Dean's POV
4 months na ang nakakalipas.
November, birthday month ng mahal ko..
Natapos na din yung sembreak namin, pero hindi natuloy yung ipinangako kong bakasyon kay Jema dahil ilang araw syang nilagnat. Nang gumaling naman sya nagpaalam sya sakin na mag tatrabaho sya para daw makapag ipon sya ng pang training sa pagiging FA nya, pumayag naman ako dahil ayaw kong ako yung maging hadlang sa mga pangarap nya, pero dahil sa trabaho na yon madalang kaming nakakapag date ni Jema, pero mas pinili kong intindihin sya at suportahan.
Pumasok si Jema bilang tindera ng sushi sa mall, Saturday at Sunday yung schedule nya sa pag pasok. Paminsan minsan inuubos ko yung tinda niya kapag sya yung naka duty para naman makauwi sya ng maaga at ng makapag aral, pero hindi nya alam na ako yung pumapakyaw non dahil iba yung pinapabili ko, alam ko kasing magagalit sya dahil nag aaksaya ako ng pera.
Sa 4 months na nakalipas, marami akong ginawa na hindi alam ng mga kaibigan, pamilya kahit na si Jema.
Gamit ng naipon kong pera, bumili ako ng sarili kong condo, sasakyan, at nag bukas din ako ng isang maliit na business, isang ramen house.
Sachi Ramen House...
Bakit ko ginawa iyon??
Tulad nga ng sinabi ko dati, kailangan kong paghandaan yung darating na pagsubok samin ni Jema, ayaw kong mahirapan kami kapag nangyare iyon.
Natutuwa ako dahil sobrang lakas ng kita ng business ko, alam kong kayang kaya ko ng buhayin si Jema kapag nagkapamilya kami ng walang nakukuhang tulong mula sa pamilya ko kahit piso.
"B, matagal ka pa ba dyan?" tanong ko kay Jema, nandito kasi ako ngayon kung saan sya nag tatrabaho, inaya ko kasi syang mag date ngayon dahil monthsary namin, mabuti nalang at pumayag sya basta daw maubos ng maaga yung tinda nya..
Maaga pa nandito na ako, kaso nabagot na talaga ako kakahintay sa kanya.
"B, wait lang, kailangan kasi maubos itong tinda ko ngayon.. kanina ko pa sinasabi sayo diba.." sabi ni Jema, napanguso naman ako
Napatingin ako sa relo ko.
1 PM.. ilang oras na akong nag hihintay ngayon.. 10 PM nandito na ako...
Binilang ko kung ilang sushi tray pa ang natitira..
Apat nalang... Alam ko matagal tagal pang ma benta to kahit apat na piraso nalang..
Biglang may pumasok na idea sa utak ko..
Kinuha ko yung phone ko at nag chat ako kila Bryle, Tots, Riri at Gel, iisa lang din yung message ko sa kanila.....
📱📱📱📱📱📱
To: Bryle, Tots, Gel, RiriBro.. sushi or me?
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito