Part 4

2.3K 67 0
                                        

Dean's POV

Nandito ako ngayon sa room namin.

Nakakaboring naman..

"huy! tahimik mo bro.." sabi ni Riri sakin

"Wala, naboboring lang ako.." sabi ko

"kahit ako naman naboboring din.." sabat ni Bryle

"guys.. bar tayo mamayang gabi?" aya ni Tots

"Bakit? may problema ka?" tanong ni Gel

"Eh nag away kami ni Syd eh.." inis na sabi ni Tots

"Yan kakaasar mo sakin yan.. ayan tuloy na karma ka.." asar ko sa kanya, sinamaan nya naman ako ng tingin

"Osige, bar tayo mamaya.." sabi ni Bryle, "ano G kayo?" tanong nya samin

"G!" sabay sabay naming sagot

Maya maya pumasok si Carly sa room namin.

Si Carly isa sa mga kaibigan namin..

"hi guys.." bati nya samin.. kumaway lang ako sa kanya

"hi Carlota.." nakangiting bati ni Gel

"wala kang pasok?" tanong ni Bryle.

"Meron, dumaan lang ako dito para mag hi sa inyo.." sabi ni Carly

"Naku! hindi naman kami yung pinunta mo dito.." asar ni Tots sabay tingin sakin..

Mang aasar nanaman to..

Nakita kong namula si Carly..

Bwisit talaga tong si Tots..

Nag bilog ako ng papel pagkatapos binato kay Tots..

"Hahaha Joke lang.." sabi nya habang naka nguso..

Alam kong may gusto sakin si Carly, pero hindi ko sya type.. parang kapatid na yung turing ko dito..

Simula high school magkakaibigan na kami nila Bryle, Tots, Riri, Gel at Carly.

"Sige na.. dumaan lang ako para mag hi.." paalam ni Carly..

"Nako! dumaan dito para mag hi kay Dean.. haha" asar ni Riri

Nagtawanan naman sila Bryle..

"bro, wag nyo nga akong inaasar kay Carly, alam nyo namang parang kapatid lang yung turing ko dun.." sabi ko nang makita kong nakalabas na si Carly sa room namin

"weh? talaga? walang feelings kahit konte?" tanong ni Riri

"Meron, pero love as a friend.." sabi ko habang magkasalubong yung kilay..

"Hahahahaha eh malay mo sa mga susunod na araw love as a lover na.. hahaha" asar naman ni Tots

"Oo nga.. hahaha" gatong naman ni Riri, natawa naman si Bryle at Gel.

Habang nag hihintay kami ng prof biglang lumapit samin si Luigi, kaibigan din namin itong si Luigi, pero minsan lang sya sumama samin.. Good boy daw kasi sya..

Pero kapag ayaw akong samahan nitong mga kaibigan ko kapag may lakad ako, sya yung sumasama sakin..

"Deans.. may nag hahanap sayo sa labas.. puro babae.." sabi nya habang naka ngisi..

"Hala ka bro.. hina hunting ka nanaman ng mga kababaihan.." asar ni Riri

"Ewan ko sa inyo.." inis na sabi ko, pagkatapos tumingin ako kay Luigi

"Lu, sino daw? ano name?" tanong ko

"Ewan ko, hinahanap ka eh.. morenang babae.. ang dami nila mga apat.." sabi nya, "puntahan mo na mukhang may atraso ka eh hahah" asar nya sakin, agad na nag salubong yung kilay ko

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon