Part 16

2.4K 66 4
                                        

Jema's POV

Napansin kong nakatulog na si Dean, kumuha ako ng upuan pagkatapos dahan dahan ko iyong itinabi sa kama nya saka ako naupo. 

Bakit kaya nagkalagnat ito? Kanina ok pa naman sya eh...

Hinawakan ko yung noo nya para tingnan kung gaano sya kainit. 

Mainit na sya, hindi tulad kanina hindi pa masyado...

Magdamag kong binantayan si Dean, kahit na nakakaramdam na ako ng antok pinipigilan ko dahil baka magising sya at maghanap ng pagkaen, hindi pa kasi siya kumakaen ng dinner. 

1 AM na, nagpangalumbaba ako pagkatapos pinagmasdan ko yung mukha nya. 

Yung totoo, mas nagagwapuhan ako sa kanya kaysa kay Bryle. 

Nitong mga nakaraang araw, medyo naiilang ako sa kanya, hindi ko alam, bigla akong nailang sa kanya simula noong gabi na hindi sya maalis sa isip ko.

Napatingin ako sa labi nya kaya bigla kong naalala yung bigla nya akong hinalikan sa cr dati. Bigla akong napa pout.

"Baka naman matunaw ako dahil sa tingin mo?" nagulat ako ng bigla syang mag salita, 

Shit! gising na pala sya, nakakahiya...

Tumagilid sya ng pagkakahiga para makaharap sakin. 

"Bakit mo ako tinitingnan?" tanong nya

"A-Anong tinitingnan? hindi kita tinitingnan no? nananaginip ka ata??" pagsisinungaling ko

"Haha, nagsisinungaling ka pa, nahuli na nga kita" sabi nya, mahina lang yung boses nya

"Oh bakit bawal ka bang tingnan??" inis na tanong ko

"Hindi naman, pero dapat nakatingin din ako sayo..." sabi nya, "tulad nito, nakatingin ka sakin, tapos nakatingin ako sayo" dagdag nya pa, nakatingin lang ako sa kanya habang nakakunot yung noo ko

Pero....

Tangina naman! bakit ako kinikilig??

"Ganyan ba epekto mo kapag nilalagnat ka?" mahinang tanong ko sakanya, natawa sya ng mahina

"Hindi, pero ganito yung epekto mo sa akin.." sagot nya na mas lalong ikinakunot ng noo ko..

Ano ba? pinag titripan ba ako nito??

"Naka drugs ka ba??" tanong ko sa kanya

"oo kanina, nakita mo pa nga diba?" tanong nya, yung gamot na ininom nya yung tinutukoy nya kaya napa roll eyes ako, 

"ewan ko sayo..." sabi ko, tatayo na sana ako sa kinauupuan ko ng bigla nyang hawakan yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya

"Bakit?" tanong ko

"Dito ka muna.." sabi nya

"Kumaen ka muna.." sabi ko sa kanya, umiling naman sya

"Ayoko, dito ka muna... kwentuhan mo ako, anong pinag usapan nyo kanina ni Bryle?" tanong nya sakin, bumalik ako sa pagkakaupo ko. 

"Wala, kinakamusta nya lang ako" sagot ko

"Tapos?" tanong nya

"Tapos ayun, inaaya nya ako na mag dinner daw kami" sagot ko

"Pumayag ka?" tanong nya sakin

"hindi pa, bakit?" tanong ko sa kanya

"Wala naman, pero papayag ka ba?" tanong nya uli sakin

"Hindi ko pa alam, pero baka... dinner lang naman yon eh" sagot ko

"Gusto mo sya?" tanong niya sakin

"Bakit ganyan yung mga tanungan mo uy.. wag na yan.." sabi ko habang nakakunot yung noo ko

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon