Part 13

2.2K 68 2
                                        

Jema's POV

Pagkaalis ni Dean, nagkatinginan kami nila Manong Ruben at Aling Lorna..

Maya maya natawa si Manong Ruben.

"B-Bakit po?" tanong ko

"Hahaha effective diba?" tanong sakin ni Manong Ruben, natawa na din si Aling Lorna, napakunot yung noo ko, "hahaha alam kong nakikinig si Dean kanina pa sa atin.. sorry iha pero kasi narinig kita kanina habang kausap mo yung mama mo, ang sabi mo namimiss mo na sila... mangiyak ngiyak ka pa nga.." kwento ni Manong Ruben, "kaya ayon, noong nakita ko na papunta dito si Dean sinamantala kong itopic yung pinag uusapan natin kanina.." dagdag nya pa

"Pero bakit nyo po ginawa yon?" tanong ko

"Hahahaha naawa kasi ako sayo iha" sagot sakin ni Manong Ruben, "Nagbakasakali lang ako na baka payagan ka ni Dean na umuwi sainyo kapag narinig nya yung usapan natin, successful naman diba? haha" tanong ni Manong Ruben habang nakangiti, "Tingnan mo, sya pa yung nag aya, at ihahatid ka pa naming dalawa... talagang malambot parin yung puso ni Dean pagdating sa usapang pang-pamilya..." dagdag pa ni Manong Ruben at biglang sumeryoso yung mukha nya

"B-Bakit po?" tanong nya

"Alam mo kasi iha, minsan lang makita ni Dean yung pamilya niya... Alam nya yungpakiramdam na malayo sa mga mahal sa buhay..." sabi ni Manong Ruben 

"Oo nga po,, nakwento na sakin ni Aling Lorna iyon." sagot ko

"Hindi nya na nga alam kung anong pakiramdam na may kasamang pamilya.." malungkot na kwento ni Aling Lorna, nakaramdam naman ako ng awa kay Dean. 

"Osya iha, mag ayos kana at baka bumaba na yon..." sabi ni Aling Lorna, 

"hindi na po kailangan, bihis naman na po ako, huhubarin ko lang iyong uniform ko hehehe, saka may mga damit naman po ako sa Laguna" sabi ko kay Aling Lorna, napangiti naman sya at tumango

Tumingin ako kay Manong Ruben na nakangiti..

"Manong Ruben, ok lang po ba na maiwan muna samin  si Dean? sabay nalang po kaming uuwi bukas?" tanong ko kay Manong Ruben, nakangiti parin sya habang nakatingin sakin, 

"Bakit gusto mong maiwan sya don?" tanong ni Manong Ruben, nakikinig lang si Aling Lorna sa amin habang nakangiti

"Kasi po, ang sabi nyo kanina hindi nya na alam yung pakiramdam na may kasamang pamilya.. kaya gusto kong maramdaman nya uli yon kahit sa pamamagitan nalang ng pamilya ko.." sagot ko sa kanya, mas lalo syang napangiti

"Osige iha.." sabi nya, napangiti naman ako, nakatingin lang sakin si Manong Ruben, "B-Bakit po?" tanong ko sa kanya

"Hahah wala lang iha, natutuwa lang ako sayo... mabuti nalang at nakilala ka ni Dean.." sabi ni Manong Ruben, napanguso naman ako

"Naku Manong Ruben, kung alam nyo lang kung paano nya ako sungitan nung una kaming nagkita, pero sabagay bumawi naman sya.." sabi ko

"Hahahahah mabait yan si Dean, ayaw nya lang kasi ipakita, kakaunti lang yung nakakakita non..." nakangiting tanong sakin ni Manong Ruben, dahan dahan naman akong tumango

Sabagay, totoo yung sinabi ni Manong Ruben... kahit ako naman nakikita ko na din yon...

Maya maya, nakita naming pababa na ng hagdan si Dean.

"Let's go, para maaga din kaming makabalik dito.." seryosong sabi nya.. napangiwi naman ako

Di ka sure.. bukas ka na makakauwi..

Habang nasa byahe kami, nakasalpak lang yung headset ni Dean sa tenga nya. Nasa likod lang sya, ako naman nasa passenger seat.

"Iha, ikaw ba'y meron ng nobyo?" tanong ni Manong Ruben sa akin.

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon