Dean's POV
Ang tahimik ni Gel..
Wala pa si Bryle..
Itong si Riri at Tots naman asaran ng asaran..
Pero totoo kaya? may gusto si Bryle kay Jema?
Itanong ko kaya?
"Pustahan 5K nga? may gusto si Bryle kay Jema?" rinig kong sabi ni Tots
"Ano ka sinuswerte? lugi ako nu?? halatang halata na yung isa.." sabi naman ni Riri
Pagpustahan ba naman yung kaibigan namin..
Napatingin ako kay Gel, seryoso sya masyado kaya kinalabit ko sya
"Hey! ok ka lang?" tanong ko kay Gel, halatang nagulat sya
"O-ok lang.. bakit?" tanong nya
"Tahimik mo eh.." sabi ko
"Wag mo nalang akong pansinin bro.. may iniisip lang ako.." sabi nya
"O-ok.." utal na sabi ko
Napatingin ako sa pintuan ng biglang pumasok si Bryle, nang umupo sya sa tabi ko siniko ko sya.
"Huy! san ka galing?" tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin
"Ah hinatid ko si Jho sa room nila.. natapilok eh" sabi nya, tumango lang ako
"Uhmm Deans?" tawag sakin ni Bryle
"Yes?" tanong ko
"P-Paano kung babayaran ko nalang sayo yung ibinayad mo sa tuition ni Jema? ok lang?" napatingin ako kay Bryle
"B-bakit?" tanong ko
"uhmm ehermm w-wala.. naaawa lang ako sa kanya.." sabi nya
Hindi ako kumbinsido sa reason ni Bryle kaya umiling ako..
"Kilala mo ako Bryle.. ayaw kong ibinabalik sakin yung pera.. hindi ko din hiniling kay Jema na bayaran sakin yon, actually dapat nga bigay ko na yon sa kanya.. pero tinanggihan nya, at gusto nyang bayaran.. pumayag din sya gusto ko.." paliwanag ko kay Bryle, nakatingin lang sya sakin
Bumuntong hininga ako at seryosong tumingin sa kanya
"Don't worry bro.. hindi ako tulad ng iba na papahirapan yung isang tao.. halos wala nga syang ginagawa sa bahay.." sabi ko
Napaayos ng upo si Bryle ng mapansin nyang nakatingin samin sila Gel, Tots at Riri
"Hahaha, bakit kasi hindi nalang umamin, halata naman.." parinig ni Riri, tumingin naman sakanya si Bryle
"Tumigil ka dyan.. concern lang ako sa tao.." sabi bi Bryle
"concern ka.. because you like her.." sabat naman ni Tots
Natahimik nalang si Bryle
"Tigilan nyo nga si Bryle.." kunot noong sabi ni Gel
"hahaha nag salita yung isa pang nag seselos..." asar ni Riri
Lakas talaga mang asar nito..
"Shut up!" inis ni sabi ni Gel
"Hey! stop na.." awat ko sa kanya, "mamaya mag away away nanaman kayo eh" dagdag ko pa
Natahimik lang kami ng biglang pumasok yung prof namin.
Napapatingin ako kay Gel at halata sa mukha nya na inis parin sya...
Pasaway kasi tong si Tots at Riri..
Napatingin din ako kay Bryle, seryoso din sya..
Concern ka lang ba talaga kay Jema o gusto mo sya?? bakit ayaw mo nalang aminin bro?

BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
أدب الهواةBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito