JANELLA'S POV
"Janella...d-dont go." Shit na malagkit. Does I heard it right? Tinawag niya yung pangalan ko.Hindi kaya... May naalala na si Gian? Nakatulog na ata siya. Pinagmasdan ko yung gwapong mukha niya.
Hindi ka parin nagbabago, magandang gwapo ka parin. At mahal parin kita....
Pero kailangan ko tung pigilan dahil may pamilya kana... Palagay ko nga hindi tayo para sa isat-isa Gian..
Iniayos ko yung pagkakahiga niya. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya.
"Gian...mahal na mahal kita, sana naman yun lang maalala mo." Sabi ko at natulog na habang kayakap siya.
Kinabukasan akala ko wala na siya pagkagising ko pero andito parin pala siya sa tabi ko. Ang himbing parin ng tulog.
Dahan dahan akong tumayo. Medyo nahihilo pa nga ako dahil sa hangover ko kagabi.
Inamoy amoy ko naman yung sarili ko. Anak ng!!?? Amoy suka ako!
Nagligo nalang ako at kumuha ng bath robe.
Pagkatapos kung maligo eh, nilabhan ko muna yung damit ko. Isasampay ko nalang to dito sa may veranda total wala pa namang tao.
Pagkalabas ko ng banyo nagulat ako kasi gising na pala siya. At busy sa pagtipa ng cellphone niya.
"Patay ako sa asawa ko ngayon." Sabi niya.
"Ahem!". Napatingin naman siya sa akin. Pero agad din siyang umiwas.
"M-magbihis ka nga muna babae ka." Naparolled eyes nalang ako.
"Basa pa po kasi yung damit ko." Umupo nalang ako sa kama at pinatuyo yung buhok ko gamit ang tuwalya.
"Damn!". Napatingin naman ako kay Gian. Teka bat ba siya namumula?!
Tinignan ko naman yung sarili ko. Wala namang... Teka???!!
Lalaki siya, babae ako tapos nandito kami sa iisang kwarto. Baka naman naaakit siya sa alindog ko. Charut!?!!
"Alam mo mas mabuting umuwi ka nalang sa inyo.Yung asawa mo baka isiping ako yung kabit mo." Sabi ko. Napakamot naman siya ng ulo.
" Mas mabuti nga yun, pero salamat pala kagabi." Nginitian ko nalang siya.
Umalis na siya ng hotel. Ako naman naiwan lang ditong nakatulala.
Kinuha ko yung phone ko, teka? Mukhang pinakialaman to ah.
"Hala!! Di kaya nakita niya tung picture naming dalawa?". Matagal natong picture nato pero hindi ko parin dindelete.
Napaisip ako,kaya siguro sumakit yung ulo niya kagabi kasi nakita niya to.
Mabuti nalang at natuyo nayung damit ko. Dali dali ko itong sinuot.
Sumakay ako ng elevator, sana hindi pa siya nakakalayo.
Pagkalabas ko ng hotel nakita ko siya agad. Umaasa ako na sana... Maalala na niya ako.Kaya sinigaw ko yung pangalan niya.
"GIAN!!!!!!!". Napangiti naman ako nung humarap siya sa akin pero bigla din itong naglaho.
"Well siya ba yung babaeng kasama mo buong gabi??!". Si Hydie, ang asawa niyang bulok.
"Hon, Lasing na lasing kasi siya kagabi pero promise walang nangyari sa amin." Sabi ni Gian. Pero bigla nalang siyang sinampal ni Hydie
Nanlaki naman ang mga mata ko at dali daling lumapit sa kanila at sinampal din si Hydie. Pareho silang nagulat sa ginawa ko.
"Alam kong alam mong hindi mo pag-aari si Gian. At sa oras na makaalala na siya iiwan ka din niya. Kaya wala kang karapatang saktan ang lalaking akin at mahal ko." Hindi naman siya agad nakasagot nakaawang lang yung bibig niya.
Tinignan ko naman si Gian.Nakakunot yung noo niya. Alam kong galit siya pero tama lang ang ginawa ko sa Hydie na yun.
"I know na naguguluhan ka sa mga nagyayari.Pero kahit alam kong hindi ako naaalala ng utak mo, alam kong jan sa puso mo Gian... Alam kong mahal mo parin ako. At gusto kong malaman mo na mahal na mahal parin kita."
"Ano bang pinagsasabi mo?! May asawa ako at anak. And besides I dont know who you are!? Kung balak mong sirain ang relasyon namin ng asawa ko pwes! Hinding hindi mangyayari yun!". Nasaktan ako sa mga sinabi niya pero pinili kong isawalang bahala yun.
"I know.. and you still cant remember anything. Pero Gian..maghihintay ako. Naalala mo yung bahay na ginawa mo para sa atin? Pumunta ka dun kapag naalala mo na ang lahat."
Sabi ko sa kanya pero bago ako umalis.. May sinabi mo na ako sa kanya.
"And by the way.. Im Janella..Janella Mae Santos." Tapos tuluyan na akong umalis.
Alam kong kahit kailan hindi ako kinalimutan ng puso niya. Maghihintay ako Gian... Maghihintay ako..
BINABASA MO ANG
Love At First Fight [Completed]
FanfictionA Romance Comedy story that is not just a common love story na nababasa niyo sa wattpad.