JANELLA'S POV
Asan ako? Trinay kong galawin yung katawan ko pero ang sakit ng mga braso ko at yung paa ko din.. Bwisit na mga lalaking yun!
Teka bakit bumigat yata tung kaliwang kamay ko?. Pagtingin ko nakita ko si gorilla na natutulog habang hawak hawak yung kamay ko. Chansing huh?! Pinilit kong bawiin yung kamay ko pero ang higpit ng pagkakahawak niya.
"Gian." Tawag ko sa kanya pero hindi parin siya nagising. Naalala ko palang siya yung nagligtas sa akin dun sa tatlong hayap na lalaki.
Kung ganun, siya rin ang nagdala sa akin dito sa ospital? Tiningnan ko yung mukha niya. Pinagmasdan ko ng maigi. From forehead to the eyes.. Down to the nose.. Then down to the..
"Huli ka!!". Bigla nalang siyang nagising.
"Ay puteekk!!??". Sabay hawak sa dibdib ko.
"Bakit mo ko tinitingnan?.. Pinagnanasaan mo siguro yung kagwapohan ko noh..? Hahahaha!! Sabi ko na nga bah may gusto ka saken." Punyetang gorilla! Kapal ng mukha.
"Hoy! Gorilla ang kapal din pala ng mukha mo noh! Ako magkakagusto sa gorilla?! Never!!". Sabi ko at binawi na yung kamay ko sa kanya.
"Aaissh! Palusot.com, by the way kamusta na pala yung mga sugat mo? Masakit pa bah.?". May halong pag alalang tanong niya. Habang nakatingin ng diretso sa mata ko. Napaiwas nalang ako ng tingin. Ewan ko basta bigla nalang kasi akong kinabahan sa tingin niya.
Hinawakan niya yung pisngi ko at pinatingin ako sa kanya. Biglang tumibok si puso. Letseng puso nayan lakas makakabog.
"Janella please answer me, alam mo bang halos mabalian ko na ng buto yung doctor kakatanong kung ok ka lang ba,Jesus! Halos lumabas nayung puso ko ng makita kang walang malay at duguan!." Di ko alam kong anong sasabihin ko sa kanya.
Parang naaawa ako sa kanya kasi halata sa mukha niya ang sobrang pag aalala. Ayan nanamang si puso nababaliw na ata.
"I-m okay.. kay? Kaya wag kang masyadong OA.." Sabi ko habang mataray yung boses. Pero labag yun sa loob ko. Ewan pero complicated yung nararamdan ko ngayon. Masaya ako na malungkot na kinakabahan.
"Ok.... I was just worry for you Janella...". He said na parang nasasaktan. Aaaishh! Takteh! Bakit feeling ko nakokonsensya ako. Rrrgghh!! Sige na nga.. Isa to sa pinakamahirap na gagawin ko sa tanang buhay ko. I cleared my throat at huminga ng malalim.
"Im sorry.. A-nd thank you.. Gian.". Oh! Ayan nilunok ko na yung pride ko. Letse na lalaking yan. Pero pagkasabi nun. Parang gumaan yung loob ko.
"Uh." I see in her face na nagulat siya at nagulat din ako ng bigla niya akong yakapin.
"J-anella! I was so very happy na sinabi mo yun.. Can you please say it again.. Please". Parang nahypnotize sa sinabi niya. Naramdaman koring sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.
"Im sorry and thank you Gian.." Sabi ko. Humiwalay nadin siya sa pagkakayakap.
"Yes! Ang gandang pangringtone nitoh!!". Tapos clinick niya yung cellphone niya.
" Im sorry and thank you Gian.."
"Hehehe!! Isa pah!". Pindot ulit ng phone niya.
"Im sorry and thank you Gian.."
"Hahaha!! Isa pa nga!!". Tapos pindot ulit sa phone.
"Im sorry and thank you Gian.."
"Hahahahahahahaha!!!!! Grabe ang ganda talaga ng ringtone ng phone ko!". Sabi niya habang sobrang tuwang tuwa.
"G-I-A-N!!!!!!! IM GONNA KILL YOU!!!". Tapos sinakal ko siya. Gago toh! Nagawa pa akong lokohin.
"Ugh! Janella tama na! Uggh... Sige pa ang sarap ng ginagawa mo ughh.." Lintik!! Na gagong toh! Umungol pa na parang inaano.
Bigla namang bumukas yung pinto. At pumasok yung nurse.Binitiwan ko agad yung leeg ni gorilla.
"Babe.. Bakit ka naman tumigil? Ang sarap eh.. Muntik na nga akong kapusan ng hiniga.. Ang sarap ng pagkakahawak mo.." He said in a husky voice. Halos umakyat lahat ng dugo ko sa katawan. Gagong Gorillang Gian!!! . Tumingin ako sa nurse na ang sama din ang tingin sa amin.
"*Ahem!* para sabihin ko po sa inyo hospital po toh. Hindi motel." Tinakpan ko yung mukha ko gamit yung kamay ko. Nakakahiya!!! Bwisit na manyak na ito! Ginawang bastos yung ginawa kong pagkakasakal sa kanya.
"In the first place ikaw tung hindi kumakatok sa pintuan. Didnt your parents teach you that before you enter a door you should knock before you enter!. Naistorbo mo pa kami ng asawa ko.". Kinurot ko sa tagiliran si gorilla.
"Owouch! Babe wag kang masyadong exited... Wag kang mag alala matutuloy natin yung ginagawa natin kanina.." Sa sinabi ng manyak na ito . Pinapatay ko na siya sa isipan ko.
" Ano pang hinihintay mo? GET OUT!? And by the way .. I am Gian Mark FABIOSA!" Enemphasize niya talaga yung apelyido niya. Namutla naman yung nurse at dali daling umalis.
"Wala na siya.. Hehehe ituloy na natin babe.. Hawakan mo na ako.. Babe.. Hit me baby one more time!". Kumulo naman yung dugo ko at sinuntok ko siya sa mukha. Kala niya huh!
"Aray! Para saan naman yun?". Sabi niya habang hinihimas yung pisngi niya.
"Para saan?!! Dahil sa kamanyakan mo!! Period!!". Tapos nagrolles eyes ako.
"Oww... Your welcome babe." Sabi niya habang wagas yung ngiti sa labi. Baliw!!
"Isa pang babe jan at liligitan ko yang leeg mo!!". Sabi ko at tinaas naman niya yung kamay niya. A sign of nagsusurender.
Tiningnan ko yung wall clock. Its already 10 am in the morning. Aaissh! Patay nanaman ako sa mga kuya ko neto. Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Oh? Napakamot ka sa ulo mo? Wag mong sabihing may kuto ka." Binatukan ko naman tung gorilla natoh.
"Gago! Wala akong kuto! Gusto ko ng umuwi samin baka nag aalala na yung mga kapatid ko." Sabi ko habang chicheck yung sugat ko sa binti. Mukhang malalim ata yung sugat kasi tinahi.
"Sige kung yan ang gusto mo, basta ihahatid kita sa inyo. At sabi din ng doctor 2 days kang di pwedeng lumakad baka kasi daw matanggal yung tahi." Sabi niya na nakangiti parin. Tss! Bahala siyang sumakit yung panga niya.
"Ay tekah yung hospital bill-" pinutol niya yung sasabihin ko.
"Dont worry wala ka ng babayaran. We owned this hospital naman kahit papaano nalibre tayo. Kaya dont stress yourself with that." Nakahinga naman ako ng maluwang ..kaya pala namutla yung nurse pagkasabi niya nung pangalan niya kasi sila yung may ari ng hospital na ito. Mayamang mayaman siguro tong manyak na ito.
"Sige na manghingi kadun ng wheel chair at gusto ko ng umuwi". Sabi ko. Nagsmirk lang naman yung gorilla.
" Di na kailangan bubuhatin nalang kita". Di pa nga ako nakareact binuhat na niya agad ako.
"Hoy!! Ano bah?! Bitiwan mo nga ako!! Ibaba mo koh!!" Pagpupumiglas ko.
BINABASA MO ANG
Love At First Fight [Completed]
Fiksi PenggemarA Romance Comedy story that is not just a common love story na nababasa niyo sa wattpad.