Part 22

2.4K 58 6
                                    

Dean's POV

Nandito kami ngayon sa Circle ni Jema. Dito ko sya inayang mamasyal dahil nakaka relax lang yung mga puno dito. (Author: Guys, kung hindi nyo po alam yung Circle, yan po ay isang malaking pabilog na park na matatagpuan sa QC, may mga palaruan po dyan, at marami ding puno, basta marami kang pwedeng gawin don. Actually nagiging practice san namin yon ng sayaw noong college kami 😂😂.. maganda dyan.. 😊, minsan malakas sounds dyan kapag gabi heheh)

"Bakit dito tayo nag punta?" tanong ni Jema sakin

"Wala lang, gusto ko lang, nakakasawa na kasi yung puro mall ehh, ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya, umiling naman sya

"Hindi ah, ok nga eh, ang ganda, nakaka relax.." sabi ni Jema

"Bike tayo?" tanong ko sa kanya habang nakangiti

"Sige ba.." sabi nya din habang nakangiti

Nagpunta kami kung saan merong parentahan ng bike.

"Ate, mag rerent ako ng dalawang bike." sabi ko sa babae, tumingin sakin si Jema

"Hindi. Isa lang po ate.. share nalang po kami.." napatingin ako kay Jema ng sabihin nya yon, tumingin din sya sakin.

"Angkas mo nalang ako.." sabi nya

Lihim akong napangiti..

Sya? iaangkas ko? ang sweet non..

"Ito na po Mam/Sir.." sabi ng babae..

Napatingin uli sakin si Jema

"Bakit ka nakangiti?? Kinikilig ka ba?" tanong nya sakin habang nakangiti

"H-Hindi ah.. n-natutuwa lang ako kay ate.." pagsisinungaling ko..

Sumakay ako sa bike, yung binigay samin na bike ng babae yung may upuan sa harap yung aangkas, para hindi masaktan yung pwet ng aangkas..

"Angkas kana Jema, para marami tayong mapuntahan" sabi ko sa kanya

Nakangiti syang umupo sa harap ko..

"Dahan dahan ha.. kapag tayo natumba.." sabi niya sakin, pagkatapoa umupo na sya sa harap ko

"Mag iingat ako, angkas kita eh... ayaw kong masaktan yung babaeng mahal ko.." sabi ko sa kanya

"Dami mong alam" sabi nya sakin, pero halatang nakangiti sya.

Nag start na akong mag pedal ng bike..

"Ang sweet nila hon oh.." rinig kong sabi ng isang babae na nakatingin samin

"Jema, sweet daw tayo.. hehehe" sabi ko sa kanya, narinig kong tumawa sya

"Naniwala ka naman.. haha" sabi nya

"Oo naman.. bakit? Hindi ba sweet para sayo to?" tanong ko sa kanya

"Hmm pag iisipan ko hahah.." sabi nya

"Pag iisipan mo pa?? grabe naman.. ahh basta, sweet na to para sakin.." sabi ko sa kanya, narinig kong tumawa nanaman sya

Trip nanaman ako nito.. Ayaw pa kasing aminin na kinikilig sya..

Hindi pa namin nalilibot yung buong Circle pero ramdam ko na yung pagod ko.. Marami na din kaming nadaanang magagandang lugar..

"Dean? Ok ka lang? Gusto mo magpahinga muna tayo? Baka kasi asthmahin ka nanaman.." sabi nya

"S-Sure.. pahinga tayo.. napapagod na ako" sabi ko sa kanya, huminto kami sa may damuhan at umupo kami doon.

"Nag Enjoy ka ba?" tanong ko kay Jema

"Oo naman, kasama kita eh.." sabi nya sakin, napangiti naman ako

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon