Part 46

1.7K 54 26
                                    

Jema's POV

Tatlong buwan na yung nakakaraan simula ng huli kaming magkita ni Dean..

Ano nga bang nangyare?

Kaya ko pa sanang ilaban si Dean, kaso nadamay na yung family ko, pati na rin yung pangarap kong maging FA..

Sobra akong nasaktan sa naging desisyon ko, yung kailangan kong i-sacrifice..

Halos isang buwan din akong nag iiyak, saksi yung mga kaibigan ko doon..

Hindi ko kinuwento sa kanila yung nangyare dahil ayaw kong maging pangit yung tingin nila sa parents ni Dean, pero kahit hindi ko sabihin alam kong alam nila kung bakit ako humantong sa ganong desisyon..

"Huy!" nagulat ako dahil biglang sumulpot sa likod ko si Ed

"Ed, nandito ka pala" sabi ko sa kanya

Nandito kasi kami sa Philippine Airlines, start na kasi ng training namin dito..

"Hahah! wala lang may biglaang flight lang kasi ako papuntang america, galingan mo yung training ha.." sabi nya sakin habang nakangiti, inirapan ko sya

"Oo na.. babalik ka dito bago yung party kila Bryle ha.. ikaw partner ko dun.. sa Saturday na ng gabi yon..." sabi ko sa kanya

"Hay! Ganito nalang siguro yung papel ko sa buhay? yung maging partner lang?" tanong nya habang naka cross arm.. "Bakit kasi hindi nalang maging tayo?" tanong nya sakin

"Alam mo naman diba??" tanong ko din sa kanya

"Hay! Oo na.. alam kong sya parin.." sabi nya

Oo, kahit kailan hindi naging kami ni Ed, tinulungan nya lang ako dati para mahiwalayan ko si Dean..

Aaminin kong hanggang ngayon si Dean parin yung mahal ko, hindi naman kasi ganon kadaling kalimutan iyon..

"Bye Jema, don't worry, babalik ako para maging partner mo.." sabi nya, kumaway lang ako sa kanya

Maya maya nakita ko sila Kyla..

"Bes, bilisan na natin, maliate tayo sa training eh.." sabi nya

"Hala, kanina pa ako nag hihintay sayo dito.." sabi ko sa kanya

Pumasok na kami sa loob ng training room..

Halos maghapon din kaming busy at pagod..

Ang hirap talaga maging FA, pero kayang kaya naman..

Habang nagpapahinga ako nakarinig ako ng music..

🎶From this moment
Life has begun
From this moment
You are the one
Right beside you
Is where I belong
From this moment on🎶

Bigla kong naalala si Dean... Naalala ko yung masasayang nangyare samin noong kasama ko pa sya..

🎶From this moment
I have been blessed
I live only
For your happiness
And for your love
I'd give my last breath
From this moment on🎶

Naramdaman kong nangilid yung luha ko kaya agad kong pinunasan iyon...

🎶I give my hand to you with all my heart
I can't wait to live my life with you
I can't wait to start
You and I will never be apart
My dreams came true because of you🎶

Kamusta na kaya sya??

Sumasagi parin ba ako sa isip nya??

Yung totoo namimiss ko na sya, yung ngiti nya, yung way kung paano nya ako tingnan, namimiss ko na syang hawakan..

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon