Part 24

1.7K 49 5
                                    

Dean's POV

Habang naglalakad ako papunta sa room namin, iniisip ko si Jema.

Sana naman hindi sya mag selos kay Ate Jov. 

"Dean..." napalingon ako sa tumawag sakin

Huh? Bakit nandito uli sya?

"Ate Jov... anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya ng makalapit sya sakin

"Bakit? Bawal na ba ako dito? Dito din naman ako nag aral dati ha, saka wag mo nga akong ma ate-ate, hindi naman nagkakalayo yung age natin, nakaka tanda ha.." sabi nya sakin habang nakangiti, natawa naman ako

"Ehh bakit, sila Bryle din naman Ate yung tawag sayo haha" sabi ko sa kanya

"Sila yon, kapag ikaw kasi ang weird hahaha feeling ko tumatanda ako" sabi nya

"Ahahahaha nasanay na kasi ako" sabi ko sa kanya, "Saan pala yung punta mo?" tanong ko uli sa kanya

"Wala lang, dinadalaw lang kita, pasyal naman tayo mamaya" aya nya sakin

"H-Ha? May pupuntahan kasi kami ni Jema mamaya" sabi ko sa kanya, parang nalungkot naman yung itsura nya

"Ganon ba?? Mahal mo sya noh??" tanong nya sakin, tumingin ako sakanya

"Oo, sobra, mahal na mahal ko sya.." sabi ko, tumango tango sya

"Hulihdbhdbdjdndndn?" bulong nya, biglang kumunot yung noo ko dahil hindi ko naintindihan

"What?" tanong ko, bigla syang ngumiti

"Wala... sumama ka na kasi" sabi nya sakin, nag isip naman ako

Kapag sumama ako sakanya baka magalit si Jema sakin, pero kaibigan ko si Ate Jov, baka maintindihan nya naman.. 

"Sige, magpapaalam ako kay Jema" sabi ko sa kanya, "saan ba kasi tayo pupunta?" tanong nya sakin

"Wala lang, pasyal lang, namiss kasi kita, gusto mo kaen tayo ng pares? sa paborito nating puntahan dati" sabi nya habang nakangiti, napangiti naman ako

"Sige" sabi ko

"Osige, kita nalang tayo mamaya ha?" sabi nya, tumango naman ako

Nakatingin lang ako sakanya habang naglalakad sya palayo. Nang hindi ko na sya makita naglakad na ako papunta sa room namin. 

"oh, bro, muntik ka ng malate.." sabi sakin ni Bryle

"Nakasalubong ko kasi si Ate Jov" sabi ko sakanya

"Si Ate Jov? bakit hindi mo sinama dito?" tanong ni Riri

"Umuwi na eh" sabi ko, pagkatapos naupo na ako sa tabi ni Bryle

"Dean, anong sabi sayo ni Ate Jov?" tanong ni Bryle sakin

"Nag aaya sya, kakaen daw kami ng pares, gusto nyo bang sumama?" tanong ko sa kanila

"Ay, may lakad kami ni Jho." sabi ni Bryle

"Kami din ni Ced, mag date kami eh.." sabi naman ni Tots

"Kami din ni Carly.." sabat naman ni Gel

"same.. may date kami ni Ces.." sabi naman ni Riri

Napabuntong hininga ako..

"May lakad din sana kami ni Jema mamaya, kaso hindi ko naman matanggihan si Ate Jov.. minsan lang sya nandito eh" sabi ko

"Sama nyo nalang bro si Jema.." sabi naman ni Gel

"Hmm tatanong ko sya after class.." sabi ko

"maiba tayo bro, sa Sunday na yung birthday mo, punta kami ha.." sabi ni Bryle

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon