Jema's POV
Tanghali na ng magising kami, Saturday naman kaya ok lang..
"Mga girl! bukas na birthday ni Dean.. may mga susuotin na ba kayo?" tanong ni Jho, nasapo ko naman yung noo ko..
Oo nga pala.. wala pa akong susuotin..
"Bakit Jema??" tanong ni Ced sakin
"Kasi, wala akong susuotin bukas.." sabi ko sa kanila
"Gusto mo pahiramin kita bes?" tanong ni Kyla sakin
"N-Nakakahiya naman.." sabi ko
"Ano ka ba.. alangan namang wala kang masuot bukas.." sabi ni Kyla
"Oo nga naman Jema.. dapat nga ikaw yung pinakamaganda don, kasi birthday ng boyfriend mo.. ayyyiieee! haha" panunukso sakin ni Ced
Natawa ako habang naiiling..
"Nahihiya nga ako ehh.." sabi ko
"Tao po..." sabay sabay kaming napatingin sa pinto, naglakad palapit doon si Kyla at binuksan yung pinto.
"Yes po?" rinig tanong ni Kyla
"Uhm, delivery po para may Ms. Jessica Margarett Galanza..." sabi ng lalaki, napakunot noo naman ako at lumapit na ako sa kanila
"Ano po yun?" tanong ko sa lalaki
"Ms. Galanza po?" tanong ng delivery boy
"Yes po, ako nga.." sagot ko
"Paki-receive nalang po nitong item.." sabi ng lalaki, hawak hawak nya yung malaking kahon, mas lalo akong nagtaka..
"Wait kuya, wala naman akong order.." sabi ko
"Uhmm pinadeliver po ni Mr. Wong.. para daw po sa mahal nya.." sabi ng delivery boy habang nakangiti, nagkatinginan kaming dalawa ni Kyla, nagsilapit na din yung mga kasama ko para makiusisa..
Kinuha ko yung malaking box at pinirmahan ko yung receiving copy ng delivery boy..
"Thank you Mam.." sabi ng lalaki sabay alis..
Napatingin ako sa mga kasama ko..
"Ano yan girl? baka bomba hahah!" sabi ni Ces
"Gaga.. galing nga daw kay Dean.." sabi ni Jho
"Bes, buksan mo kaya.." sabi naman ni Kyla..
Pumunta ako sa sofa, sumunod naman sakin yung mga kaibigan ko, ipinatong ko yung malaking box sa sofa, pagkatapos binuksan ko iyon..
Napanganga ako sa nakita ko...
"Woww...!" namamanghang sabi ng mga kaibigan ko
Isang black dress, sobrang ganda nya.. meron ding kasamang sandals at mga alahas..
Kinuha ko yung letter na nakalagay doon..
Hi B,
Please wear this dress tomorrow.. I love you and I miss you!
See you tomorrow!
Dean
Napangiti naman ako..
"Grabe.. ang bongga... sweet naman ni Dean.. mukhang mamahalin itong dress nato.. sukatin mo bess.." sabi ni Kyla, sinunod ko naman siya
Pumasok ako sa kwarto ko at sinukat iyon.. Nang maisuot ko iyon, napangiti ako..
Talagang fit na fit.. alam na alam nya kung anong sukat ng katawan ko..
Sinuot ko din yung sandals..
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito