Dean's POV
Magkakasama kami dito sa cafeteria ngayon nila Riri, Tots, Bryle, Carly, Sati, at Alina habang kumakaen, nagkukwentuhan lang din kami.
Nagulat ako ng biglang ilagay ni Carly sa plato ko yung siomai kaya napatingin ako sa kanya, nginitian nya lang ako. Napatingin ako kay Gel na nakatingin saming dalawa, pagkatapos ibinalik ko yung tingin kay Carly
"Carly naman, binili ni Gel to para sayo" sabi ko habang naka kunot noo
"Ano ka ba, ok lang yan, diba Gel?" tanong ni Carly kay Gel
"A-Ahh Oo, o-ok lang.." sabi ni Gel, sabay yuko
"Eheeemm!" ubo ni Tots, sinamaan ko sya ng tingin
Wala akong magawa kundi ang tanggapin yung siomai na binigay ni Carly sakin.
"Dean, may tanong ako" sabi ni Carly kaya tumingin ako sa kanya
"Ano yun?" tanong ko, nakikinig lang samin yung mga kasama namin
"S-Sino yung personal maid mo?" tanong ni Carly
"Ahh si Jema" sagot ko, pagkatapos binalingan ko uli yung kinakaen ko
"Sino yun?" tanong nya
"B-Basta, hindi mo kasi kilala yon" sagot ko
"Pakilala mo sakin..." pangungulit nya sakin
"Ok, next time..." sagot ko
"Carly" tawag ni Bryle kay Carly
"Yes?" tanong ni Carly
"May gusto ka ba kay Dean?" halos mabulunan ako dahil sa tanong ni Bryle kay Carly, narinig kong tumawa yung mga kasama namin maliban kay Gel.
"cough! cough! eehheeeeerrmmm! Bryle naman! bakit ganyan yung tanong mo?" inis na tanong ko
Alam kong may gusto sakin si Carly, pero harap harapan talaga yung pag tanong??
"hahaha why? I'm just asking..." sabi nya habang nakataas yung kilay, tumingin uli sya kay Carly
"Carly ano na??" tanong uli ni Bryle, napatingin ako kay Carly, namumula sya. Kabado naman na tumingin sakin si Carly
"U-Uhmmm ano ba k-kayo, nakakahiya k-kay Dean" utal na sabi nya
Maya maya may naka agaw ng atensyon ko, kaya hindi ko na narinig yung mga sumunod na sinabi ni Carly.
Si Jema, kasama nya yung mga kaibigan nya habang bumibili ng pagkaen.
Nakita ko syang nakangiti kaya napangiti ako, parang nag slow mo yung mga galaw nya, maya maya may lumapit sa kanilang isang lalaki at kinausap si Jema, nginitian nya ito, ramdam ko yung pag salubong ng kilay ko..
Sino yon??
"Yownnn!! yuhoooo! ayon naman pala kasi Dean!! hahaha sabi ko na ehh!" nagulat ako sa sigaw ni Tots kaya natauhan ako at napatingin ako sa kanila
H-Haaa???
"W-What?? ano yun??" nagtatakang tanong ko, natawa naman sila Bryle
"Sus! si Dean, kunware hindi narinig eh nakangiti ka nga habang sinasabi ni Carly yon ehh..." sabi ni Riri
Nakangiti?
Nagtataka parin ako, tumingin ako kay Bryle na natatawa..
"Ano ba kasi yon? sorry hindi ko talaga narinig..." kunot noong tanong ko habang nagkakamot sa ulo
"Sabi ni Carly may----" si Tots yan
"Ehem!!! Excuse me...." sabat ni Gel kaya napatingin kami sa kanya, at ang seryoso ng mukha nya, "m-may p-pupuntahan lang ako, mauna na kayo sa room.." sabi nya pagkatapos naglakad na sya palayo, tumingin ako kay Carly at namumula yung pisngi nya..
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito