JANELLA'S POV
Pauwi na ako ng bahay galing kasi ako sa mall. Nag grocery nakakahiya naman kasing makikain nalang kami forever kila Nathan.Napansin ko parang may sumusunod sa akin. Kanina ko pa to nararamdaman eh.
Hindi ko lang pinahalata na kanina ko pa sila napapansin. Mas tinalasan ko pa yung alertness ko kasi feeling ko may balak silang masama sa akin.
Pagkalabas ko ng mall naramdaman kong papalapit na sila sa akin. Kinuha ko yung shoulder bag ko mabuti nalang at dala-dala ko tung wushu stick ko parati para incase lang may self defense ako.
Inestimate ko kong gaano sila karami. Mga nasa anim yata sila.
Naramdaman kong may humawak sa braso ko kaya ang hinawakan ko siya at binalibag, tama nga ang hinala ko. Ako talaga ang pakay ng mga goons nato
Kinuha ko sa kanya ang baril niya at pinatamaan siya sa binti. Nagkagulo ang mga tao sa mall dahil sa pagpapaputok ko ng baril.
Isa-isa na silang sumugod.Baril doon,baril dito nagtago ako sa isang sasakyan.
Mabuti nalang at hindi pa kumukupas ang galing ko sa pagbabarilan. Hello??! Baka nakakalimutan nilang isang dating pulis ang kinabangga nila.
Pinatamaan ko sila ng bala pero sa mga part lang ng katawan nila kung saan hindi sila mamamatay.
Nabaril ko nayung pang-apat, yung dalawang ugok nalang. Shit! Mukhang magagaling yung dalawa.
Palitan lang kami ng palitan ng putok pero niisa sa amin eh walang natamaan.
Nagtago muna ako at kinuha yung cell phone ko. I dialled the no. of Kuya Luke.
[ Hello? Janella napatawa- ]
Bang!!!
Shit na malagkit umaatake na naman sila. Peste ang daya nila dalawa sila samantalang ako isa lang. Idagdag pang magagaling ang mga dalawang ugok na ito.
[ Shit! Janella ano yun??!!! Where the hell are you!! ]
"Nandito ako sa Veranza mall, Kuya I need back-up!! Bilis !!!". Sabi ko at pinutol na yung tawag.
Nasa Korea parin si Kuya Luke pero alam ko namang may mga tauhan siya dito.
Bang!! Bang!!! Bang!!!
Shit!! Pinapaulanan nila ako ng bala.Basag basag na nga yung salamin ng kotseng pinagtataguan ko. Condolence nalang sa may ari nito.
Maya-maya may dumating na mga men in black. Akala ko nga mga kalaban ko sila pero buti nalang mga tauhan lang pla sila ni Kuya.
Pag-uwi ko sa bahay sinermunan agad ako ng mga kuya ko. Nakisali din si Kuya Luke via skype.
Dahil sa nangyari bantay sarado ako ng mga tauhan ni kuya.Wala parin akong makuhang motibo kung sino ang may taong salarin sa pagpapatay sa akin.
Pero ang good news yung mga goons na nakabarilan ko eh, hinuli namin. Tignan lang natin kung hindi sila umamin sa gagawin ko sa kanila.
Inutusan ko yung mga men in black ni kuya na tanggalin yung mga pantalon nila.
Kinuha ko yung malaking gunting na hiniram ko pa sa hardinero nila Nathan.
"Bibigyan ko kayo ng sampung segundo.Kapag hindi niyo sinabi sakin kung sino ang nag-utos sa inyo para patayin ako."
Bago ko ituloy ang sasabihin ko binigyan ko sila ng isang nakakatakot na ngiti.
BINABASA MO ANG
Love At First Fight [Completed]
FanfictionA Romance Comedy story that is not just a common love story na nababasa niyo sa wattpad.