KYLE'S POV
[A/N: Si Gian parin po yan ^___^v Nagka amnesia po kasi siya kaya ganyan muna ang pangalan niya]
That lady.. Ang sabi ng anak ko siya ang ang pumasan sa akin pauwi ng bahay.
Hindi maalis sa isip ko yung itsura niya. Uy! Hindi ako nagtataksil sa asawa ko ah!? Sadyang pamilyar lang talaga yung itsura niya.
Pinatulog ko na yung anak ko.Bigla kong naalala, broken hearted pala yung babaeng yun. At kadalasan sa mga broken hearted ... NAGPAPAKAMATAY!!!??
Oh! No!! Hindi pa naman ako nakakapagpasalamat sa kanya. Tinawagan ko muna si Mang Lusing actually katulong namin sa bahay pero minsan pinapauwi ko nalang kasi matanda na siya at isa pa kaya ko namang gawin ang mga gawaing bahay.
"Oh, iho saan ang lakad mo? Nagpaalam ka na ba sa misis mo?". Napakamot naman ako sa ulo ko.
"Manang secret muna natin to ah, baka kasi magalit na naman yun. Pramis manang may bonus po kayo sa akin."
Mabuti nalang at close kami ni manang at napapayag ko siya.
Dinala ko yung kotse namin habang nagdadrive ako naisip ko kung saan ko siya unang hahanapin.
Mmm... Sa napapanood ko sa mga teleserye madalas pumumunta sa bar yung mga bidang broken hearted.
Mabuti nalang at may authomatic GPS tung kotse namin ni Hon.^___^
Isa-isa kong pinuntahan yung mga sikat na bar dito sa lugar. Pero wala siya.
"Ito last na toh, pag wala kapa dito naku! Ipagdadasal nalang kita na sana kung nagpakamatay ka man eh,tanggapin ka parin ni lord sa langit."
Pagpasok ko ng bar nakita ko agad siya. Nilapitan ko siya. Mukhang naparami ang inom ng babae nato ah.
Iinumin pa sana yung isang bote ng alak nung agawing ko ito sa kamay niya.
"Stop it." Pero pilit niya paring inaagaw sa akin yung bote ng alak
"Aken nyan! Di kita kilala kaya pweede bah! Akin nayang alak koh!!"."Tss. Pasaway." Tapos pinitik ko yung noo niya. Bigla naman siyang nawalan ng malay.
Taena! Nakatulog na ata toh!? Binuhat ko nalang siya at pinasok sa kotse ko.
"Saan ko toh,dadalhin tung babae nato. Malamang kung sa bahay nako magagalit si Hon nito."
. Bigla nalang may kumatok sa bintana ng kotse ko.Binagbuksan ko naman ito.
"Sir hindi pa po nakakabayad yung girlpren niyo."
"Ano??!! Pambihira." Napakamot nalang ako sa ulo ko at kinuha yung pitaka ko.
"Magkano ba yun lahat, tiyaka hindi ko siya girlfriend."
"Sir five thousand po lahat." Muntik ko ng masuntok yung waiter sa laki ba naman ng bill ng babaeng ito.
"Eto oh!!! ang ingay ingay, kitang nashtutulog yung tao e." Gising pa pala tung babae natoh. Iniabot niya noh mas mabuting sabihing binato niya sa mukha yung pouch bag niya.
"Kung di ka lang lasing nabigwasan na kita eh!." Binuksan ko yung pouch bag niya.
Grabeh mayaman naman pala tong babae na ito. Kumuha ako ng limang one thousand at ibinayad sa waiter.
BINABASA MO ANG
Love At First Fight [Completed]
FanfictionA Romance Comedy story that is not just a common love story na nababasa niyo sa wattpad.