Fast forward na tayo mga bakla...
Dean's POV
"Bro, ok na..." nakangiting sabi ni Bryle
Nandito kami ngayon sa isang private hotel sa Tagaytay..
Napangiti ako..
"Thank you Bro.." sabi ko sa kanya,
Nandito na din yung mga kaibigan ko, sina Bryle, Jho, Tots, Ced, Riri, Ces, Kyla, Angel, Gel at Carly.. Magtataxi nalang daw kasi papunta dito si Jema
Timing naman dahil surprise ko ito sa kanya dahil anniversary namin..
Alam kong mahirap yung pinagdaanan naming dalawa ni Jema nitong mga nakaraang buwan, nawala yung business ko, halos lahat parang may hadlang, minsan may awayan na nangyayare pero naaayos din naman, masaya ako dahil hanggang ngayon hindi parin ako sinusukuan ni Jema kahit alam kong hirap na hirap na sya..
Malapit na din matapos si Jema sa Training nya, ilang araw nalang mag a-apply na sila para maging FA.
Medyo stable na din yung income ko dahil marami na din kaming client sa business na itinayo namin nila Bryle, hindi nalaman ng daddy ko na isa din ako sa mga may ari ng firm na itinayo namin.
Kinuha ko yung singsing na binili ko para kay Jema, ngayong anniversary namin balak kong mag propose, handang handa na akong i upgrade yung relationship namin ni Jema..
Handa na akong bumuo ng pamilya kasama sya..
Huminga ako ng malalim dahil kinakabahan din ako sa gagawin ko..
Naramdaman kong may tumapik ng balikat ko.. Napatingin ako kung sino yun..
Bryle...
"Bro, relax! alam kong kayang kaya mo yan at alam kong hindi ka tatanggihan ni Jema dahil mahal na mahal ka nya.." sabi nya
"Hehe, salamat bro ha.." sabi ko sa kanya
"Nasaan na daw ba si Jema?" tanong ni Bryle
"W-Wait tatawagan ko..." sabi ko sa kanya
Kinuha ko yung phone ni Jema, pero ring lang ng ring, hindi nya sinasagot..
Lumapit ako kay Jho,
"Jho, p-pwede bang tawagan mo si Jema? h-hindi nya kasi sinasagot.." pakiusap ko kay Jho
"O-Ok.." sabi nya, nakita kong nag dial sya, maya maya tumingin sya sakin at umiling.. "Hindi nya din sinasagot.." sabi nya
Napansin siguro ng mga kaibigan ko na nag aalala na ako kaya lumapit sila sakin at inakbayan ako..
"Bro, baka nasa bag lang yung phone nya at naka silent?" sabi ni Gel, "Wait pa tayo.." dagdag nya pa
Maya maya, hindi na ako mapakali, pabalik balik ako sa paglalakad at alam kong nahihilo na din yung mga kaibigan ko..
Natigilan ako ng may humintong sasakyan sa may gate, napangiti ako ng makita ko na bumaba si Jema sa sasakyan..
Akala ko ba taxi sasakyan nya?
"Oh! ayan na pala sya Dean!" masayang sabi ni Carly
Naglakad palapit sakin si Jema, nang makalapit sya sakin inilibot nya yung paningin nya..
"H-Happy Anniversary B..." bati ko sa kanya habang nakangiti, seryoso syang tumingin sakin kaya kinabahan ako..
Parang ibang Jema yung nasa harap ko ngayon..
"D-Dean.. s-sorry.. h-hindi na sana ako pupunta dito p-pero k-kailangan..." panimula nya, kumunot yung noo ko, nagsimula na ding manlamig yung kamay ko
Huminga sya ng malalim at nagsimula ng tumulo yung luha nya
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito