Part 1

6.8K 87 9
                                    

Hi Guys.. welcome sa bago kong story.. ibigay ko lang yung mga main character ng story na ito:

Boys:

Maria Deanna Izabella  Wong as Dean Ibrahim Wong (Dean)

Isabel Beatriz de Leon as Bryle de Leon (Bryle)

Marivic Velaine Meneses as Rhys Meneses (Riri)

Maria Angelica Cayuna as Angelo Cayuna (Gel)

Diana Mae Carlos as Darius Marc Carlos (Tots)

Girls:

Jessica Margarett  Galanza (Jema)

Jhoanna Louisse Maraguinot (Jho)

Frances Xinia Molina (Ces)

Celine Elaiza Domingo (Ced)

Carly Hernandez (Carly)

Kyla Atienza (Kyla)

Guys, not sure kung may mga course nga na tourism at architect sa Ateneo.. base kasi sa pag search ko wala.. pero imagine nalang natin na meron.. 😂 kung meron edi good..!




































----------------

Jema's POV

Hi! I'm Jessica Margarett Galanza, Jema for short, 4th year college, and BS in Tourism Management w/ flight Attendant Course ang course ko.

Sa Laguna talaga ako nakatira, yung parents ko parehas na teacher.

Hindi naman kami mayaman, pero kasi pangarap ng magulang ko na makapag aral ako sa isang magandang paaralan katulad ng Ateneo kaya nag pupursige sila sa pagtatrabaho para lang makapag aral ako sa Ateneo.

Tinutulungan din kami ng tito ko na nasa US sa pagbabayad ng tuition, kaya nakakayanan namin bayaran yung tuition sa Ateneo. Alam nyo naman, puro yayamanin yung mga nag aaral sa Ateneo, maliban nalang siguro kung athlete ka.

Dahil nasa Laguna yung bahay ko, nag rerent lang kami ng apartment malapit sa Ateneo kasama ko si Kyla, Jho, Ced, at Ces..

Si Jho, Ced at Ces taga dito talaga sila sa Manila, mayaman din sila pero ewan ko ba, trip nila akong samahan dito sa apartment, pero mas ok na din yon para nakakatipid kami ni Kyla, dahil hati hati kami sa bayarin, taga Laguna din kasi si Kyla at kaibigan ko na sya elementary palang..

Sila Jho, Ced at Ces naman nakilala ko lang sila sa Ateneo dahil magkakaklase kami simula 1st year.

3 years na kaming magkakasama dito sa apartment.

"Jema, bilisan mo na..!" sigaw ni Jho, "iiwan kana namin sige ka!" dagdag nya pa

Sabay sabay kasi kaming pumapasok at sasakyan ni Jho ang gamit namin.

"Wait lang, 5 mins..!" sigaw ko

Kanina pa kasi ako tingin ng tingin sa phone ko, hinihintay ko yung text ni Tito, baka kasi magpadala na sya ngayon ng pang tuition ko, siya kasi yung mag babayad ng tuition ko ngayong... promise nya kasi yon sakin..

"Jema!" sigaw ni Kyla

"Pababa na..!" sigaw ko

Pagkababa ko, ako nalang pala yung hinihintay nila.

"hay nako.. ano pa ba kasi yung ginawa mo?" tanong ni Jho

"eh kasi hinihintay ko yung text ni Tito.. kailangan ko na kasing mabayaran yung tuition bukas diba?" sabi ko

"Oo nga pala.. sa ating lima ikaw nalang yung hindi nakakapag bayad.." sabi ni Ces, nakaramdam ako ng lungkot

"Naku Jema.. hayaan mo mamaya mag tetext na yang tito mo.. tara na at baka malate pa tayo.." sabi ni Jho

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon