Jema's POV
Magkakasama kami ngayon nila Jho, Carly, Ced, Kyla, at Ces.
Nasaan yung mga boys? Ayun nasa kabilang room at nag kukwentuhan din.
"Mga bes, saan ba tayo mag titraining ng FA?" tanong ni Jho
"Ay alam nyo, isa yung family nila Ed sa may ari ng ICATS.. sa may Pasig.. nasabi nya pala sakin kung gusto daw natin mag sabi lang daw sa kanya" sabi ni Ced
"Ay oo nga ano? doon nalang kaya?" tanong ni Jho
"Ok lang sakin, kaibigan naman natin si Ed eh" sabi ko
"Pero parang mahal dun Jema.." sabi ni Kyla
Si Carly nakikinig lang sa amin dahil iba ang course nya.
"Sabagay, 4 month lang ang training diba?" tanong ni Ces, tumango naman kami
"Hay! Sana talaga matapos na to, sabay sabay tayong magiging FA.." masayang sabi ni Jho
"Support ko kayo dyan girls.. sayang nga eh, gusto ko din sana.. kaso wala akong magawa, parents ko na yung nag desisyon ng course ko hay!" sabi ni Carly
"Ano ka ba.. ok lang yan.." sabi ni Ces sa kanya
Business nga pala yung course nito, at ang alam ko din sya na yung mag mamanage ng company nila..
Hay! ako lang pala yung mahirap dito... Kailangan pang mag trabaho para lang may pang bayad ng pang training...
Pero ok lang, alam kong hindi habang buhay yung paghihirap..
"Pero guys, alam nyo, ang tatahimik ng boys sa kabila, ano bang ginagawa nila?" tanong ni Ces samin
"Malay ko ba..." sabi ni Carly
"Bukas ba anong gagawin natin?" tanong ni Ced
"Surfing..." sagot ni Carly
"Ay wow! gusto ko yan.. Isang araw nalang pala tayo dito nuh?" tanong ni Ced
"Oo, sa susunod na araw balik na tayo sa Manila.. back to normal na naman" sabi ni Jho
Bigla kong naalala yung alok sakin ni Dean..
"U-Uhm.. mga bes, may sasabihin pala ako sa inyo.." sabi ko, nagsitinginan sila sakin
"Buntis ka?" tanong ni Kyla, inirapan ko sya
"Gaga! hindi! kasi ano... p-pano ba to?" nahihirapan akong mag explain, nahihiya kasi ako sa kanila.
"Ano yun Jema? kaya mo yan.." sabi ni Jho
"K-Kasi, nakausap ko si Dean nung nakaraang araw, g-gusto nyang mag sama kami sa condo nya.." sabi ko, nakatingin lang sila sakin
"Bakit daw?" tanong ni Jho
"Uhm, sabi nya kasi sakin para daw mas makatipid ako... k-kung ok lang naman.. pero kung hindi ok lang din.." sabi ko..
"Edi parang magka-leave in partner na kayo?" tanong ni Kyla
"P-Parang, pero hindi naman kami mag tatabi, sabi nya dalawang kwarto daw yun" sabi ko
"Edi iiwan mo na kami?" tanong ni Ces
"H-hindi naman.." utal na sagot ko
"Gusto mo ba?" tanong bi Ced
"N-Naisip ko din kasi mas makakatipid nga ako kapag nangyare yun, m-malaki din kasi yung ambagan natin diba?" tanong ko sa kanila sabay yuko
"Actually Jema, napag usapan din kasi namin yan.. kakausapin ka din sana namin, pinapauwi na din kasi kami ng mga parents namin sa kanya kanya naming bahay kasi nga tapos na tayong mag aral.. ikaw lang kasi talaga yung iniisip namin" sabi ni Jho, agad akong napatingin sa kanya
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito