Jema's POV
Huminto kami sa isang kainan dahil nakaramdam ng gutom yung mga kasama namin.
"Bes, ok ka lang?" tanong sakin ni Kyla
"H-Ha? oo naman.. bakit?" tanong ko sa kanya
"Parang umiyak ka?" tanong nya
"H-Hindi ah.. nakatulog lang ako.." sagot ko
"Ahhh.." sabi nya pero parang hindi sya kumbinsido sa sinabi ko
Pumwesto kami sa isang malaking lamesa para sama sama parin kami.
Si Bryle yung umorder kaya naman halos lahat kami nakapwesto na maliban kay Bryle..
Hindi ko alam kung nang iinis ba yung tadhana, dahil kamalasmalasan na nasa harap ko si Dean at Ivy..
"Guys, naka order na ako.. ise-serve na daw after 15 mins.." sabi ni Bryle pagkatapos umupo sya sa tabi ni Jho..
Hindi ko maiwasang mapatingin kila Dean at Ivy na nagbubulungan mismo sa harap ko..
Maya maya dumating na yung pagkaen namin kaya nagsimula na kaming kumaen..
"Na-eexcite ako mag beach! sobrang stress kasi yung training namin!" sabi ni Ces
"Hayaan nyo, mag eenjoy tayo don.." sabi naman ni Bryle
"Oo nga.. hoy wala munang maninira ng bakasyon natin.. kalimutab muna yung nakaraan.." sabi naman ni Tots sabay tingin kay Dean..
Nayuko ako..
Sana ganon lang kadali diba??
"Oo nga, yung room pala natin doon magkakasama sa iisang room yung girls, ganon din sa boys...." sabi ni Bryle
"What?!" gulat na tanong ni Tots, tiningnan sya ni Bryle
"Oh bakit? hahaha may reklamo ka?" tanong sa kanya ni Bryle
"W-Wala.." sabi nya sabay tingin kay Ced, "Hindi pala tayo magkasama sa iisang kwarto love.." sabi nya kay Ced
"Ok lang, nakakasawa na kasi yang pagmumukha mo!" asar sa kanya ni Ced, kaya natawa kaming lahat, napanguso naman si Tots..
Napatingin uli ako kay Dean na busy sa kaka-kaen...
Matakaw parin talaga sya..
Lihim akong napangiti..
"Pasulyap sulyap ka kunwari, patingin tingin sa akin, di ma intindihan ang ibig mong sabihin...." kanta ni Ces kaya napatingin ako sa kanya, nagpipigil sya ng tawa, napayuko ako..
Nakita nya kaya??
"Hahaha! kung mayrong pag ibig ay ipagtapat mo na sa akin, agad naman kitang sasagutin.." pagpapatuloy ni Jho sa kanta ni Ces, tiningnan ko sila ng masama..
Napatingin uli ako kay Dean na para bang walang pakialam sa pang aasar ng mga kasama namin..
"Bakit nga ba mahal kita, kahit di pinapansin ang damdamin ko... lalalala!" kanta naman ni Ced
Napansin kong parang na awkward si Dean kaya tumingin sya kay Ivy, tumingin din sa kanya si Ivy at napatingin sya sa labi ni Dean..
Pinunasan nya yung gilid ng labi ni Dean..
"Adi, para ka talagang bata kumaen.." sabi ni Ivy habang pinupunasan yung gilid ng labi ni Dean..
Nakaramdam nanaman ako ng selos.. may bigla din kasi akong naalala..
"Di mo man ako mahal, ito parin ako, nagmamahal ng tapat sayo, bakit nga ba mahal kita kahit na may mahal ka mang iba lalalala haaaaayyy!!!" kanta din ni Kyla, "Kinakabag ata ako ngayon.." dagdag nya pa sabay tingin sakin..
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito