Part 20

2.3K 45 1
                                    

Tots POV

Kanina pa ako nag hihintay kay Ced dito sa Mall.

Parang 3 hours na akong nag hihintay. 

Mukhang hindi ako sisiputin non ah..

Pumayag na syang makipag date sakin eh, tapos babawiin nya..

Flashbacks..

Nakita ko si Ced dito sa library..

Aba, ayos ha.. nag aaral pala to ng maayos? haha..

Maalala ko nga pala, may date pala kami bukas.. maipapaalala nga sa kanya..

Lumapit ako sa kanya..

"Hi Ced.." bati ko sa kanya, tumingin lang sya sakin at tipid akong nginitian. 

"Hala! uso mag hi back.." sabi ko habang nakasunod ako sa kanya, sya naman patuloy lang yung pag hahanap ng books..

"Ced.. hey! I'm here..." sabi ko sa kanya, kaso hindi nya parin ako pinapansin..

Snobbers amps.. dami daming nagkakagusto sakin dito, buti nga pinapansin ko pa sya..

Pumunta ako sa harap nya

"Hello...." bati ko uli sa kanya, napangiwi naman sya

"Ano bang kailangan mo?" tanong nya

"A-Ano.... ehemm! bukas ha.. date tayo, nag ok kana eh.." sabi ko sa kanya

"H-Ha? ako nag ok? hindi naman eh" kunot noong sabi nya, napanganga naman ako, maglalakad na sana sya kaso humarang ako sa kanya

"Hey! wag ka ngang talkshit.. nag ok ka sakin nung hinatid kita... remember??" sabi ko sa kanya, umiling sya at kumuha ng books

"Wala akong sinabi na pumapayag ako ah..." pagmamaang maangan nya..

Aba! Aba!!

Dahil sa inis ko, inagaw ko yung books na hawak nya at kinorner ko sya sa may bookshelves, halatang nagulat sya..

Napatingin ako sa left and right, pagkatapos tumingin ako sa mga mata nya..

"Makikipag date ka sakin o hinde??" seryosong tanong ko sa kanya

"Hindi.." sagot nya

"Makikipag date ka sakin OO o hinde??" tanong ko uli sa kanya, napansin kong napalunok sya.

"Hindi nga sabi eh.." inis na sabi nya, napatingin ako sa labi nya

"Gusto mong halikan kita dito?" tanong ko sa kanya, biglang lumaki yung mata nya, tinakpan nya yung bibig nya at umiling sya, "Ayaw mo pala eh, makikipag date ka o hindi??" tanong ko uli

"O-Oo na! kainis naman eh! alis nga dyan!" inis na sabi nya, pagkatapos tinabig nya yung kamay ko, pero hindi nya natabig iyon dahil mas lalo kong tinibayan, natawa ako..

"Trinoma ha... hihintayin kita don sa may malapit sa sinehan.." sabi ko

"Oo na! alis na nga dyan!" kunot noong sabi nya, inalis ko yung kamay ko na naka corner sa kanya, dali dali syang umalis.

Bigla akong napangiti habang nakatingin sa kanya.

End of Flashbacks....

Halos langawin na ako dito sa kinauupuan ko dahil sa kakahintay sa kanya.

Maya maya may tumawag sakin.

"Tots.. nandito ka din?" sabi ni Riri na naglalakad palapit sakin

Minsan talaga pang bobo din tanong nito eh.. nakita na nga ako tatanungin pa..

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon