>>>> Nathaniel x Janella video
JANELLA'S POV
Tumingin ako ng seryoso kay bansot. Ang dami kasing tinatanong ng bansot nato. Binalewala ko na yung nagyari kanina. Teenage hormones lang siguro yun.
"Yung nangyari kanina wala na yun ok? Wag kanang maguilty jan. Kunwari ka pa jan! Kilala kita noh!". Alam ko naman kung ano yung iniisip niya kanina.
"T-talaga ? Hindi ka galit?" Sabi niya na tila bang maiyak iyak na. Tss! Iyakin.
"Bakit naman ako magagalit ? Aaiisshh!! OA ka din noh?" Nagliwanag naman yung mukha niya.
"Salamat Janella.." Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin.
"Ughh.." Hinigpitan niya pa yung pagkakayakap niya saken.Tapos naramdaman kong nabasa yung balikat ko.
"Tss! Kahit kailan talaga iyakin kang bansot ka! Wag kana ngang umiyak kaya ka hindi nagkakagirlpren kasi iyakin ka. Para kang bakla" sabi ko tapos hinagod yung likod niya.
"Akala ko kasi *sobs* di na tayo *sobs* magbabati.." . Psshh!
"Eh gago ka pala eh! Anong tingin mo saken mababaw..aiisshh! Tahan na nga". Then i tap his shoulder.
"Ayyieeehh!!!! PDA sila!!!" . Napabalikwas kami sa pagkakayakap ng biglang sumigaw si Tita Rose.
" Ma!!!". Sigaw bigla ni bansot. Aba! Aba! Dapat di sinisigawan yung parents natin. Lalong lalo na sa nanay natin.
Piningot ko yung tenga ni bansot dahilan para maalis niya yung yakap niya sakin.
"A-aray! Janella!!! Aaaaaray!! " . sabi niya .
"Kailan kapa nawalan ng respeto sa mama mo?! At bakit mo sinisigawan?". Sabi ko na hindi parin tinatanggal yung kamay ko sa tenga niya.
"S-sorry na panget! Di ko naman sinasadya kaya tanggalin mo na please" sabi niya na mangiyakngiyak na sa sakit. Binitiwan ko naman agad yun.
"Ayiiieehh!! Ang sweet niyo namang dalawa!" .sabi ni tita habang nagspasparkle pa yung eyes niya.
"Sweet? Si Tita talaga... Di kami kendi noh! ". Pigil ko sa kanya.Baka naman mamaya didilaan niya kami.Ayaw ko pa man din sa laway,yan biggest enemy ko .
"Grabeh Janella... Ang taas2 ng IQ mo pero alam mong sa ka mahina at napakabobo?". Huh?! Nacurious naman ako sa sinabi ni tita.
"Bobo ka sa pag-" Di natuloy yung sasabihin ni tita. Pinutok kasi iyon ni bansot. Kainis!
"Naku panget! Baka hinahanap ka na ng mga kuya mo! " . Patay anong oras naba?! Tumingin ako sa wallclock nila bansot.
Time check: 8:30 pm.
Nakuuu!!!! 30 min. nalng at sigurado akong nandun nayung mga yun sa bahay.
"Sige tita alis nako..bye bansot thankz sa food!" . Tapos lumabas nako ng bahay nila.
"Teka!!! Janella hatid nakita sa inyo gabi narin kasi". Sabi niya habang hawak hawak yung kamay ko. Kinuha niya yung bike niya.
"Sige na panget.. Angkas na". Umangkas naman ako sa likod ng bike niya. Mabuti nalang ay may upuan dun.
"Kumapit ka baka mahulog ka." Kumapit naman ako sa bewang niya. Aaissh! Walang malisya to ah.
"Bilisan mo — woaaahh!!". Napakapit nalang ako ng mahigpit sa bewag niya. Bigla nalang kasi niyang pinaandar yung bike niya. Tapos ang bilis pa magpatakbo.
After 10 min. Nandito na kami sa tapat ng bahay ko.Bumaba nako sa bike niya at inayos yung buhok kong nagkabuhol buhol.
"SALAMAT SA PAGHATID HUH!? grabeh di kanaman siguro kasali sa karera at kung makapagtakbo ng bike wagas". Ngumiti lang naman siya yung as in wagas na ngiti. Tss! Baliw na ata tung kaibigan ko.
Inirapan ko nlang siya at binuksan yung gate namin. Aakmang papasok na sana ako ng bigla niya akong hilahin.Kaya napaharap ako sa kanya.
Tinanggal niya yung salamin niya at bigla nalang akong....
HINALIKAN SA PISNGI!!!!?????#
Nagulat ako sa ginawa niya. Di pa nga ako makakilos punyeta! Bakit niya yun ginawa.
"Ah— sorry diko kasi napigilan uh! I mean goodbye slash friendly kiss lang yun tamah! Tamah!! Sigeh babay!!". Sabi niya tapos pinaharurut yung bisekleta niya.
Pumasok nalang ako sa bahay na lutang yung utak. Goodbye kiss? Friendly kiss? May ganun bah ang alam ko lang kasi eh yung kiss sa kasal yung sinasabi ng pari na " you may kiss the bride.."
Aaaiisshh!!!!! Bwisit na kiss na yan.Nandito ako sa kwarto ko nakahiga sa kama . Paikot ikot at iniisip yung goodbye slash friendly kiss ni Nathan! Pinikit ko yung mga mata ko pero hindi naman ako inaantok.
Tumingin ako sa wallclock ko 10 pm na pala. Nandito narin sila kuya. Narinig ko kasing bumukas yung front door .
Kinuha ko nalang yung teddy bear ko. Itong teddy nato kasi ang comforter ko tuwing nagtatampo ako kela kuya.
Niyakap ko na si teddy bear pero di parin ako makatulog. Arrrrrrrrgggghhh!!!!!!!!!!!!!
.
.
.
.
.
BWISIT NA GOODBYE SLASH FRIENDLY KISS NA YAN AARRRRGGGGGGGHH!!!
BINABASA MO ANG
Love At First Fight [Completed]
FanfictionA Romance Comedy story that is not just a common love story na nababasa niyo sa wattpad.