Chapter 18

148 13 1
                                    


JANELLA'S POV

"Wag ka ngang kumilos masyado dumidikit yung katawan mo sa katawan ko. Nag iinit tuloy ako..." . Natigilan naman ako sa pagpupumiglas. At tinignan siya ng masama.

"GiaAAANN!!!!!" . Sigaw ko.

"Ok sorry nah.. nagjojoke lang naman ako pero seryoso di mo na kailangan ng wheel chair dahil simula ngayon ako na ang magbubuhat sayo sa school o saan kaman pupunta. Syempre ako ang sumagip sayo kaya kargo kita hanggang sa gumaling ka." natahimik naman ako bigla. Why does he suddenly acting like this?.

"Pero-". di ko natuloy yung sasabihin ko kasi nilagay niya yung finger niya sa labi ko. Naramdaman kong parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko.

"Opps! no buts! halika na at iuuwi na kita sa bahay ko, ay! este sa bahay niyo." I just rolled my eyes. Pagkalabas namin.. lahat ng mga mata ng mga tao dito sa ospital..eh nakatutok sa amin. Narinig ko pa ngang nagbubulungan yung mga nurse. kesho daw ang sweet sweet daw namin. Tss! anong akala nila sa amin kendi? eh may topak pala yung mga nurse dito eh.

Hanggang sa nakarating na kami sa sasakyan niya . Ipinasok niya ako dun at pinaupo sa passengers seat. Bigla siyang lumapit siya sa akin, kaya ang ginawa ko ay itinulak ko yung mukha niya gamit yung kamay ko.

"Marunong akong magkabit ng seat belt." nagkamot naman siya ng ulo. Tapos umikot at sumakay na sa driver seat.Nagsimula na syang magdrive. Napansin kong ibang daan yung dinadaanan namin.

" HOY! di dito ang daan sa amin dun sa kaliwa yung daang papunta sa subdivision namin!". di niya ako sinagot at patuloy parin sa pagdadrive.

Nagsimula naman akong kabahan. Diyos ko nakalimutan kung manyak pala tong kasama ko ngayon baka kung anong gawin niya saken.

"H-hoy Gian saan mo ko dadalhin!?". tanong ko sa kanya. At ang gorilla ngumisi lang.

" Sekrrretong malupet! pero sisiguraduhin ko sayong magaganahan ka at masasarapan ka sa pupuntahan naten.. *smirk*". kinabahan ako sa sinabi niya. tinakpan ko yung katawan ko. langhiya tong lalaking ito!!!! help!!!!

"WALANG HIYA KA!!!!!!! GIAN!!!! STOP THIS CAR OR ELSE TATALON AKO DITO." sigaw ko sa kanya siya naman ay nagpanggap na parang walang naririnig. Kumulo naman yung dugo ko.

"I SAID STOP THIS FUCKING CAR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!".

*Screeeecchh!*

halos mauntog yung ulo ko sa harapan pero buti nalang nakaseat belt ako.

"Opps! sarry ang ingay mo kasi.. di naman ako bingi, by the way nandito na tayo". Tapos lumabas siya ng kotse at pumunta sa passenger seat at walang pasabing binuhat ako.

"Ano bayan kinikilig ako!! >__< parang naiimagine ko sa tuwing binubuhat kita ng ganito para tayong bagong kasal." langyang sabi ng gorillang ito at nagblush pa talaga.Tss! parang bakla.

" Tumigil ka jan gorilla kah!!! nasaan ba tayo ?" buti nalang at di ako dinala sa motel nitong manyak na ito. Nandito kami sa harap ng isang restaurant. Kaya pala sinabi niyang magaganahan ako at masasarapan sa pupuntahan namin.

Pumasok na kami sa loob. At lahat ng taong kumakain doon ay tinignan kami ng may pagtataka . Aiaashh!! nakakahiya. Bwisit kasi tung gorillang ito. Kung di lang toh gwapo, ay!! ano bah tung pinagsasabi ko. erase! erase!!

"Doon nalang tayo umupo sa dulo oh! bilisan mo Gian at nakakahiya natung sitwasyon naten baka ano pang sabihin nila. aissh!! nakakahiya !". pabulong kong sabi sa kanya. Bukod kasi sa maraming tao ang nandito sobrang sosyal din ng lugar.

"Dont worry, just dont mind them because di ko ikinahihiyang buhat buhat ko ngayon ang babaeng espesyal sa buhay ko." Then he smiled at me. Yung ngiting parang sincere na may halong sweetness. Pero tama bayung pagkarinig ko, espesyal daw ako sa buhay niya?

Love At First Fight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon