Part 14

2K 65 2
                                    

Jema's POV

Nang makalabas na si Dean sa CR, napatingin ako sa kanya.

Bat parang kahit anong damitin nito bumabagay sa kanya?

"Nandyan na ba si Manong Ruben?" tanong nya sakin

Oo nga pala, plano namin ni Manong Ruben dito matutulog si Dean, kaya ang alam ko hindi na babalik yon, bukas na sya makaka balik.

"Ano, wala pa eh" sagot ko

"Ha?" nagtatakang tanong nya, tumungin sya sa relo nya, "Anong oras na ha.." sabi nya

"Baka bukas na sya makakabalik dito? dito ka muna kaya matulog? sabay nalang tayo bumalik sa Manila bukas?" tanong ko sa kanya, napakunot noo naman sya

"N-Nakakahiya naman.." sabi nya

"Ok lang yan, hindi ka din papauwiin nila Mama.." sabi ko

"S-Sure ka?" tanong nya

"Oo nga, halika na, baba na tayo don" aya ko sa kanya, sumunod naman sya sakin 

Nang makarating kami sa sala namin, naupo sya sa sala.

Maya maya biglang pumasok si Mafe na may dalang cards.

"Kuya Dean, naglalaro ka nito?'" tanong ni Mafe kay Dean

"Cards? oo naman.." sabi nya habang nakangiti

"Laro tayo tong its.." sabi ni Mafe

"Sige.. ang matalo papahidan ng lipstick sa mukha.." sabi ni Dean,

Mukhang maganda yung laro nila, gusto kong sumali..

"Sali ako.." sabi ko sa kanila

"Osige, basta galingan mo lang.." sabi ni Mafe sakin

"Yabang ha.. bakit magaling ka ba dito??" tanong ko sa kanya

"Naku! easy.." pagyayabang ni Mafe

Umakyat si Mafe sa taas para kumuha ng lipstick. Nang makabalik sya nag start na agad kami.

Habang naglalaro kami, tawa kami ng tawa kasi sobrang dami ng lipstick sa mukha ni Mafe..

"Ano? easy ka pa dyan ha.. tingnan mo mukha ka ng clown! hahah!" asar ko sa kanya, tawa na din ng tawa si Dean.

Ngayon ko lang sya nakitang tumawa ng ganito, ang sarap nyang tingnan habang tumatawa sya.

"Ate! game na! tinitingnan mo pa si kuya Dean eh, mamaya matunaw yan.. babawi talaga ako sa inyo!" sabi nya, napatingin sakin si Dean

"Haha! tinitingnan mo pala ako ha!" pang aasar nya sakin, "baka ma fall ka ha.." dagdag nya pa, napa irap naman ako

"Asa! tinitingnan ko lang yung mukha mo, tinitingnan ko kasi kung saan ba magandang maglagay ng lipstick kapag natalo ka!" sabi ko

"Hahaha! asa ka pa.. hinding hindi madudumihan tong mukha ko.. magaling ako dito eh.." pagyayabang nya

"Yabang..." irap ko sa kanya

"Oh, ano? maglalaro pa ba tayo o mag aasaran nalang kayo dyan?" tanong ni Mafe samin

"Maglalaro syempre...!" sabay kaming nagsalita ni Dean 

Masaya yung naging laro namin hanggang sa matapos kami.

Nakatingin samin ni Mafe si Dean habang natatawa.

"Ppfftt! hahahahaha! ang cute nyo! hahaha!" asar nya samin, pano ba naman kasi, halos mapuno ng lipstick yung mukha namin ni Mafe, samantalang yung mukha nya ang linis linis parin..

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon