Part 59

2.6K 86 94
                                    

Jema's POV

"Kyla! nahanap nyo na ba-----" natigilan ako ng tumama yung mata ko sa taong matagal ko ng hindi nakita.

Nakatingin din sya sakin ngayon.

Sobrang bilis ng ng tibok ng puso ko, halo halo yung nararamdaman ko..

Kaba..

Takot..

Pangangamba..

Sige, isama na din natin yung saya dahil nakita ko uli sya pagkatapos ng ilang taon..

Lumapit sakin si Kyla..

"Bes, bakit ba hindi mo sinasagot yung tawag ko?!" tanong ni Kyla sakin pagkatapos inilapit nya yung bibig nya sa tenga ko, "sasabihin ko sana na nandito si Dean, sabi ko sa kanya kanina anak ko si Dwayne, siya kasi yung nakakita sa anak nyo.." bulong nya sakin

"Naiwan ko kasi yung phone ko.." bulong ko din sa kanya

Nakatingin parin ako kay Dean, ganon din naman sya sakin..

Sa ilang segundo na nakatingin ako sa kanya ang dami ko ng napansin sa kanya..

Mas lalo syang pumogi sa itsura nya ngayon, lumaki na din yung katawan nya, pumuti din sya ng konte..

"E-Ehemm!!! J-Jema, nandito kana pala! k-kanina ka pa namin hinihintay" utal na sabi ni Bryle

"A-Akalain mo yun! nakumpleto tayo ngayon!" sabi naman ni Riri sabay akbay kay Dean

"Mommmyyy!!!" sigaw ni Dwayne kaya napatingin ako sa kanya, hawak hawak nya yung kamay ng isang batang babae habang tumatakbo palapit sakin, napatingin ako kay Dean at halata sa mukha nya yung pagkagulat, ibinalik ko uli yung tingin ko kay Dwayne ng makalapit sya sakin, umupo ako para magpantay yung ulo namin..

"Anak, balita ko nagpasaway ka nanaman kay tita Kyla mo.. hindi mo ba alam na sobra akong nag alala ako sayo?" kunot noong sabi ko, napayuko naman sya

"Sorry po mommy.. ang t-tagal mo po kasi.." sabi nya habang nakanguso

"A-Anak mo?" tanong ni Dean sakin, pero hindi ko sya pinansin

Narinig na ngang anak ang tawag eh! Magtatanong pa...

"Bro, narinig mo naman ata... haha 'anak' daw.." asar sa kanya ni Gel

"ANAK" nilakasan ko yung salitang yon para mas marinig ni Dean, "Sino sya?" tanong ko kay Dwayne, yung batang babae yung tinutukoy ko

"girlfriend ko po..." sagot ng anak ko na ikinalaki ng mata ko dahil hindi ako makapaniwala na ayun yung sasabihin nya..

"W-What?!!" sabay naming tanong ni Kyla

"Pppppffffttttt!!!!" pagpipigil ng tawa ni Tots, Angel at Riri

"Hahahah!" tawa naman ni Bryle at Gel

"Gosh!" reaction naman nila Jho, Carly, Ced at Ces

"Dwayne, ang bata bata mo pa!" sermon ko sa anak ko

"Mommy, she's my girlfriend.. meaning friend na girl..." paliwanag sakin ng anak ko

Wwoohh!! kinabahan ako dun ah..

Teka, kanino bang anak tong babaeng to??

Lumapit yung batang babae kay Dean, pagkatapos hinawakan yung kamay nya..

"Dada.." tawag nya kay Dean, tumaas yung isang kilay ko..

So, anak nya to? Sabagay kamukha ni Ivy...

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon