muling nilingon ang direksyon nila.

Tuluyan ng nakahiga si Papa sa lapag habang si Ake naman ay pilit na tumayo. Nang makatayo siya ay kinuha niya ang bola saka niya iyon ini-shoot.

"Time! Blake wins!" Sigaw ni Aiden. Siya ang nagsilbing referee.

Agad akong tumayo at nilapitan si Ake nang bigla na lang siyang matumba.

"Ake!" Sigaw ko na sakto naman ang paglapit ko dahil nasalo ko siya. Bumagsak nga lang kami sa lapag. "Are you okay?" Tanong ko.

"Chloe," sambit niya. "I won. Chloe I won," halos pabulong niyang sabi saka siya nawalan ng malay. Agad namang lumapit sina Aiden at Logan at nagtulungan ang dalawa na buhatin si Ake.

Nang makalayo sila ay naalala ko si Papa. Nakita konv nakaupo na siya at akay ni Mama. Kumpara kay Ake ay mukha okay lang si Papa. Lumapit ako sa kanila saka ako umupo sa harap nilang dalawa.

"Papa naman. Anong naisipan mo at naglaro kayo ni Ake ng gan'tong oras? Ang init init pa naman. Okay lang kayo Pa?" Tanong ko.

Tumango si Papa na ngayon ay nakasandal kay Mama na may hawak na ice pack na nakapatong sa ulo ni Papa. "Puntahan mo si Ake. Nahirapan siya sa'kin. Tch! No sweat!" Pagyayabang ni Papa dahilan para batukan siya ni Mama. "Aray! Mama naman!"

"Ikaw na matanda ka, kapag ikaw talaga umungol ungol mamaya at nagreklamo na masakit ang katawan mo, hindi kita papansinin!" Niyakap ni Mama si Papa. "Pinagalala mo naman ako Pa eh. Alam mo namang 'di ka na ganoon kalakas, pinatagal niyo pa laban niyo ni Blake," ani Mama. Halata sa kanya ang pagaalala. Ngumiti naman si Papa saka niya niyakap si Mama at inalo siya.

Napangiti ako nung sandaling iyon. Kung pigilan ako ni Mama kanina ay akala mo okay lang sa kanya ang nangyayari, yun pala ay hindi.

Nilingon ako ni Papa. "Oh ikaw? Puntahan mo na si Blake. Asikasuhin mo siya," ani Papa na ipinagtaka ko.

"Paano kayo Pa?" Tanong ko. Nilingon niya naman si Mama saka siya ngumiti sa kaniya.

"I have your Mama. I'll be fine," sagot sa akin ni Papa. "Chloe iha, huwag mong kakalimutang mahal na mahal ka namin anak."

This Heart Belongs to YOU (Completed) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt