Dean's POV
After 5 years...
"Dada!!" tawag sakin ni Irish Keith, kaya napalingon ako sa kanya, kasunod nya si Adi na nakangiti..
Nang makalapit si Irish sakin agad ko syang binuhat..
"Adi, ready kana ba na bumalik ng Pilipinas?" tanong sakin ni Ivy
"Yes! ready na Adi.." sagot ko habang nakangiti
Ready na ako kahit na puro sakit yung naramdaman ko sa Pilipinas dati....
Na eexcite ako dahil makikita ko na naman yung mga kaibigan ko, ilang taon ko din silang hindi nakita, hindi din ako nakadalo sa kasal nila Bryle at Jho, pero nagpadala naman ako ng regalo..
"Daddy, I'm excited! sana marami akong maging friends doon.." sabi ni Irish kaya napatingin ako sa kaniya
"Oo naman baby.. I know na marami kang magiging kaibigan don, because you are kind, beautiful and friendly.." sabi ko sa kanya habang nakangiti
Marunong syang magtagalog kahit dito sya sa lumaki sa US, nagbabakasyon din kasi sila ni Ivy sa Pilipinas paminsan minsan..
5 years old na si Irish, maganda at kamukhang kamukha ni Ivy, matalino din sya.. syempre saan pa ba magmamana?? Syempre sa Daddy! hahaha!
Nakaready na yung mga bagahe nila Irish at Ivy..
Maya maya hinatid na kami sa airport..
Ilang oras din yung byahe namin, nag check in muna kami sa isang hotel para magpahinga..
Nang makapagpahinga kami bumyahe agad kami papunta sa private house nila Adi sa Tagaytay dahil birthday ng mommy niya..
Habang nasa byahe kami, ang ingay ingay ni Irish..
Haysss! may pinagmanahan talaga...
"Dada, excited po akong makita si mamita.." sabi nya sakin, mommy ni Adi yung tinutukoy nya..
"Don't worry baby, malapit na tayo.. ok?" sabi ko sa kanya
"Ok po dada.." sabi nya
Nagkwentuhan kang kaminh dalawa, paminsan minsan nakikisabat samin si Ivy..
Maya maya nakarating na kami sa private house nila Ivy.
"Mamita!!!" sigaw ni Irish ng makita nya yung lola nya, mabilis syang tumakbo palapit sa lola nya at nagpakarga, napangiti naman ako
"Mabuti naman at nakarating na kayo dito... Alam kong pagod kayo sa byahe, magpahinga muna kayo" sabi ni Mommy Herna
Naglakad kami papunta sa may garden at doon nagpahinga, habang nagpapahinga kami nagkukwentuhan kami ng mga kapatid ni Ivy..
Maya maya, nagpalinga linga ako, nakita ko si Mommy Herna na busy sa kaka ayos ng mga pagkaen..
Nasaan na yung batang yun??
Tumingin ako kay Ivy...
"Where's Irish?" tanong ko sa kanya, nagpalinga linga din sya para hanapin si Irish...
Tumayo ako at nag lakad..
"Irish?" tawag ko, kaso walang Irish na lumabas, napatingin ako kay Ivy at halatang nag aalala na sya, nilapitan nya yung mommy nya..
"Mommy, s-si Irish po?" tanong ni Ivy sa mommy nya
"N-Nandyan lang, sabi nya kasi mag lalaro lang daw sya.." sagot ni mommy Herna sa anak nya, inilibot nya din yung mata nya para hanapin si Irish, "Saan nagpunta yung batang yun?" nag aalalang tanong ni Mommy Herna

BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito