Dean's POV
Maaga akong nagising, pero hindi pa ako lumalabas ng kwarto, nahihiya kasi ako kila Tito.
"Gising kana ba?" napaupo ako ng nakita ko si Jema..
"Uhm, o-oo.." utal na sagot ko sa kanya, hindi ako makatingin ng deretso sa kanya, baka kasi galit parin sya hanggang ngayon..
Nakita kong dumeretso ng CR si Jema kaya naman nakahinga ako ng maayos..
Ano ba Dean? suyuin mo lang... mawawala din galit nyan..
Maya maya, lumabas na si Jema sa CR, lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
"B, galit ka pa sakin? wag ka ng magalit please.." sabi ko sa kanya, kumalas sya mula sa pagkakayakap ko
"Oo na, kapag inulit mo pa yon hindi na kita papansinin kahit kailan" sabi nya sakin, napangiti naman ako
"Promise B.." sabi ko
"Tara na, naka ready na yung almusal.." aya nya sakin, "B, nagpaalam kana ba sa inyo?" tanong nya sakin habang naglalakad kami pababa
"Hindi pa, wait itetext ko si Manong Ruben" sagot ko, kinuha ko yung phone ko at tinext ko si Manong Ruben
Nang matapos kong itext si Manong Ruben, sumunod na ako kay Jema sa baba.
Nang makababa ako napatingin sakin sila Tito Jesse at Tita Fe, ganon din yung dalawang kapatid ni Jema.
"Oh, iho, kaen tayo.. kakagising mo lang ba?" tanong sakin ni tito
"G-Good Morning po.. opo kakagising ko lang po." sagot ko
Tumabi ako kay Jema, agad nya namang nilagyan ng pagkaen yung plato ko.
"Thank you.." sabi ko sa kanya
Habang kumakaen kami, napapansin kong patingin tingin sakin ni tito..
"Iho, pwede mo ba akong samahan mamaya?" tanong sakin ni Tito
"Oo naman po tito, pwede po..." sagot ko
"Pa, saan po kayo pupunta?" tanong ni Jema
"Basta wag kang mag aalala, babalik lang kami.." sabi ni tito kay Jema, tumingin muna sakin si Jema, tinanguan ko naman sya at lihim kong hinawakan yung kamay nya sa ilalim ng lamesa..
Nang matapos kaming kumaen, nagpaalam muna ako kay Jema, pagkatapos sumunod ako kay tito sa labas, sumakay sya sa isang luma at maliit na jeep, sumakay ako sa tabi nya.
Nag simula ng mag drive si tito.
"Tito saan po tayo pupunta?" tanong ko sa kanya
"Wala lang, ililibot lang kita dito samin.. saka gusto din kitang makausap Dean.." sabi ni tito, napatingin ako sa kanya at napalunok, kinabahan din ako dahil sobrang seryoso yung mukha ni tito..
"A-Ano po yun tito?" tanong ko sa kanya
"May namamagitan ba sa inyong dalawa ng anak ko?" diretsong tanong nya
B-Bat parang ang lalim naman ata?
"P-Po? a-ano pong ibig nyong sabihin?" tanong ko sa kanya
"Alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin Dean, matalino ka naman diba?" seryosong tanong ni tito sakin, napayuko naman ako
"S-Sorry po.." sabi ko sa kanya
"Kayo na ba ng anak ko?" tanong nya ng hindi tumitingin sakin
"O-Opo tito.." sagot ko
"At ikaw din yung dahilan ng biglaang pag uwi nya kagabi at pag iyak nya, tama ba ako?" tanong nya uli sakin
"O-Opo tito.. sorry po.. k-kasalanan ko po, h-hindi ko po sinasadyang masaktan si Jema.. mahal na mahal ko po siya.." sincere na sabi ko kay tito
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito