Jema's POV
Pinapanood ko si Dean habang naglalakad sya palayo..
Sorry Dean, yun lang talaga yung masasabi ko sayo sa ngayon..
Nagbabanta na naman na pumatak yung luha sa mga mata ko..
Nagmadali akong maglakad palayo para mailabas ko ito..
Habang naglalakad ako sa buhanginan naalala ko yung nangyare dati kung bakit dumating ako sa punto na nagdesisyon akong hiwalayan si Dean..
Nagsimula na akong umiyak..
Flashback...
Pagod na pagod na yung katawan at isip ko dahil sa kaka training, idagdag mo pa yung pag o-online selling hanggang madaling araw kaya naman kulang na kulang ako sa tulog.
"Bes.. sobrang haggard kana.. ok ka pa ba?" tanong sakin ni Kyla, pilit akong ngumiti
"Ok lang ako.." sagot ko, biglang nag ring yung phone ko..
Si Mama...
Tumingin ako kay Kyla...
"Bes, wait lang ha.. si mama kasi tumatawag.." paalam ko kay Kyla, tumango naman sya
Nang makalayo ako sinagot ko na iyon..
"Ma, bakit po kayo napatawag?" tanong ko
"N-Nak.. p-pasensya na ha.. naistorbo ka ba ni mama sa training mo?" tanong ni mama sakin
"Hindi naman po Ma, naka break po kami ngayon.. bakit po kayo napatawag? May problema po ba?" tanong ko kay Mama
Narinig kong humihikbi si mama..
"M-Ma?" tawag ko sa kanya, nakaramdam na ako ng pag aalala, "Ma? pinag aalala nyo po ako, may problema ba?" tanong ko
"N-Nak, may pera ka ba dyan? hik, n-natanggal kasi kami ng papa mo sa school.. h-hindi namin alam kung bakit.." kwento ni Mama, naawa ako kay Mama dahil sa sinabi nya
"Ma' bakit daw kayo tinanggal?" nag aalalang tanong ko
"Hindi ko din alam nak" sagot nya habang umiiyak, "Ang ipinagtataka ko din halos lahat ng ina-applyan namin ng papa mo walang tumatanggap.." dagdag nya pa.. napalunok ako dahil sa sinabi nya.. napahawak ako sa noo ko
"Ma' meron po akong ipon, ipapadala ko po sa inyo mamaya.." sabi ko
"Salamat nak, hik! pasensya kana.. alam kong kailangan mo yang naipon mo.." sabi nya habang umiiyak..
"Ma' ok lang po.. k-kayo po yung mahalaga sakin ngayon.." sabi ko, pinipilit kong wag umiyak dahil ayaw kong panghinaan yung mama ko, alam ko kasi kapag narinig nyang umiiyak ako mag aalala sya..
"Sige Nak, hintayin namin padala mo ha.. hayaan mo babawi si mama.." sabi nya
Nang matapos kaming mag usap napaupo ako at nag simulang umiyak...
Alam ko kung sino ang may pakana nito... ayaw ko mang pagbintangan siya pero siya talaga yung naiisip kong pwedeng gumawa nito..
Tinanggal yung magulang ko sa trabaho ng walang dahilan.. hindi din matanggap sa ibang skwelahan..
Kung sa tingin nyang susukuan ko si Dean ng dahil sa ginawa nya nagkakamali sya... Katulad ng pangako ko sa anak nya hinding hindi ko sya susukuan..
Kinahapunan, agad kong pinadala kay mama yung pera ko..
Nang makauwi ako sa condo, nakita ko si Dean na tulog sa sofa habang nakaupo..
Tumabi ako sa kanya at hinaplos yung buhok nya..
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito