Dean's POV
12 AM ng Saturday, nakaready na kami ni Ivy, hinihintay nalang namin sila Bryle, dadaanan daw kasi ila kami dito..
"Adi, saan ba tayo mag kikita kita?" tanong ni Ivy sakin
"Susunduin tayo dito.." sagot ko
"Ay sige, anong oras kaya?" tanong ni Ivy sa akin
"Malapit na daw sila.. naka ready kana ba?" tanong ko sa kanya
"Yup! ready na yung nagkakapalang jacket ko!" sabi nya, nagpigil ako ng tawa ko..
Pffffttt!!! bwisit! gusto kong tumawa ng malakas!
"Bakit?" tanong nya sakin, mabilis akong umiling
"Nandyan na daw sila.. let's go.." sabi ko, kinuha ko yung maleta ni Ivy at ako na yung nagdala non habang sya naman nakakapit sa kamay ko..
Hay! siguro kung hindi ko lang kababata to binalian ko na ng buto to..
Paglabas namin ng building nakita namin yung malaking van na naka park sa gilid, agad naming nilapitan iyon..
Binuksan nila yung pintuan, napatingin ako kay Jema na nasa likod ng uupuan namin at katabi si Ed, napatingin sya sakin kaya mabilis kong iniwas yung paningin ko..
Nakaramdam ako ng inis..
Sasakay na sana ako kaso bigla akong tinulak ni Ivy sa gilid at inunahan akong pumasok sa van..
"Adi, dyan kana sa may bintana.." sabi nya sakin, napailing nalang ako at sumakay, nang nakasakay ako agad kong sinarado yung pinto..
"Ok! kumpleto na tayo! let's go na!" masayang sabi ni Bryle na nasa unahan at katabi si Jho.. "Kuya, ok na po, pwede na tayong umalis.." utos ni Bryle sa driver nila..
Habang nasa byahe kami gustong gusto kong makita at lingunin si Jema, pero hindi ko magawa dahil baka kung anong isipin nya, ganon na din si Ed..
Napatingin ako kay Ivy na nakikipag kwentuhan kay Carly..
"Ivy, nahanda mo ba yung 2 piece mo?" tanong sa kanya ni Carly
Shit! Ito na! bakit ang aga mo naman kasing i-topic Carly?
Napatingin sakin si Adi, ako naman patay malisya na nakatingin sa labas..
"2 piece?" rinig kong tanong ni Ivy
"Yeah! pupuntahan natin yung beach don para mag surfing, may falls din..." sabi ni Carly
Napatingin ako kay Ivy at nagpipigil ako ng tawa, tumingin sya sakin ng masama..
Humarap sya sakin at halatang naiinis na...
"Aaarrggghhh! Addiiii! napaka mo talaga!!" sigaw ni Ivy, napatingin samin sila Gel, Carly, Jho at Bryle, malamang pati yung mga nasa likod nakatingin din saming dalawa ni Ivy... hindi ko na napigilan yung tawa ko..
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" malakas na tawa ko
"Bakit? hahah?" natatawang tanong ni Bryle
"Arraaay! hahahaha sorry na!" pinagkukurot kasi ni Ivy yung tagiliran ko..
"Nakakainis ka talaga!!" inis na sabi nya sakin
"Hahahahahahahah! hayaan mo bibilihan nalang kita don!" sabi ko habang natatawa
"Bakit anong nangyare ba kasi? hahah.." tanong uli ni Bryle
"Pano ba naman kasi! ang sabi nya sobrang lamig daw don! kaya yung dinala ko yung mga jacket ko!" inis n sumbong nya sa mga kasama ko, hindi na din napigilan nila Bryle yung tawa nila..
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin
FanfictionBoy po dito si Deanna Wong. 😊 Sana mag enjoy kayo sa story na ito