Jema's POV
Nandito kami ngayon sa room namin, kasama ko dito lahat ng girls, kaya kasama din namin si Ivy dito...
Napatingin ako kay Ivy na nakahiga at hawak hawak yung phone nya habang naka headset...
"Hello, nasaan ka?" habang nag aayos ako ng gamit narinig kong may kausap si Ivy..
"Namimiss na agad kita.." rinig konv sabi nya, napataas yung kilay ko
So, si Dean yung kausap nya...
Wow ha.. magkatabi lang yung room namin, pwede hya namang puntahan kung namimiss nya kaagad..
Napansin kong nakatingin sakin sila Jho..
"Sige, see you later ok? I love you! yung sinabi ko sayo, bilihan mo ako ng pang swimming..." sabi nya sa ka videocall nya.. "Sige.. ok lang one piece.." dagdag nya, "Ok, thank you! I miss you! I love you!" sabi nya uli, pagkatapos hinalikan nya yung screen ng phone nya..
Nakaramdam ako ng inis..
"Ehem! Mareng Chema.. yung kilay mo, hindi na bumaba.." sabi ni Kyla
Nang matapos kong mag ayos ng gamit humiga ako sa kama ko..
Maya maya may biglang kumatok kaya naman lumapit si Kyla sa pinto at binuksan iyon..
"Dean.. hanap mo si J-Ivy?" rinig kong sabi ni Kyla
Hindi talaga to titigil sa kakaasar samin, nakakahiya kay Ivy..
"Uhm.. may ibibigay lang ako kay Adi, pwede bang pumasok?" tanong ni Dean
"Sure.." sabi ni Kyla, at mas nilakihan nya yung pagkakabukas ng pinto
Agad akong pumikit at nagkunwaring natutulog..
"Adi, ito na yung 2 piece mo..." rinig kong sabi ni Dean..
Adi, Adi... hmmp!
"Thank you Adi!" rinig kong sabi ni Ivy..
Thank you Adi... hmmp!
"U-uhmm pinapasabi pala ni Bryle na maya maya pupunta tayo ng beach.." rinig kong sabi ni Dean
"Ok Dean.. kita kita nalang tayo sa baba.." sabi naman ni Jho
"Wala na sya girl.." bulong sakin ni Ces kaya naman dumilat ako..
Lumapit samin si Ivy..
"Nakaka excite nuh?" tanong samin ni Ivy
"A-Aahh heheh oo naman..." sagot ni Carly sabay tingin sakin
"Matagal na ba kayong magkakakilala?" tanong samin ni Ivy
"Oo, college pa.." sagot ni Jho
"Eh kayo? Matagal na ba kayong magkakilala ni Dean?" tanong ni Ced
"Oo, kababata ko sya.." sabi nya, tumingin sya sakin, "Kahit na ganon kasungit sakin minsan yon.. mahal na mahal ko yung Adi ko na yun.." sabi nya habang nakatingin sakin
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko..
"Sa tingin mo ba mahal ka ni Dean?" tanong ni Ced
"Oo naman.. nararamdaman ko yun.." sabi ni Ivy habang nakangiti
"Mabuti naman, akala ko kasi pinagkasundo lang kayo.." sabi naman ni Ces
"Hihihi! nung nalaman ko nga na sya yung mapapangasawa ko sobrang tuwa ko.." sabi nya, lihim kong nakuyom yung kamay ko habang nakatingin kay Ivy
"Sana makasundo ko kayo, tingin ko kasi mababait kayo" sabi nya pa
Nginitian lang sya ng mga kasama ko..
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito