Part 25

2.1K 46 2
                                        

Jema's POV

Friday...

Nandito kami ngayon sa room namin at nakikinig sa  prof namin.

"Hay! nakakaboring naman.." rinig kong bulong ni Jho

"Jema, magkikita ba kayo ngayon ni Dean? Kahapon hindi kayo nagkita ha.." bulong sakin ni Jho

"H-Hindi ko alam.. wala naman syang sinabi.." sagot ko

"Hala! boyfriend mo ba talaga yon?! Napapansin kong ilang araw na nyang kasama yung Jov na yun ha.. mga dalawang araw?? nung una pumayag ka.. tapos kahapon hindi kayo nag kita kasi may biglaang lakad silang dalawa.. tapos ngayon hindi mo alam kung magkikita kayo? girl, magtaka ka na.." bulong uli sakin ni Jho

Humigpit yung pagkakahawak ko sa ballpen na hawak ko.

Kahit ako din naman naiinis na, kahapon umalis sya ng walang paalam.. Noong una ok pa sakin kasi nagpaalam sya..

"Kung ako sayo paprangkahin ko na yang boyfriend mo.. sino ba talaga yung girlfriend sa inyong dalawa ng Jov na yon?" tanong sakin ni Jho

"Oo nga Jema, hindi na tama yun, kakasimula nyo palang eh" bulong naman ni Kyla

"K-Kakausapin ko sya mamaya, makinig nalang kayo sa prof, baka mapagalitan tayo.." seryosong sabi ko, hindi nalang sila umimik..

Maghapon akong lutang dahil sa kakaisip kay Dean..

Last subject na namin, gusto ko ng mag uwian dahil gusto ko ng makita si Dean..

"Ok class, see you tomorrow.." rinig kong sabi ng prof namin..

Pagkarinig ko non, dali dali akong tumayo at nag ayos ng gamit..

"Hala si Jema, nagmamadali haha" sabi ni Kyla

"Ano ka ba, excited yang makita si Dean" sabi ni Jho

Hindi ko nalang sila pinansin, nang maligpit ko na yung gamit ko, naglakad ako palabas, sumunod naman sakin sila Jho..

"Guys, sa parking na daw natin sila hintayin.." sabi ni Jho

Nang malapit na kami sa parking may tumawag sakin..

"Jema..." sabay sabay kaming napalingon

Si Ed uli..

Nakangiti syang lumapit samin..

"Oy Ed, kamusta? san lakad mo?" tanong ni Jho sa kanya

"Wala, hehe aayain ko sana si Jema sa mall.." sabi nya sabay tingin sakin

"Ha? Naku, hindi yan papayag..." sabi ni Kyla, nawala yung ngiti ni Ed

"B-Bakit?" tanong ni Ed

"Uhm... sorry Ed ha.. next time nalang.." sabi ko, tumingin sakin si Ed na para bang nagtataka

"B-Bakit? may lakad ka ba ngayon? sama naman.." sabi nya

"Naku Ed, hindi pwede.. kikitain nya kasi yung boyfriend nya.." sabat ni Kyla, biglang nawala yung ngiti ni Ed

"M-May boyfriend kana?" tanong nya sakin, dahan dahan akong tumango habang nakatingin sa kanya

"S-Sino??" tanong nya, nakita ko yung pamumula ng mata ni Ed..

Tama ba tong nakikita ko? Bakit parang nasaktan sya??

"Ako bakit?" narinig ko yung boses ni Dean mula sa likuran ko kaya napalingon ako sa kanya.

Magkasalubong yung kilay nya habang nakatingin kay Ed..

Nagpalipat lipat yung tingin namin kay Dean at Ed..

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon