Part 32

1.6K 58 4
                                    

Fast Forward tayo...

Dean's POV

Nandito ako ngayon sa Ateneo at naglalakad, kokonte nalang yung student na nandito, tapos na kasi yung school year at kakatapos lang ng graduation namin.

Masaya ako dahil graduate na kami, kaso nalulungkot ako dahil bihira ko nalang makakasama sila Bryle, Gel, Tots at Riri.

Magsisimula na din yung totoong mundo para saamin.

Maraming alaala ang maiiwan dito, dito ka din nakilala si Jema.

Napatigil ako sa hallway kung saan kami nagkabangga ni Jema dati,, parang nakita ko yung imahe namin ni Jema nung mga oras na yon..

"Hey! ano ba?! your not looking sa dinadaanan mo ha! yan tuloy!" - ako

"Hoy! ikaw din naman ha..! tingnan mo! naapakan mo pa yung phone ko!" - Jema

"huh!? ibibintang mo pa sakin yan.. hindi ko na kasalanan yon ok? tabi!" pagsusungit ko kay Jema,

Naalala ko na tinabig ko pa sya non kaya nabato nya ako ng cellphone..

Napangiti ako at ipinagpatuloy ko yung paglalakad ko, nadaanan ko din yung cafeteria kung saan sabay sabay kaming kumaen, pati na rin yung room namin. Pumasok ako doon at umupo sa upuan ko, inalala ko yung mga asaran namin ng mga kaibigan ko..

Napabuntong hininga ako..

Alam kong makakasama ko pa naman sila, pero bihira nalang..

Maya maya nagpasya na akong pumunta ng MOA para sunduin si Jema..

Hanggang ngayon hindi nya parin alam na ako yung may ari ng restaurant na pinag tatrabahuhan nya. Sa ilang buwan nyang pagtatrabaho doon, alam kong nakaipon na din sya.

Sa 5 months na lumipas, maraming nangyare, minsan nag aaway kami ni Jema pero hindi ko din sya matiis. Sa kanila din ako nag Christmas at New Year dahil hindi umuwi yung family ko..

Umuwi din kasi sila Manong Ruben at sila Yaya sa kanya kanya nilang pamilya para ipag diwang yung pasko at bagong taon..

Masaya din yung Pasko at Bagong taon ko dahil kasama ko yung babaeng mahal ko. Simple lang yung naging celebration nila, nakilala ko din yung ibang kamag anak ni Jema.

Nang makarating ako sa MOA dumeretso ako sa Sachi Ramen House,   susunduin ko ngayon si Jema dahil kailangan nyang mag ayos ng gamit ngayon dahil aalis kami bukas kasama ng mga kaibigan ko, pupunta kasi kami ng Siargao at magbabakasyon kami doon, 5 days and 4 nights..

Nakita ko si Jema na nag hihintay sa labas ng Sachi Ramen House, habang nasa byahe kasi ako nasabihan ko na sya.

"B, biglaan naman ata yung alis natin? Hindi pa ako nakapag ready ng dadalhin ko." kunot noong sabi nya sakin ng makalapit ako sa kanya

"Surprise nga kasi namin sa inyo yun B.. ngayon lang nga din nalaman ng mga kaibigan mo.." sabi ko habang nakangiti

"Oo nga, kaya ayon nagmadali sila pumunta ng mall para bumili ng dadalhing damit.." sabi nya sakin

"Tara, bibili din tayo.." sabi ko sabay hawak sa kamay nya.. wala naman syang nagawa kundi ang sumunod. 

Pumunta kami sa H&M para bumili ng damit para sa beach.

Habang pumupili kami ng mga damit napansin kong napatingin si Jema sa 2 piece. 

"B, gusto mong mag suot nyan? b-baka pagtinginan ka ng----"

"Hindi.." putol nya sa sasabihin ko.

Nang mabili na namin yung mga dapat naming bilihin kumaen muna kami pagkatapos dumeretso na kami sa apartment nila Jema.

Let The Love BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon