Jema's POV
Palabas ako ngayon ng airport, kakatapos palang kasi ng duty ko at kakabalik ko palang galing Alaska.
Nag invite si Bryle doon sa bahay bakasyunan nila sa Tagaytay, ang sabi ko sa kanila susunod nalang ako.
Pinasama ko na din sa kanila yung anak ko na si Dwayne..
Dwayne Margus Galanza...
Ang bunga ng nangyare sa amin ni Dean dati..
Alam kong ilang beses akong sinubukang kausapin ni Dean dati, pero mas pinili kong umiwas..
Mas pinili kong umiwas para sa ikabubuti naming dalawa..
Alam kong ikakasal si Dean kay Ivy, at ayaw ko din na ako yung maging sanhi para hindi matuloy iyon, natakot din ako na baka balikan na naman kami ng daddy ni Dean..
May anak na din kaya sila ni Ivy?
Paano kaya kung nalaman ni Dean na nay anak kaming dalawa?
Pero mas mabuti ng hindi nya nalang malaman dahil ayaw ko na ng gulo, ayaw kong masira yung pamilya nila ni Ivy.
Simula nang nalaman kong pumunta na si Dean sa US kasama si Ivy nawalan na ako ng balita sa kanya. Hindi ko na din inalam kahit gustong gusto kong alamin kung ano na bang nangyare sa kanya.
Noong ipinagbubuntis ko si Dwayne natuwa ako, natuwa dahil merong nabuo sa nangyare sa amin ni Dean, naisip ko kasi kahit papaano may naiwang remembrance sakin si Dean na sobrang cute at pogi at aaminin kong kapag nakikita ko si Dwayne parang nakikita ko na din si Dean..
Halos minana nya lahat kay Dean, yung mukha, yung mga hilig, yung kakulitan, yung ka sweetan.. o sige, pati na din yung kasungitan..
Nang makalabas ako sa airport nakita ko si Ed na naghihintay, nang makita nya ako kinawayan nya ako..
Nakangiti akong lumapit sa kanya..
Hanggang ngayon magkaibigan parin kami ni Ed, sinubukan ko dati na makipag date sa kanya para lang makalimutan si Dean pero wala paring nangyare, kaya naman hingi ako ng hingi ng sorry kay Ed dati, pero imbis na magalit si Ed dahil sa ginawa ko mas inintindi nya ako..
"Ed, thank you talaga sa pagsundo mo sakin.. nasa Tagaytay na kasi silang lahat ngayon.." sabi ko kay Ed ng makalapit ako
"Naku! wala yon.. ihahatid lang naman kita sa condo mo eh" sabi nya habang nakangiti
"Hehe, oo magpapahinga lang ako saglit pagkatapos pupunta na ako sa Tagaytay.." sabi ko kay Ed
"Kasama na ba nila yung inaanak ko?" tanong ni Ed sakin, napangiti naman ako
"Oo, pinasama ko na.. pero naku! sana naman wag magpasaway kay Kyla yung batang yon.." sabi ko sabay habang nakahawak sa noo ko
"Hahaha! baka maubusan ng pasensya si Kyla.. manang mana talaga sa tatay yung batang yon.. pero aminin mong mabait yung bata na yon.." sabi nya
"Sobra, pasaway lang kasi yun sa mga ayaw nyang kasama.. pero kapag gusto ka talaga non, magiging sweet sya sayo.." sabi ko, natawa naman si Ed
"hahaha kahit nga ako sinusungitan.. parang nakikita ko tuloy si Dean sa kany.." sabi nya, napangiti ako..
"Kamukhang kamukha nya nga si Dean.." sabi ko
"Uhmm w-wala ka ba talagang balak sabihin kay Dean yung tungkol ay Dwayne?" tanong ni Ed sakin
"Wala.. ok na kaming dalawa ni Dwayne.. at alam kong ok na ok na din si Dean.." sabi ko
"Paano kapag balang araw naghanap ng daddy si Dwayne?" tanong ni Ed, natahimik ako sa tanong nya
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito
