Part 43

1.6K 52 6
                                    

Dean's POV

Pagkatapos naming mag meeting nila Bryle agad naming inasikaso yung mga requirements para sa pag bubukas namin ng firm..

Syempre mahirap, malaki din yung gastos, pero suportado kami ng daddy ni Bryle kaya naman napapabilis ang lahat..

Nagsarado na rin yung Sachi Ramen House ko, pero syempre nagbigay din ako ng tulong sa mga empleyado ko na nawalan ng trabaho..

Si Jema naman nag simula na syang mag online selling, kaya pagkatapos ng training nya deretso sya sa condo para makapag online selling sya.. Marami ding bumibili sa kanya..

Nakaupo ako ngayon dito sa isang restaurant, nagpapalipas ng oras dahil hinihintay kong matapos yung training nila Jema..

"Dean?" napalingon ako sa tumawag sakin

"A-Ate Jov..." tawag ko din sa kanya

"OMG! hindi kita nakilala.. anong nangyare sayo? parang pumayat ka?" tanong nya sakin, napatingin ako sa katawan ko..

Napansin ko din yon..

Yumakap at bumeso ako sa kanya.. Sa nangyare samin dati ni Ate Jov mukhang nawala na yung awkward..

Umupo sya sa harap ko..

"Kamusta kana? bakit parang pumayat ka?" kunot noong tanong nya sakin, alam kong nag aalala sya sakin, napangiti ako

"Stress, ang daming iniisip.. ikaw? kamusta kana?" tanong ko sa kanya, pero hindi nya pinansin yung tanong ko

"Stress? Bakit may problema ka ba? K-Kayo pa ba ni Jema?" tanong nya sakin, ngumiti ako at tumango

Kinuwento ko sa kanya yung mga nangyare at halatang nabigla sya..

"Hindi ko maimagine na gagawin sayo ni Tito yun.." sabi ni Ate Jov

"K-Kahit ako din.. pero kayang kaya namin to ni Jema.. alam kong parehas kaming lumalaban.." sabi ko

"Sana... hindi ko alam kung maiinis o maawa ako sayo... pero bilib din ako sa pagmamahalan nyo ni Jema.." sabi nya sabay ngiti

"Eh ikaw? mukhang mas lalo kang gumaganda ngayon ah.. may boyfriend kana nuh?" tanong ko sa kanya, ngumiti sya

"Oo, actually kasama ko sya ngayon, papakilala kita.." sabi nya, napangiti ako.. nagpalinga linga sya na parang may hinahanap..

"Nasaan na ba yon?" tanong nya sa sarili nya, nakatingin lang ako sa kanya

"Masaya ako para sayo, kitang kita ko na masaya ka ngayon..." sabi ko sa kanya kaya napatingin sya sakin

"Alam mo parang nagiging madrama kana ngayon! Eh dati ang yabang yabang mo pa.." irap nya sakin kaya natawa ako, "Ayun sya.. Babe, dito.." tawag nya sa isang lalaki

Matangkad, gwapo...

"Jhonvic, si Dean, kinabaliwan ko dati haha!" sabi ni Ate Jov at natawa ako sa sinabi nya, natawa din si Jhonvic, mukhang kwela din sya..

"Hi Dean, kamusta bro..! kaya ka pala nabaliw babe kasi gwapo naman pala kasi.." sabi ni Jhonvic, kinamayan ko sya habang nakangiti

"Oo, kaso sya baliw sa mahal nya ngayon.." sabi ni Ate Jov, tumabi sa kanya si Jhonvic

"Kumaen kana ba Dean?" tanong ni Jhonvic

"Haha nag coffee lang ako.." sagot ko sa kanya, tumango naman sya

"Kaen tayo.." sabi nya

"Sure pero konte lang ha, sasabayan ko kasi si Jema.." sabi ko

"Ok.." tipid na sabi nya pagkatapos tumawag sya ng waiter at nag order..

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon