NATHAN'S POV
Bwisit na babaitang ito.Kung hindi lang toh, maganda kanina ko pa talaga toh pinektusan eh.
"Baby ko.. ipagtanggol mo ako sa gagong Gian na yun ha? I hate that asshole." sabi niya sabay kapit sa braso ko.
Naramdaman ko naman ang talim ng tingin ng mga kaklase kong mga lalaki sakin.
"Bakit ko naman gagawin yun?! Bitawan mo nga ako.Tss." tapos inilayo ko siya sa akin.Nakakainis kasi at pinayagan pa ng prof namin na dito to umupo sa tabi ko.
"Sungit! Arte!" Pagmamaktol niya tapos nag pout pa. Ang cu- teka! wag mo nga siyang sabihan ng ganyan Nathan.
Natapos nadin yung klase namin. Hayy! salamat . Nakakainis na kasi tung babaeng katabi ko.
"Janella, Tara na! sabay na tayong umuwi." sabi ko kay Janella.
"Sorry mokong pero ako na ang maghahatid sa kanya." sabay akbay pa niya kay Janella.
"Anong! ikaw ang maghahatid sa akin? tumahimik ka ngang letseng gorilla ka!" sabay siko nito kay Gian, buti nga!
"Baby ko naman!? ako dapat ang ihatid mo!!!" singit nitong si Karla.
"Tumahimik ka nga! umuwi kang mag isa mo!"
"Naku bansot! mas mabuting ihatid mo muna yang girlfriend mo. Ikaw huh? naglilihim kana saken." Sabi ni Janella habang tinataas baba yung kilay niya.
"Janella!? nagkakamali ka! hindi ko siya girl-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko bigla kasi akong kinaladkad ni Karla.
"Hoy! ano bah!?." sabay hinto ko at hinila yung kamay ko.Kaya ang resulta na out of balance siya at napa upo sa sahig.
"Ano bang problema mo?! Why are you doing this? alam mo nakakainis ka na! bakit mo sinabi sa classroom na boyfriend mo ako?! Eh wala namang tayo! and besides I dont like nor love you." sambat ko sa kanya.
Nagulat nalang ako ng bigla siyang umiyak.
"Matapos mong kunin yung pinakaiingatan ko! Isasambat mo sa akin yan!! Hindi ko naman hahayaang hindi mo panagutan yung ginawa mo!!." she said between her sobs.
Nakakuha naman kami ng atensyon dito sa hallway. Lahat ng estudyante nakatingin sa amin.
"Diba si Karla yan?! yung sikat na model? kawawa naman siya."
"Oo nga! salbahe na lalaki.Mukha pa naman siyang matalino.Pero manwhore pala!"
"Hay.. mga lalaki talaga."
"Di lang naman siya nakonsensya."
Lahat nga mga bulong bulongan nila ay naabsorb ng tenga ko.
"Di ko naman sinasadya yun. At tiyaka aksidente lang yung nangyare." pagpapaliwanag ko.
"Waaahh!!! i hate you!! di mo lang ba ako tutulungan dito?! ang shaket ng balakang ko.. I can't stand nah.!!!." Pagtatantrums niya.
Napasapo naman ako sa noo ko. Tung babae nato!! naturingan pa namang maganda isip bata naman.
"Here, piggy backride." walang gana kong sabi. Bigla naman siyang sumampa sa likod ko.
"Okay! hmmmp!! lets go na baby ko. Wag kayong mag alala mga viewers jan sa tabi tabi. First kiss ko lang po yung nakuha niya sa akin. Nothing more,nothing less." Pagpapaliwanag niya.
"Tumahimik ka na nga! " sabi ko at hinawakan siyang mabuti.
"Nilinis ko lang yung pangalan mo,running for suma cumlaude ka pa naman." sabi niya at isinandal na niya yung ulo niya sa likod ko.
"Tss." pero infaireness natouch ako dun sa ginawa niya
"Hoy! may kotse ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Yung kulay pink na Lamborghini, ito susi." sabay abot.. nun sa akin.
Ang yaman ng babae na ito. Lamborghini talaga ang kotse. Ako naman sad to say.. wala pang kotse.
Nakarating na kami dun sa sasakyan niya.
"Hoy.! nandito na tayo. Bumaba ka na. Kaya mo naman sigurong magdrive at umuwing mag isa."
No response.
Yeah. right. nakatulog siya. Wala akong choice kundi ipagdrive siya pauwi. Kahit wala akong kotse nagdriving lesson parin naman ako. Para sa isang lalaki importanteng marunong kang magdrive ng kotse. Incase of emergency.
Binuksan ko yung pinto sa may passengers seat. At pinaupo siya dun.
Pinagmasdan ko yung mukha niya. Maganda siya,makinis,mayaman,seksi.Ang hindi ko maintindihan bakit siya habol ng habol sa akin.
Hindi naman kasi ako gustuhing lalaki. Sino ba naman kasing magkakagusto sa isang nerd na katulad ko.
Ang drama ko naman. Tss.
Ikinabit ko na yung seatbelt niya.Hinawi ko din yung buhok niya.
Diko alam pero parang pamilyar yung mukha niya. Para bang nameet ko na siya somewhere.
"Stop staring and just kiss me." walang hiya. Gising pa pala tong babae na to.
"Sira! Hindi kita hahalikan noh! Ito oh, yung susi mo." sabay bigay ko ng susi sa kanya.
"Nathaniel.. can you please be with me today. Please Niel." Nagulat ako sa sinabi niya. Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng Niel.
Pero imposible.. hindi si Karla yun.
"O-ok.. but can you please don't call me Niel. Isang tao lang kasi ang pwedeng tumawag sa akin nun."
"Is she that special to you?" she said with a wide smile on her face.
"Yeah.. very special."
"Ok then! here's the key. Marunong ka naman sigurong magdrive."
Napangiti nalang ako. Pumunta na ako dun sa drivers seat at inistart na yung kotse.
"Nathaniel, can I ask you something?"
"About what?"
"Why is that person so special to you. You know the one who is calling you Niel?."
Napahinga nalang ako ng malalim nalulungkot ako kapag naalala ko siya.
"She's very special to me... because she is my special friend, but the sad thing is..she left me."
Nakilala ko siya nun bago pa dumating sa buhay ko si Janella.
BINABASA MO ANG
Love At First Fight [Completed]
FanfictionA Romance Comedy story that is not just a common love story na nababasa niyo sa wattpad.